Chapter 12- “ I’m not Gay!”

1046 Words
" Saan na tayo pupunta Senyorito?" Habol niya sa binata nang bigla na lang itong lumabas sa kanyang opisina sa bandang hapon. Alam niya hindi pa oras ng uwian nito.Napapansin niya ang pabigla bigla nitong lakad. " I will just tell you. Tara na." Masungit ntong sabi. Kumaway naman siya kay Mitzi na secretary nito. " Uno!" Tawag nito sa kanya at bahagya pa siyang nilingon. " Coming, Senyorito." Habol niya dito na umantabay sa pag lalakad nito. Meron itong nakalaan na elevator na deritso sa parking lot na nakalaan lang sa lalaki. Pagsakay nila sa kotse nito, saka ito muling nagsalita. " Sa condo tayo, meron akong lakad bukas. We will sleep there tonight." Hindi siya nagsalita, napakadalang lang kasi nito gamitin ang condo unit nito. Kung meron itong flight kinabukasan o galing sa ibang bansa saka nito iyon ginagamit. " Turn the music on, and sing if you want." Utos nito sa kanya nang magsimula na silang mag byahe, pero hindi niya sinunod. " I'm not in the mood to sing, Senyorito." Nag smirk ito sa sagot niya. "Himala! But it's good to hear nawawalan ka pala ng mood sa pagkanta." Sabi nito na saglit siyang sinulyapan. Nasa mukha ang disbelief. " Ang palagay senyorito ikaw lang ang may karapatan maging moody?" Tanong naman niya dito.Tinaasan pa niya ito ng kilay. Maging ang sulok ng kanyang labi ay umangat for a playful smile. " May pinagdadaanan ako iyon ang dahilan ko. How about you? Hormones maybe?" Ganting tanong nito sa kanya na ikinuot niya ng noo. " What do you mean?" " The first time I saw you, I thought you were a girl. I really wanted to undress you, para patunayan sa sarili ko na tama ako." Tigtig na titig ito sa kanya sa pagkakataon na iyon. Hindi sapat ang rearview mirror, kaya lumingon siya dito. " Nababakla ka na ba sa akin?" Tanong niya at tumiim ang anyo nito. " Eyes on the road, Uno!” Madiin nitong utos sa kanya. " Gusto mo ma sisante? Wag na wag ko na iyang naririnig sa iyo. I'm not gay!" Pagtanggi nito na nakatiim bagang. " Hinalikan mo ako ng nalasing ka." Pag papaalala dito ng gabing malasing ito. " I don't remember!" Tanggi muli nito at binaling sa ibang deriksiyon ang mga tingin. " Hmm, I can leave after that kissed but I decided to stay. Para ka ding magnet na kumakapet sa sistema ko." Sabi niya na habang nasa rearview mirror ang tingin. Ina alam ang magiging reaksiyon nito sa kanyang sinabi.Biglang baling ito sa kanya.Tiningnan siya nito ng masama. " Pero tulad mo, I'm not gay." Dugtong niya bago pa ito magsalita. Nginitian niya din ito ng matamis. Hah, ewan na lang! Pag sinisante siya nito hindi ito bakla. Haharapin niya ito bilang si Ysa. At mag date sila for one year and engagement for another year. " Forget it, Uno. What I did and what I said. At kakalimutan ko din ang sinabi mo ngayon." Sa kalsada nito tinuon ang tingin, hanggang makarating ito sa condo unit nito. Nagmamadali nitong kinuha ang mga gamit na kailangan at muling lumabas. " Akala ko bukas pa ang lakad mo? I thought we will sleep here tonight?" Sunod sunod niyang tanong ng makita na naka handa na ang gamit nito. "Ihatid mo ako, kina Adam. And you can go anywhere you want." Sabi nito na pilit na iniiwasan ang kanyang mga mata. " Sinisisante mo na ba ako, Senyorito?" Tanong niya dito nang nasa elevator na sila. Nilingon siya nito. " I want to, but I can't." Hindi niya napigilan ang pagsilay ng kanyang ngiti. " Stop smiling Uno, the more ko tuloy naiisip na nagbabalat kayo ka lang. Wala akong makita kahit saang anggulo mo na isa kang lalaki." Sabi nito na sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. " Nakakalalaki kang tumingin. Pasalamat ka boss kita." Sabi niya dito at tumayo ng tuwid. Gusto na niyang tumirik ang mga mata. Lalo lang nito mahalata na nagpapanggap siya. Tumawa lang ito sa sinabi niya at umiling. " You are really something." Sabi pa nito, pero binigyan naman nito ang sarili ng distansiya. Hindi na sila nag usap hanggang makarating sila sa mansion ng mga Santillian. " Dito mo ako sunduin bukas. Six am sharp." Bilin nito bago bumaba. Bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan, tumingin ito sa kanya. " Wag mo na tangkain na puntahan si Ivanna. Hindi iyon magugustuhan ni Adam. Go, and meet me here tomorrow." Utos nito sa kanya na tinanguan na lang niya. Pinaharurot niya ang sasakyan at sa kanyang condo unit siya tumuloy. Agad niyang tinanggal ang kanyang jacket na lagi suot at breast suspender. " Hah. Thank God." Nakahinga siya ng maayos. Kapag ganito na mag isa siya. Hindi na siya nag aabala pa mag suot ng bra. Lalo ng mga nakaraan na mga araw na tinatago niya ang kanyang dibdib mabuti na lang cup B lang siya. " I have to call Dad." Kausap niya sa sarili at tinawagan ito sa pribado niyang telepono. Ito ang ginagamit niya pag kailangan niyang maging Ysa. " Hello, Dad." Pauna niyang bati sa ama ng sagutin nito ang tawag. " Did Mrs. Soler, call about the met-up?" "Yes, and I agreed. It will be soon, I hope you will be there." " Actually dad, Hindi pa ako pwede magpakita kay Simon Ibarra Soler. I still need some time. Gusto ko muna maka siguro sa lalaki na pinili ninyo para sa akin." "Ysabella, walang patutunguhan ang ginagawa mo. He will be your husband and it's final." Napapikit siya sa sinabi nito. "Not until I say so, Daddy. Ako ang makikisama. Pumayag na nga ako sa gusto ninyo. I want to know him better. You don't want broken marriages or scandal in the family, isn't it?" Narinig niya ang pag buntong hininga sa kabilang linya. " Siya pa din ang napipisil kong maging asawa mo Ysabella. Sa halip na hanapan mo siya ng mali, try to find a good thing about him. Maybe it's easier for you." " I will dad, kaya nga give me more time." Pakiusap niya dito, kunti na lang alam niya. Malalaman niya ang totoong kalooban ni Sib.Kung ano ang tunay nitong s****l orientation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD