Chapter 15: Beach

1368 Words
Dumating ang biyernes... sinundo kaming dalawa ni Kristian ng sasakyan ni Jerold since na magkapit-bahay lang kami, kami yung huling pinuntahan, si Jerold yung driver at kasama nya sa harap si Camille, sa likod naman si Pol. nagmadali akong pumasok sa loob ng sasakyan para kami ang tabi ni Pol at si Kristian sa pinaka likod pero nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Pol palabas ng sasakyan na nasalo naman kaagad ng katawan ni Kristian. "ay sorry!" agad kong sabi pag tingin ko si Kristian kaya naman napalayo agad ako. "bakit kaba nanunulak Pol, uupo nga ako dyan oh, kung ayaw mo akong katabi oh Kristian mauna kana dyan, sa likod nalang ako uupo." sabi ko pero hindi ako tumitingin sa kanya. "dont get me wrong honey, ilalagay ko dyan yung mga gamit natin kaya walang uupo dyan dun kayo ni Kristian sa likod" paliwanag ni Pol. "ha!? seryoso kaba!?" "muka ba akong nagjo-joke Jepoy! shu! go on arte" sabi nya. "huy ano na! pumasok na kayo para di tayo gabihin sa byahe papuntang beach!" sigaw ni Camille kaya naman napilitan akong umupo sa pinaka likod, ganun din si Kristian magkatabi kami ngayon as in dikit na dikit kasi si Pol nilagay sa gilid namin yung iba nyang gamit na pinaupo nya sa dapat na uupuan ko. tumingin ako sa bintana habang pinapakinggan yung music background sa sasakyan na tagpuan, bakit pakiramdam ko nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino yung unang kikibo at mag sasalita. sunod na music ng sasakyan ni Jerold malaya ni ate mo moira, sino ba yung DJ ng sasakyan ? nako malamang si Camille to eh, pinagkaisahan siguro nila akong dalawa ni Pol. habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan nakita ko na medyo dumilim ang langit at umambon saglit, sabayan pa ng kanta ni ate mo Moira, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ang awkward naming dalawa dito. Lumunok ako ng laway... "hinintay kita sa Mall... pero hindi ka dumating.." sabi ko sa mahinang boses, hindi sya sumagot pero naramdaman ko na tumingin sya sakin. "naghintay ako, hinintay kita hanggang magsara na yung mall. bakit? (tumingin ako sa kanya) bakit hindi ka dumating?" sabi ko na naluluha-luha na. nakatingin lang sya sakin pero bigla nyang iniwas yung tingin nya. "sorry, may emergency lang... may nangyari lang nung oras nayun." paliwanag nya. "bakit hindi mo ako sinabihan? Kahit text wala akong natanggap sayo... nagmuka akong tanga kakahintay" sabi ko sabay pahid ng luha sa mga mata ko. "pasensya kana talaga hindi ko sinasadya." paghingi nya ng despensa at dun narin natapos yung pag-uusap namin. Pagkarating namin sa beach agad kaming inasikaso ng staff at tinuro agad samin yung mga rooms na pag-sstayan namin, pagkaturo ng room ko agad akong pumasok dun at nilapag yung bag ko sa gilid ng kama humiga ako saglit para magpahinga. maya-maya biglang may kumatok sa pinto ko na agad ko namang binuksan, si Pol. "ano, okay kalang ba?" bungad ni Pol, hindi ko sya sinagot at naglakad ako papuntang kama sabay umupo, sumunod din sya at umupo sa tabi ko. "nakapag-usap naman na kayo ni Kristian diba? anong ginagawa mo dito?" "ha? napakinggan mo!?" "hindi ko naman napakinggan lahat at saka nga kaya pinag tabi ko kayong dalawa eh para magkaroon kayo ng chance na makapag-usap. Napansin ko kasi na parang nag iiwassn na kayong dalawa na parang may something sa inyong dalawa." "salamat ha.." sabi ko. "ano tara na sa labas, andun na sila." "kayo nalang muna papahinga muna ako mamayang dilim nako lalabas baka mangitim ako," sabi ko. "alam mo ang KJ mo ha! sabunutan kita eh! ano to pumunta tayo dito para magpahinga ka? edi sana dun nalang tayo sa bahay nyo." pagalit na sabi ni Pol although naiintindihan ko naman sya kung bakit tumaas boses nya, tama naman sya sa mga sinabi nya. "ano kaba, sige na susunod naman ako, hindi naman ako nagda-drama, sobrang init kasi eh!" pagmamatigas ko. "nako bahala ka ha, basta mamayang 6:00 PM lumabas kana ha! para hindi rin mag alala yung iba sayo, sabihin ko nalang na may kausap kapa sa fone at susunod kanalang" "sige sige salamat talaga Pol" sabi ka sabay hinatid ko sya sa pintuan. "6 ha!" "oo nga" sabi ko sabay tawa. 5:01 palang ng hapon ngayon. humiga muna ako sa kama para makapag-isip para maihiwalay ko yung personal feelings ko kay Kristian at hindi maging panira ng mood sa grupo. Mag si-6 palang ng lumabas nako ng kwarto at agad ko silang hinanap na ngayo'y nasa ilalim ng buko na parang masayang nagkwekwentuhan dahil rinig na rinig ko ang boses ni Pol at Jerold. Nang dumating ako ngumiti agad ako sakanila at umupo sa tabi ni Pol, nagkwentuhan lang kami dun tungkol sa mga nangyari saming tatlo nuon sa mga kaguluhan at kabaliwan naming tatlo, aliw na aliw naman si Jerold sa pagkakakwento ni Pol habang si Kristian tahimik parin pero pangiti-ngiti naman. pagkatapos namin magkwentuha nag-aya na silang kumain ng hapunan syempre kailangan hindi rin tayo nagugutom diba? at alam ko naman na naghahanda na silang magswimming eh kaya kumain muna. pagkatpos namin kumain pumunta muna kami sa kanya-kanya naming mga kwarto para magpalit ng damit panligo. Actually feeling ko nga kami lang naman talaga ni Pol yung magpapalit pa eh si Kristian at Jerold kasi maghuhubad lang nag damit yun at pantalon bago yung boxer or magpapalit lang yun ng short. hindi muna ako lumabas dahil marami akong abubot na pinaglalagay sa mukha at balat ko. pagkalabas ko ng kwarto ko naglakad-lakad ako at nakita ko silang apat na nakaupo sa di kalayuan may apoy sa gitna nila habang nakaupo sila ng paikot at umiinom sila ng alak. agad akong lumapit sa kanila para sumali, hindi pako nakaka-upo sa tabi ni Pol inabutan nya na agad ako ng isang bote ng alak. "so una sa lahat maraming maraming salamat sainyo, Kristian at Jerold. kung hindi dahil sa inyo malamang di namin alam kung saan kami pupulutin ngayon." sabi ni Pol sabay taas ng bote ng alak. ngumiti naman si Jerold bilang pagsagot at ngumiti lang ng taimtim si Kristian. "proud din kami sa inyo kasi hindi naman kayo makakapasa kung hindi rin sa determinasyon nyo." dagdag pa ni Jerold. "nako tama nayan! since na andito naman na tayong lima, maglaro nalang tayo ng game." pag putol ni Camille. "ay gusto ko yan!" agad na sagot ni Pol. "sige-sige ano bang lalaruin natin?" sabi ni Jerold. "spin the bottle?" sabi ni Camille. "ano bayan spin the botte lang!?" reklamo ni Pol sabay tawa. "sira! with a twist! with question and answer portion then tagay ng alak ganern!" paliwanag ni Camile, na sinang ayunan naman ni Pol at Jerold, samantalang kami ni Kristian tahimik lang kami. "oh game, game!" sigaw ni Camille sabay pinaikot nya yung bote unang himinto ito sa tapat ni Jerold. "okay, okay! ako magtatanong!" sigaw ni Pol. "may gusto kaba kay Jepoy!?" nanlaki yung mga mata ko sa tanong ni Pol kaya agad ko syang hinampas, humiyaw naman si Camille ng malakas. "Pol, ano kaba! bat ganyan mga tanong mo!" sabi ko na parang nahihiya pero tinabig lang ako ni Pol, malamang lasing nato kaya ganito na sya mag-isip, nakita ko naman na ngumiti lang si Jerold. "oh ano? answer the question, Jerold!" sabi pa ni Pol. ngumiti lang si Jerold at tumingin sakin pero ng magtama yung mga mata namin agad kong iniwas yung tingin ko sa kanya. "nako, nako! mahirap yang tanong mo! iinom nalang ako!" biglang sabi ni Jerold sabay uminom ng alak. "ang KEEEEeeeeeeeeeeeejaaaaaaaay naman!" sigaw nila Camile at Pol. kinuha ni Jerold yung bote at pinaikot ito, please wag sakin, wag sakin! pero mukang hindi dininig yung pakiusap ko dahil sakin tumapat yung bote. "okay! ako magtatanong kay Jepoy!" prisinta ni Camille, ngumiti lang ako sakanya. "meron kabang gusto na tao ngayon dito sa mga kasama natin? isa lang ha?" biro ni Camille sabay tawa, ngumiti lang ako at handa nakong kunin yung bote ng alak para inumin pero napatingin nalang ako ng biglang tumayo si Kristian at umalis. "san ka pupunta?" sigaw ni Camille pero hindi sya sinagot ni Kristian nagtuloy-tuloy lang sya. Napatingin nalang ako kay Jerold na ngayo'y nakatingin sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD