bc

Unanswered Prayer

book_age16+
716
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
arranged marriage
independent
decisive
bxg
lighthearted
office/work place
realistic earth
sassy
pilot
like
intro-logo
Blurb

Simula pa pagkabata madami na siyang mga wishes na hindi nagkatotoo. Lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay according to her father's choice. Even her marriage ay naka plano.

Dahil sa kagustuhan na hindi matuloy ang kasal nagpanggap siyang lalaki, upang mapalapit dito. She will find grounds, para hindi matuloy ang kasal.

At sapat na ang paghalik nito sa kanya bilang Uno his driver na isang lalaki, to call the wedding off!

A/N: This is work of fiction. Pasensya na sa typo at wrong grammar.Isa ito sa pinaka una kong ginawa kaya hindi pa maayos ang flow ng story . At plano kong mananatili itong libre ninyong mabasa. Sana magustuhan ninyo.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Hey, Ivan. Where are you going?"nagtataka niyang salubong sa kapatid na pababa ng hagdan. Nagmamadali ito kasunod ang katulong na may bitbit na mga maleta. "I’m glad to see you before I leave, Ysa. Come follow me."sabi nito at hinatak ang aking kamay. Nagtungo kami sa garden. "Why?"nagtataka kung tanong sa kanya. "Ysa, I heard mommy and daddy last night".pabulong nitong sabi. Napakunot ang aking noo. Siya ang mas matanda pero isang taon lang kaya hindi ito tumatawag sa kanya ng ate. "Plano na nilang ipakasal ang isa sa atin sa mayaman nilang business associates."bulong pa din nito at mababanaag ang tensyon. "Sino daw sa atin?"tanong ko. Wala silang kapatid na lalaki kaya para mapangalagaan ang kanilang yaman na pwede magsamantala sa bilyon nilang ari arian,ang mga magulang ang pipili ng asawa sa kanila. "I don't know! I am totally against it! Kaya magtatago muna ako."sabi pa nito. "Kaya mo? How you will survive? " kilala niya ang kapatid na walang alam gawin. Tapos na ito sa pre-med course nito pero may yaya pa din hanggang ngayon. "Kakayanin ko wag lang akong makasal sa isang lalaki na hindi ko mahal!"determinado nitong sabi. "Iiwan mo ako para wala silang choice,kundi ako na lang ang ipakasal ganun ba?" may himig tampo kung sabi. Nagpawala ako ng malalim na buntong hininga.Nakakasakal pero wala naman silang pagpipilian. "That's why im telling you this, Ysa. Let's run away." Suhestiyon nito.Hinawakan pa siya sa dalawang kamay.Umaasa sa anyo nito na mapapayag siya na maglayas silang dalawa. "Ivanna, we know we can't run away from our dear father Lucas Mondragon.” Buong katotohanan niyang pahayag dito.Dahil sa connection pa lang nito,sigurado siya meron na itong nakabuntot sa kapatid ng hindi nito nalalaman paglabas pa lang ng gate. "I will give it a try, Ysa! Malay mo may magmahal sa akin ng totoo! C'mon let's find our knight and shining armor.” muli nitong pagkumbinse sa kanya. "I will think about it." Malungkot kong sabi at mahigpit na niyakap ang aking kapatid. "Good luck, Ivanna. Take care. Keep in touch okay?"sabi ko at inihatid na ito sa naghihintay na sasakyan. Nagpawala ako ng buntunghininga nang mawala ang sasakyan nito. Saan naman sa palagay nang kanyang kapatid magtatago? Hayaan na lang nila ang kapatid sa gusto nito. Kasi tulad niya wala itong kawala bilang tagapagmana. Marriage for advantage. Ivanna doesn't know,na kinausap na siya ng kanyang ama. "Ysabella, I want you to meet this man".sabi nang kanyang ama. At inabot sa kanya ang isang larawan. Mataman niya itong pinagmasdan. He is handsome. "Siya ba ang lalaking napili nyo para sa akin?"walang gana kong tanong.Noon pa nakulili na ang tenga niya sa rules as heir ng isang Mondragon. Fixed marriage for their advantage. Sa tingin ng mga ito dahil babae ay mahina lang sila at pwede paikutin at mawala ang kayamanan ng kanilang angkan. "Yes."mahina nitong sabi. Nakatingin lang ito sa akin. Bahagya kong binasa ang profile nito. Wine factory. Malls. Plantation. "Worth billions huh!"sarkastiko kung sabi. "And he is good looking too."dagdag ng kanyang ama. Inangat ko ang picture nito at itinapat ko sa aking mukha. Mataman kong pinagmasdan. "I want to meet him first papa. And later I will decide kung papayag ba ako sa gusto ninyo.” sabi ko at muling inilapag ang larawan nito sa folder kasama sa mga papel na naglalaman ng mga information nito. "Ysa.." "Papa, I’ve been a very obedient daughter. Ang gusto ko mag artista ako,ayaw nyo! Sinunod ko kayo. You want me to become a pilot and I am now. I am not allowed to have a boyfriend and I agree. But this is the only time I will ask you. Allow me na makilala siya bago nyo ako ipakasal sa kanya."pagputol ko sa sasabihin niya. Nakipag sukatan siya ng tingin sa kilalang formidable business tycoon ng bansa. Hanggang wala itong magawa,nagpawala nang buntong hininga tanda ng pagsuko. "Okay! He just had a minor accident. Naka confine siya sa isa sa ating hospital. You can meet him there!"pagsuko nito. Dahan dahan siyang pumasok kasama ng nakatalaga ditong nurse. Nakasuot siya ng isang scrub suit.Anak siya ng me ari kaya pwede niya gawin ang gusto niya sa loob ng hospital premises. Naabutan nila ang pagtatalo ng lalaki na me sling bandage sa kanang braso. At gauze sa bandang noo. "Ma, it's a minor car accident. I am fine!" "No, no, Sib. From now on, you will not allow to go out. I will hire a driver for you!" Mariing sabi nang mama ng lalaki. Me katabaan ito pero maganda ang mukha. Nasa features nila ang pagiging Espanyol. "No way!"pagpipilit pa din ng lalaki. "Simon, you want to see your mother die?"boses ng ama nito. "Tsk! What is this?"frustrated nitong sabi. Tanda na hindi siya makakatanggi sa kagustuhan ng ina. Mukhang ang ina nito ang weakness ng lalaki. "Thank you baby!"sabi ng ina nito at yumakap sa lalaki. "Baby damulag!"sabi niya sa sarili. AT napa ismid sa nakita. Tsk! napapalatak siya sa naisip. Mama's boy ang lalaki o bakla yata ito? Kailangan pa niyang makilala ito ng husto. Di bale nang ipagpalit siya sa babae wag lang sa lalaki!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook