Masaya silang nagkwentuhan habang nagkakainan. Hindi na nila namalayan ang oras.
"Sib, may bigla kaming lakad ng baby ko. We can't drop you at your condo. Tawagan na lang natin ang driver mo?"
Suhestiyon ni Shaun, na nakapag paangat sa kanya ng pansin mula sa plato nang pagkain.
"I don't want to see Uno, kaya nga hindi ako nagpahatid sa kanya at sumabay ako kay Adam."
Sabi niya at muling sumisimsim ng table wine.
"Who's Uno?"
Tanong ni Terence, matagal din itong hindi nakakasama nila sa paglabas labas.
"Driver niya. Alam mo naman yan konting inom lang lasing na kaya after the minor car accident dahil sa kalasingan niya. Tito Simeon insisted to have a driver or else hindi siya makakalabas."
Si Shaun ang nagpaliwanag na laki niya pasasalamat. Nawalan siya ng ganang magsalita.
"Im sorry Sib hindi ko alam. Masyado kasi akong busy."
Hingi ng paumanhin ni Terence.
"Okay lang , alam ko naman pinagdadaanan mo."
Pilit siyang ngumiti dito.
"Ayan na pala ang driver mo."
Sabay silang tumingin sa Audi car na bagong dating at lumabas ang driver niya na naka dark shades. Kung titingnan mo mukhang Korean kasi maputi at makinis ang kutis. Sa suot nitong puting t-shirt na na napapaibabawan ng maong na jacket at hapit na itim na pantalon at rubber shoes na mukhang mamahalin.
"Sino ang tumawag sa kanya?"
Naiinis niyang tanong.
"I did pare,hindi din kasi kita maihahatid may importante akong gagawin."
Sabi ni Adam at bahagya pa siyang tinapik sa balikat, humihingi ng pang unawa.
"Ysa?!"
Sabi ni Tia na lahat sila napabaling ng tingin dito. Nakatitig ito kay Uno na nasa labas at nakasandal sa magarang sasakyan.
"Who?"
Tanong niya sa kasintahan ni Terence na manghang nakatingin sa kanyang driver.
"Is that Ysa? She really looks like her, except the hair and the way she dressed."
Ulit nito na nakatitig pa din kay, Uno.
Para namang nawala ang pagkalasing niya sa narinig.
"Can you call her?"
Hiling niya kay Tia. Tumingin muna ito kay Terence, humihingi ng pag sang ayon.
"Sweetheart, Sib is suffering let's help him."
Sabi ni Terence na sinunod naman nito.Handa siyang sagutin ang alak sa kasal nito.Malaman lang niya ang katotohanan sa pagkatao ng kanyang driver.Nag aalinlangan pa ito na ilabas ang phone at nag dial.
"Loudspeaker please."
Hiling niya dito. Parang tumitigil ang pintig ng kanyang puso habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.
Lahat nang nasa table ay nakatuon ang pansin sa driver niya. Umaasa na sagutin nito ang tawag.
"Hey Tia, how are you? Congrats! It's all over the news. His the man in the airport di ba?"
Masaya nitong sabi.Lahat kami ay naka awang ang mga bibig nang sagutin nito ang tawag ni Tia.
"Yes, salamat. Ikaw kumusta na? Ang tagal kung walang balita sa iyo ah!"
"Im fine! Just hiding somewhere."
Sagot nito na tumatawa. For the first time narinig niya itong humalakhak.
"Literally hiding!"
Hindi niya mapigilan na komento na tanging siya lang ang nakakarinig.
Kinuha niya ang sarili na telepono at nag dial ng numero. Nakita nila na may dinukot ito sa bulsa. Dalawa ang gamit nitong cellphone.
"Wait, Tia, I'll come back to you. May tawag lang sa akin".
Sabi nito at ibinaba na ang tawag.
"Yes, Senyorito.I'm here waiting for you outside."
Sagot nito sa tawag niya. Her voice is different now.
"Okay."
Sagot lang niya at ibinaba ang cellphone. Tumingin siya kay Tia. He is happy to meet her today.
"Ysa, Uno! f**k! He tortures me. Akala ko bakla na ako!"
Hindi niya napigilan ang matinding relief sa nalaman. At kung ano ang intensyon nito sa pagtatago nito.
"O brod! Relax okay? Aren't you happy na hindi ka bakla?"
Nakatawang sabi ni Adam.Kahit si Shaun nakadama din ng relief sa nalaman.
"Who is she before she became Uno?"
Tuluyan nang nawala ang kanyang pagkalasing.
" She's my cousin. Ysabella Mondragon."
Hindi ko napigilan na mahampas ng bahagya ang mesa na gumawa ng ingay.
" My future wife? Damn! What she's up to?"
Hindi niya mapigilan na muling tapunan ng tingin ang dalaga na nakatunghay na ngayon sa kanyang cellphone.
"Ysa..naisahan mo ako."
Madaming pumapasok sa kanyang isip. Ang balak niyang pagganti dito at kung paano sisimulan.
"Why her voice is different ?" sabi ni Natasha.
"That's her talent she can imitate voices na madalas nitong ginagawa para makaiwas sa mga di gusto na manliligaw. Sasabihin nito "this is Ysa's boyfriend" at pagtatawanan ang ginawa."
Sabi ni Tia. That explains kung bakit napagkamalan niya itong babae, dahil babae talaga ito. His inner gut feeling is somehow correct!
" Just don't make her laugh at hindi maitatago ang totoo niyang boses."
Nakangiti na sabi ni Tia. Gusto pa sana niyang may malaman, pero hindi na siya makatagal na ibalik sa dalaga ang pinag daanan na kaguluhan sa kanyang isip.
"I will go ahead."
Paalam niya sa mga ito at tumayo na at naglakad na sa naghihintay niyang driver.
" Senyorito!"
Salubong sa kanya ni Ysa, nang makita siyang hindi maayos ang lakad. Paglapit niya ay ibinigay niya ang buong bigat niya dito. Isinubsob ang kanyang ulo sa balikat nito.
" s**t!"
Mura nito at hindi malaman kung paano siya ipapasok sa loob ng kotse. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa pagkakalapit nilang iyon. Napakabango talaga nito, at malambot din ang katawan.
" Iinom inom hindi naman kaya!"
Bulong bulong nitong sabi habang nasa driver seat. Malinaw niyang narinig ang boses babae nito. Nagkunwari siyang tulog. Ini starts na nito ang ignition ng sasakyan at umalis na sa lugar na iyon.
Buong byahe nitong hindi binuksan ang radio ng sasakyan. Marahil para hindi siya maisturbo sa kanyang pag kukunwari na nagpapahinga.
So, he will play her game. Titingnan niya hanggang kelan ito tatagal sa gagawin niya.
Naramdaman niya ang pagtapik nito sa kanyang pisngi.
" Senyorito, andito na tayo!"
Umungol lang siya at umangat ang kanyang dalawang braso at pumulupot sa leeg nito at hinapit ito palapit sa kanya.
Mahina itong napatili, at naramdaman niya ang pagkurot nito sa kanyang tagiliran. Gusto sana niyang humalakhak pero pinigil ang sarili.
It turns table now! He will play with her. The ten folds payment he promised will make it happen.