Chapter Five

1069 Words
" Welcome to Soler Farm." Basa niya sa naka arkong signage nang farm. Pagpasok niya sa kalsada,namangha siya sa mga malaking puno na nakatanim sa gilid. Ilang minuto din ng marating niya ang kanilang destinasyon. Napahanga siya sa kanyang nakita, isa iyong maganda at moderno na farmhouse. Natatanaw din niya ang plantasyon ng mga grapes. Wala siyang isinatinig, baka isipin pa nito interisado siya ari arian nito. " I can feel it, meron kang gustong sabihin." Sabi nito ng makababa sila at papasok na sila ng farmhouse nito. Nakasunod lang siya dito. " Senyorito, ang yaman ninyo talaga. Hindi ba kayo natatakot ma kidnap? I think you should need a bodyguard." " What are you talking about? Hindi ba driver s***h bodyguard kita?" Tanong nito sa kanya na naka maang. " Huh? Hindi ako na inform. Saka pang driver lang ang sahod ko, senyorito. Plus wala akong skills para maging bodyguard ninyo." Kumunot ang noo nito sa sagot niya at seryoso siyang tiningnan. " Well, humarang ka lang sa kidnapper magdadalawang isip ang mga iyon na saktan ka. They will not scratch your pretty face." Tumungo siya kasi alam niya na namula ang pisngi niya, sa paraan nito ng pagtingin. " Senyorito, Ibarra." Tawag pansin dito na ipinagpasalamat niya. " Manang Magda, pasensya na hindi ako nakapag abiso na dadalaw ako ." Baling nito sa lumapit na ginang na marahil lagpas singkwenta na ang edad. " Akala ko nga sa harvest pa kayo pupunta dito. Bago ninyong kaibigan?" Tanong nito na nakatingin sa kanya. " Bagong driver po ni Senyorito. Ako po si Uno manang." Pagpapakilala niya at ikinaway dito ang kanyang mga palad. Ngumiti naman ito ng matamis sa kanya. " Ka pogi mo naman na bata ka." " Medyo lang po manang, mas pogi si Senyorito ." Sabi niya na ikinatawa ng matanda. Hindi niya masabayan ito sa pag tawa kasi mag iiba ang timbre ng boses niya. Walang salita na umalis si Sib at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nagkaroon naman ng pagkakataon na libutin niya ng tingin ang loob ng bahay. It's so classy, lahat ng kasangkapan ay mamahalin. Nakita niya na bukas ang pinto sa likod bahay kaya lumabas siya. Isang malawak na garden iyon na ibat ibang klase ng bulaklak. Naupo siya sa garden chair kasi malapit na lumubog ang araw. It's solitude. Parang nakadama siya ng kapayapaan, kahit na nagsisimula na gumulo ang buhay niya dahil sa paglapit niya kay, Simon Ibarra Soler. Natigil sa pag daloy ang kanyang isip ng merong dumikit sa braso niya na malamig na lata. Umangat ang kanyang mga mata sa nakatayo na si Sib at inaabot sa kanya ang malamig na beer in can. " Tinatawag kita, para kang bingi. Ano ba iniisip mo?" Tanong nito at tumabi sa kanya. Pareho na sila nakatanaw sa papalubog na araw. " This and that." Sabi niya lang at binuksan niya ang inabot nitong beer at uminom. Nagkibit balikat ito sa kanyang sagot. " Ang ganda dito sa farm ninyo senyorito. Masarap mag stays lalo na kung sanay ka sa buhay sa siyudad. Sabi niya, nag simula na din itong uminom sa malamig na beer. " Babae ba iniisip mo?" Tanong nito sa kanya. " Hmm, yeah my opposite sex." " Well, yan ang difference nating dalawa. I don't waste my time thinking about the opposite s*x. " Sabi nito na kumpyansang ngumiti, parang proud na wala itong problema sa babae. " With your looks and status, I don't think magiging problema ninyo ang babae." " Nah, hindi pa lang dumadating ang babaeng magiging sanhi ng aking sleepless night." "Sleepless night?" Maang niyang tanong dito. " Yeah, sleepless night for two reasons. First, kung hindi kami mag kasama I will think of her and second kung magkasama naman kami alam mo na why I will have a sleepless night." " m******s pa yata ang bruho na ito." Maang niyang komento sa katabi na binata. " Ibig sabihin hindi ninyo pa narasanan ang ganun?" Sa halip at lumabas sa kanyang bibig. " I am not interested sa babae na sila na ang gumagawa ng motibo. And honestly, hindi ko pa nakikita ang babae na kaya kong tinggnan ng matagal sa mukha. They all got me bored easily." " Baka hindi babae ang gusto ninyo?" Gusto sana niyang sabihin pero baka ibaon siya nito ng buhay sa lupa. Tumango tango na lang siya. " Maswerte kayo Senyorito kung ganun. Buo pa din ang puso ninyo." " Bakit broken hearted ka? Sino naman matinong babae ang aayaw sa iyo? With your looks, for sure they can't say no to you." Manghang tanong din nito, at tumingin sa kanya. Nailang siya sa klase ng tingin nito. " Well, maniwala kayo sa hindi merong babae na hindi matino at inaayawan ako." Itinuon niya ang tingin sa langit na nagsisimula nang mag iba ng kulay, tanda na palubog na ang haring araw. " Maybe they are insecure, na makinis pa ang balat mo sa kanila. And mas ikaw ang pagtutuunan ng pansin pag mag kasama kayo." " Shocks! Sabi na eh. Bet niya ang kinis ng balat ko." Aniya sa isip, pilit na pinipigilan ang sarili na prangkahin ito. " Grabe sir, parang ang pogi pogi ko naman niyan." Tumaas ang gilid ng labi niya at sinusupil ang pag tawa. Inubos niya ang beer at kumuha ng isa pang lata na ipinatong ni Sib sa garden table na andun. " You have this aura, I can't name. Actually, when I first saw you I thought you were a girl. If not for your voice, mapagkakamalan ka talagang babae." " I might be blessed for having good skin. Maaga kasi akong matulog. So, kung okay lang sir baka pwedeng mauna na ako sa loob?" Paalam niya dito, at pag iwas, na din dito. Agad na siyang tumayo. " Hindi mo ako sasamahan uminom? Let's finish these few cans." "Naku sir, mababa lang tolerance ko sa alak. Baka malasing ako at hindi ako magising agad bukas." Pagtanggi niya dito. " Ganun ba? Pareho pala tayong Mahina uminom. " Sabi nito, tumango na lang siya. Kahit ang totoo mataas ang tolerance niya sa alak. " Sige, mag pahinga ka na. Mahaba din ang byenahe natin, baka napagod ka pag drive. Just don't think too much about girls. Meron naka tadhana sa iyo." Nginitian pa siya nito, bago ikumpas ang mga kamay na itaboy siya papasok sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD