Phase 17

1138 Words

One week had passed, puro kasiyahan lamang ang mga araw na iyon. Nilibot na namin ang iba’t ibang lugar sa States at ang pinaka-naging masaya ay ang anak ko. Tuwang-tuwa na narating ang mga lugar na sa mga palabas lamang niya nakikita. Nagtungo kami sa iba’t ibang theme park at ibang mga pasyalan at ngayon nga ay babyahe kami pabalik sa Pilipinas.   “Mommy, am I going to see Tito Papa once we get back?” si Evan na isinusuksok ang mga laruang napagkasunduan naming dadalhin niya.   Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya hanggang ngayon na wala na ang kaniyang Tito Carl. Nahihirapan ako at sa tuwi-tuwinang maiisip iyon ay masakit pa rin. Ano pa kaya sa kaniya na sobrang malapit kay Kuya?   “Anak, you won’t be able to see Tito Papa for a while but at least you have Mommy naman, hindi ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD