Pinag mamasdan ko si Jaren na nag luluto. Nasa kalagitnaan ng gabi nang magising ako at natakam sa spaghetti na sa halip na pasta ay fries ang gagamitin. Kunot na kunot ang noo niya habang pinaki kinggan ang request ko noon pero hindi ko naman naringgan ng kahit na anong reklamo. Bumangon lamang siya, ikinuha ako ng makapal na suoting may manggas at saka isinuot ang tsinelas sa aking paa. Alalay alalay pa niya ako mag lakad habang pababa ng hagdan kahit ilang beses kong sinabi na kaya ko naman mag-isa. He keep on insisting that I might slip kahit na malabo naman dahil pinalagyan pa niya ng carpet ang hagdan at ang tsinelas na ibinili niya sa akin ay puno yata ng spike sa ilalim para mas maging makapit. “I’ll just prepare you a milk,” sabi niya noong nai lapag na ang plato kung saan naka

