Phase 18

1310 Words

Hindi na naalis si Evan sa tabi ng bintana ng eroplano. Wiling-wili siya sa pagpuna kung gaano kataas na ang nararating ng aming sinasakyan. Jaren is busy typing on his laptop at ‘di alintana ang hindi matigil na bibig ni Evan na puri pamumuri lamang sa mga tanawin sa labas ang bukambibig.   “I want to go out, Mommy,” aniya na nagmagandang-mata pa sa akin.   “Don’t use that on me, it won’t work. Hindi pwede,” natatawang pahayag ko.   Gustuhin ko man siyang payagan ay napaka-imposible noon dahil isang kahibangan kung gagawin iyon. Mabuti na lamang talaga at bata siya at anak ko pa.   “When you grow up, you’ll be able to sky dive,” si Jaren iyon na nangingiti habang nagta-type.   Alam ko na naaaliw siya kay Evan pero ang bigyan ng ganoong ideya ito ay nakapagpapabahala sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD