Napatitig na lang siya sa binata sa narinig dito. Kailangan na ba niya umuwi at hayaan na lang ang balak ng ama? Bigyan ng pagkakataon na makilala ito.
Bago pa siya maliwanagan sa kanyang naguguluhan na isip.
Dumampi ang labi nito sa kanyang mga labi. Nakatulala siyang napamaang dito. He kissed her, mabilis pero sapat na iyon para siyang tinamaan ng kidlat.
" Ikaw pa lang ang unang tao na pumapasok sa isip ko bago matulog at paggising ko. Hindi ako bakla, alam ko. Pero para kang magnet na dumidikit sa sistema ko."
Pag kasabi noon, pabagsak itong nahiga sa bench na andun.
" What the fvck!"
Masyado siyang na shock sa nangyari. Dammit! Anong hindi bakla? Meron bang lalaki na hahalik sa kapwa lalaki?
" Senyorito, Sib."
Walang tugon dito. Narinig na lang niya ang mahina nitong pag hilik. Saglit niya itong pinagmasdan at iniwan sa reclining chair.
Pinuntahan niya ang crew nito at sinabihan na ipasok sa loob ng cabin ang binata. Naiiling na lang ang mga ito.
" Naku, hindi talaga makatagal si Sir sa inuman."
Natatawa na sabi ng mga ito, at pinuntahan, na ang binata sa upper deck.
Nakahiga na siya sa bakanteng kama na laan sa kanya ng ipasok nila si Sib at padapa na nahiga sa isa pang kama na laan naman para dito.
" Bukas na iyan magigising itong si, Sir. Sundin na lang natin ang plano."
Usapan ng dalawang crew na hinayaan na lang niya. Napuno siya ng isipin sa ginawa nito.
Maya maya, pumasok din si Adam sa loob ng cabin nito at natulog sa tabi ni Sib.
Nakahinga siya ng maluwag, dahil merong ibang tao sa loob. Hindi niya alam kung ano ang maari mangyari kung muli nitong subukan na halikan siya.
Aaminin niya bumilis ang t***k ng puso niya
at nagulo ang isip niya sa sinabi nito.Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog. Narinig na lang niya ang boses na nag uusap sa katabing kama.
" Dude, ikaw ba naghatid sa akin dito? Ang sakit ng ulo ko."
"No! Andito ka na pag pasok ko, baka ang driver mo."
Sabi ni Adam na naghihikab.
" Having sleepless night? I thought you were with Veronica."
Sa halip narinig niyang sagot ni Sib.
" Merong babae na hindi maalis sa isip ko. I can't do it anymore with another girl. Malapit na yata ang katapusan ko."
Parang problemado nitong sabi.
" In love ka na dude, iyon lang iyan."
" Lucky for you, ang kahinaan mo lang sa alak ang problema mo."
Hindi ito nag salita. Naramdaman na lang niya ang pag tayo ng dalawa sa kama at pag bukas ng pinto ng cabin at pagpinid nito.
Pinalagpas lang niya ang ilang sandali bago lumabas din ng cabin ng binata.
" Uno, halika. Sabay ka na sa amin."
Tawag ni Sib sa kanya ng makita siya pag akyat ng upper deck. Meron nang nakahanda na breakfast dito.
Lumapit siya at naupo sa bakanteng upuan na andon. Katapat niya si Adam at katabi naman niya si Sib.
" Salamat, senyorito."
Sabi niya, hindi nito itinama ang sinabi niya. Sa pag kakatanda niya hiniling nito na Sib na lang ang itawag niya.
Habang sumisim ng kape, sinulyapan niya ito.
" Mukhang na sobrahan kayo ng inom Senyorito, kagabi."
Sabi niya dito at nag angat naman ito ng tingin sa kanya.
" Me nangyari ba kagabi? Wala kasi akong matandaan."
Pero muli ito nag bawi ng tingin ng magsalubong ang kanilang mga mata.
" Nakatulog na lang kayo sa upuan, habang nag uusap tayo."
Napailing na lang ito sa narinig.
" Alam ko ang limit ko sa alak. I don't know what came to me last night, at nakipag sabayan ako sa iyo pag inom. Mukhang hindi ka naman nalalasing."
" Dude, sobra ka lang talagang mahina sa inom. Ilang shot lang ng whiskey ang kaya mo? Tatlo? Sa beer naman tatlong bote din."
Binuntutan pa ni Adam ang sinabi nito.
" Pero, hindi naman siya nakakalimot sa ngyari o ginawa niya?"
Tanong niya kay Adam.
" Hindi naman."
Lumingon siya kay Sib na hindi nakatingin sa kanya kundi sa pagkain.
" Maliban kagabi. I'm too wasted."
Hindi siya muling nag salita at pinagpatuloy ang pag inom ng kape. Hanggang mag ring ang cellphone niya.
" Hello, Ivanna."
Sabay na lumingon sa kanya ang mga lalaki na kasama sa mesa.
" Sa off mo? okay sure magkita tayo."
Hinihintay niya may sabihin ang dalawa sa kaniya pero matapos magtinginan sabay din nag pawala ang mga ito ng buntong hininga.
Gusto niya sana matawa pero sa halip isang matamis na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi.
" Do you like her?"
Tinig ni Adam na nahuli ang pag ngiti niya.
" I do."
Sabi niya dito na me kasamang pag tango ng ulo.
" I like her too."
Tuwid nitong sabi sa kanya.
" But she likes me too."
Sagot niya dito at nakipag sukatan ng tingin sa binata.
" She will love me, I will make sure of that."
" Will you love her?"
Seryoso niyang tanong dito. Kapatid niya ang pinag uusapan nila. Ang nag iisa niyang kapatid.
" Maaring nakalimutan na ni Senyorito Sib, pero sinabi niya kagabi na kayong mayayaman ay walang prebilihiyo na pumili ng babae na magiging asawa. You will be arranged to be married sa katulad ninyo ng antas sa buhay. Ivanna is just your housemaid. Masasaktan mo lang siya kung paiibigin mo siya sa iyo."
Muling nagpawala ng malalim na buntong hininga si Adam.
" But I want to keep her for myself."
Sabi nito, looking and feeling helpless.
" Follow your heart, Adam."
Payo naman ni Sib na tinaasan niya ng kilay. Alam kaya nito ang sinasabi niya? Kagabi lang nag confess ito sa kanya.
" You will be broken, I'm telling you. At sigurado ako na masasaktan mo din si Ivanna. Unless you're willing to give up everything for her."
Walang lumabas na salita dahil sa katotohanan ng sinabi niya. Nagpaalam siya matapos sabihin iyo at binitbit niya ang tasa ng kape.
Ipinagpatuloy niya ang pag simsim ng kape sa bahagi ng luxury yacht na malayo sa dalawang lalaki.
Tinapos niya ang agahan, habang punong puno ng isipin ang kanyang utak. Si Sib at ang paghalik nito sa kanya!