Phase 4

4564 Words
Lumuluha ako at nakaluhod sa harapan niya habang siya ay nakaiwas ang tingin sa akin. Kumikibot ang kaniyang labi habang ako ay nakahawak sa kaniyang kamay.   “M-ma… tulungan niyo ang anak ko,” pakikiusap ko.   Wala na akong maisip na paraan. Nang marinig ko ang sinabi ng Doctor ay nagmamadali akong nagtungo kung nasaan si Evan at iisa lamang ang hinihingi ng Doctor sa akin upang masolusyunan ang problema at iyon ay ang makahanap ng heart donor. Sa isang tulad ko na wala ng trabaho, wala pang pera at lalong walang koneksyon, saan ako makahahanap noon?   Kahit mahirap lunukin ang pride o kahit na ipinangako ko na noon na hindi na ako lalapit sa kaniya, anong magagawa ko kung siya lang at nakikita kong pag-asa?   “Heart donor, Ma. Tulungan niyo po ako,” sambit ko sa pagitan ng paghikbi.   Narinig ko ang pag-ingos niya at marahas na inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. Tumayo siya at nagpasyang tignan ako, ang mukha ay may matigas na ekspresyon.   “Hindi ko na responsibilidad ang iyong anak, Viviana. Kung nag-aral ka lang sana noon at hindi nagpabuntis sa kung sino lamang ay hindi mangyayari sa iyo ito. Baka may trabaho ka na makapangtutustos sa anak mo!”   Tumatama ang mga salita na iyon sa dibdib ko na tila mga boltahe ng malalakas na kidlat. Sadyang kaysakit at talagang dumudurog sa akin. Simula nang magkasakit si Evan, sarili ko na ang aking sinisisi kaya namana ng marinig ang ganitong kumpirmasyon sa isang tao ay masakit dahil ibig sabihin ay hindi ako nagkamali ng tingin sa aking sarili.   “Your son is pathetic because you choose to have him even though you are not capable of giving him the life he deserves!” namumutok sag alit ang kaniyang ugat sa leeg at ang mata ay punong-puno ng panunuya.   “You know what, Viviana? I think it’s okay if your son will die,” suminghap ako ng marinig iyon at halos magdilim ang paningin.   “At least, he won’t be in pain and will never experience the burden of being your child!”   Nasa kalagayan na ganoon ang aking anak at maririnig ko iyon sa isang tao na inaakala kong kahit papaano ay magkakaroon ng puso para sa kaniyang apo. Kahit gaano pa ako kagalit sa kaniya, ni minsan ay hindi ko hiniling ang kaniyang kamatayan. Paano niya nagagawang sabihin iyan?   Pinalis ko ang luha sa aking mata, suminghot at saka kahit nahihirapan ay tumayo. Tinitigan ko siya, mata sa mata. Pakiramdam ko lahat ng galit na inipon ko noon sa kaniya ay sumabog na.   “Pumunta ako rito para humingi ng tulong dahil kahit papaano ay iniisip ko na may puwang diyan sa puso mo para sa iyong apo,” garalgal ang boses ko ngunit madiin.   Namumuo muli ang luha sa aking mata at ang bikig sa aking lalamunan ngunit hindi ko iyon ininda.   “Kahit papaano ay iniisip ko na may kabutihan ka pang natitira pero bakit nga ba ako umasa?” halos pasinghal kong sambit. Lumakad ako palapit sa kaniya at siya ay may matang tila gulat sa ekspresyong nakikita sa akin.   “Ang lakas ng loob ninyong sabihin sa akin na wala akong karapatan na magkaroon ng anak gayong parehas lang naman tayo, hindi ba?”   Umangat ang magkabila kong kamay at dumiretso iyon sa kaniyang braso. Naging madiin ang hawak ko roon at lalong nakadarama ng galit nang maalala kung paano niya ako inalis sa landas niya at ang mga salitang sinabi niya sa anak ko.   “Parehas lang tayong ina na walang kwenta. Ang pinagkaiba lamang natin, ako kahit na hindi ko kayang buhayin siya ay pinipilit ko. Hindi ko itinapon ang anak ko na parang basahan habang ikaw… ganoon ang ginawa mo sa akin.”   Bawat pagbibitiw ko ng salita ay puno ng pang-aakusa at galit. Kumurap-kurap siya at tila hindi inaasahan ang mga sinabi ko. Bumuka ang bibig niya.   “H-how dare-“   Pinutol ko agad ang sinasabi niya gamit ang isang salitang noon pa man ay nais ko nang sabihin sa kaniya. Tumutulo ang luha sa aking mata at parang pinipiga ang aking dibdib. Noon pa man ay kinukwestiyon ko na ang pagiging ina niya subalit hindi ko hinangad na kahit anong masama na mangyari sa kaniya. Gayunpaman, para sa akin ay may isang kahilingan ako na hindi dapat sabihin ng isang anak sa kaniyang magulang ngunit sa sitwasyong ito? Sa galit na nararamdaman ko? Hindi pwedeng hindi ko iyon masabi.   “Sana hindi na lang ikaw ang aking naging ina dahil wala kang kwenta!”   Tigalgal siya matapos ko iyong sabihin. Nanginginig ang labi ko at pinipigilan umalpas ang hikbi mula roon. Hindi ko maunawaan kung galit ba ang ekspresyon sa kaniyang mukha o gulat. Umiwas ako ng tingin at suminghot saka kinuha ang bag na nasa semento at saka siya tinalikuran.   Nang ako ay makalabas mula sa kanilang gate ay doon lumabas ang hagulgol na pinipigilan ko. Hindi ko na naiintindihan kung sino man ang maaring makakita sa akin sa sitwasyong ito. Kung hindi ako iiyak ay baka tuluyan na akong masiraan ng ulo.   Nakakaramdam ako ng konsensya sa mga salitang binitawan ko ngunit anong magagawa ko? Ni hindi ko nga alam kung nakokonsensya ba siya sa sinabi niya tungkol sa anak ko. Evan is still her grandson. How come kaya niya iyong sabihin na parang isang gamit lamang ang aking anak?   “Miss? Ayos lamang po ba kayo?” dinig kong sambit ng isang boses.   Hindi ko iyon nilingon dahil sigurado ako na isa iyong guard sa gate nila.   Sa yaman nila at takot na manakawan ay may guard pa kaya naman umaasa ako na kahit kakaunting salapi ay makapagpapakawala siya dahil sa isip ko, baka naiisip niya na ako ay anak pa rin niya subalit hindi. Nabigo ako.   Wala na akong mapupuntahan. Namatay na ang aking ama at isang kahibangan ang lumapit sa asawa nito lalo pa ngayon na ako ang kanilang sinisisi dahil sa pagkamatay ni Kuya Carl.   Lalo akong humikbi ngunit nagsimula nang maglakad. Bawat hakbang ay nasasabayan ng pagtulo ng aking luha. Gaano ko man paulit-ulit na pinupunasan iyon ay hindi nauubos. Sa huli ay hinayaan ko na lamang na tumulo nang tumulo.   Nilakad ko mula sa bahay nila hanggang sa gate ng village kung saan sila nakatirik. Kung makikita ko lamang ang aking sarili ay alam ko na mukha akong isang babae na binawian ng katinuan. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na mangyari iyon, ang iniisip ko lang ay ang anak ko. Hindi pa ako pwede masiraan ng ulo hangga’t hindi maayos ang kalagayan ni Evan.   Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at saka pinakatitigan ang mga mabibilang na numero roon. Bago ako magtungo rito ay nagawa ko anng mag-apply sa iba’t ibang establishment na nakikita kong may nakalagay na hiring subalit kapag ako na ang pumapasok ay agad na wala ng bakanteng posisyon.   Noong una ay inaakala ko na nagkakataon lamang ngunit nang maalala ang mag Asera ay naisip ko na maaring dahil sa galit nila sa akin ay ito ang ginawa nila. Kung kailan ako walang-wala. Nagawa nga nila na mapatalsik ako sa aking trabaho kahit na wala akong offense na nagawa man lamang sa loob ng ilang taon. Ito pa kaya na magsisimula pa lang ako? Lahat ay magagawa ng pera kaya naman ganoon din ako. Lahat ay gagawin ko para sa pera. May maipangtustos lamang ako sa anak ko.   Pikit-mata kong idinayal ang numero ng isang tao na maaring makapagbigay sa akin ng trabaho na kikita ako ng perang malaki sa loob lamang ng ilang gabi.   Apat na ring lamang at nasagot iyon. Maingay sa kabilang linya, halo-halo ang mga boses doon at may nauulinigan pa akong nagsisigawan. Sumagot ang tila lasing na boses.   “Hello? Hello? Sino ‘to?” pasigaw ang pagkakatanong noon na halos ilayo ko ang cellphone sa tenga ko.   “Kung hindi ka sasagot ibababa ko na,” may pananakot sa boses niya.   Humugot ako ng malalim na hininga at saka tumikhim at nauutal na nagsalita.   “C-cara…” kinagat ko ang labi ko at naramdaman ang pagkibot ng aking dibdib.   “Sino ‘to?” pag-uulit niya na ngayon ay nagtataka na marahil ay kahit papaano ay pamilyar sa boses ko.   “A-ako ‘to… si Viviana…” pagpapakilala ko. Nasagot ng isang tili ang mga iyon bago humina ang ingay at naging malinaw ang kaniyang boses.   “Via! My goodness! Napatawag ka, friend?” bakas sa boses niya ang tuwa habang sinasabi iyon ngunit ‘di ko magantihan ang saya na iyon.   “P-pwede ba tayong magkita ngayon?” nahihiya ako na istorbohin siya at baka mamaya ay nasa club siya at nagta-trabaho pa.   Narinig ko ang pagpalatak niya at humagikgik.   “Tamang-tama. Mamaya pa kami magkikita ni Costumer. Pwede naman. Nasaan ka ba? Tsaka bakit  ganiyan  ang boses mo? Para kang pinagsakluban ng lupa?” nasundan ng tawa ang sinabi niya.   Napangiti ako ng mapait. Kung alam niya lang, hindi lang lupa ang nagsarado ng pinto para sa akin.   “Magkita tayo sa Café Bistro, okay? My treat! Malaki ang kita ni ateng mo ngayon,” lagalag at medyo slang ang pagkakasabi niya noon.   Pumayag ako at doon na lamang nagtuloy. Mag-uumaga na at maaring kailanganin na ako sa Hospital kaya kapag natapos kong makausap si Cara ay didiretso lamang ako sa bahay para maligo.   Bandang alas tres y media ng madaling-araw ng dumating siya. Maikli ang suot na dress at kumikintab pa. Pinagtitinginan kami sa bistro ngunit hindi niya iyon alintana. Nang makalapit sa pinili kong pwesto ay agad niyang pinuna ang aking itsura.   “Ano bang nangyari sa iyo at para kang na-losyang? Hindi ganiyan  ang naaalala kong itsura mo noong High School tayo,” komento niya.   Nag-iwas ako ng tingin. Totoo naman ang kaniyang sinabi subalit lumilipas ang panahon at maraming nagbabago.   “So, anong atin?” aniya, ngayon ay mas seryoso na ang mukha at marahil ay pansin ang bumabagabag sa akin.   “May problema ka ba?” tanong niya.   Bumuntong-hininga ako at pinagsalikop ang nanlalamig na kamay sa ilalim ng lamesa. Nahihiya akong tumingin sa kaniya.   “Cara… pwede mo ba akong tulungan?”   Nagsalubong ang kilay niya.   “Pera ba? Oo naman. May thirty thousand pa ako rito. Baguhin mo na iyang ekspresyon sa mukha mo at nakakahawa, e,” aniya na parang napakadali ng sinabi.   “Waiter, please. Two cappuccino,” aniya at saka muling bumalik ang tingin sa akin.   “Oh, ano? Ibibigay ko sa iyo later,” aniya at tumaas-baba pa ang kilay na parang pinagagaan ang loob ko.   Dumating ang order niya at nilapag sa aming harapan.   “Take a sip para naman mahimasmasan ka,” aniya.   “Later ay sagot na ang problem mo, okay?”   Solved? Kung maliit na problema lamang ay mayroon ako ay maaring natutuwa na ako ngayon. Sa totoo lang ay malaki na ang thirty thousand ngunit hindi sapat iyon  para sa heart donor. Isa pa, ayoko na mangutang dahil alam ko ang hirap na sinakripisyo niya para makamit ang pera na iyon at basta ko na lamang uutangin. Umiling ako.   “Hindi iyon, Cara. Ibang tulong ang hangad ko. Malaki ang pera na kailangan ko at hindi koi yon kikitain sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho ng marangal,” saad ko.   Natigilan siya sa paghigop sa tasa ng kape at may kung ano sa mata nang tumingin sa akin. Naningkit ang bilugan niyang mata at saka mabilis na ibinaba ang tasa  ng cappuccino.   “Gaga ka! Huwag mong sabihin na tama ako ng pagkakaintindi,” aniya na ang boses ay tunog ‘di makapaniwala.   Bumagsak ang tingin ko sa mesa, hindi kumibo ng ilang minuto. Narinig ko ang palatak niya at pinaypayan pa ang sarili.   “My God, Via! Totoo ba?” histerecal na tanong niya.   “You mean to say nais mo na ipasok kita sa trabaho na pinasok ko?” ‘di pa rin makapaniwala niyang tanong.   Bumuntong-hininga ako at saka tumango ng ilang sunod. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at matipid na ngumiti.   “Kailangan na kailangan ko ng malaking pera, Cara. Hindi sasapat ang thirty thousand para heart donor na kailangan ng anak ko. Kahit ano ay papasukin ko kumita lang ng malaki. Kailangan na maisagawa ang operasyon ng anak ko sa lalong madaling panahon,”   Ang mga huling salita na sinambit ko ay halos malulon ko na dahil sa bikig na namumuo sa aking lalamunan. Sa tuwi-tuwina na sumasaksak sa isip ko ang kalagayan ni Evan ay pinanghihinaan ako ng loob.   “T-teka? H-hindi mo pa rin ba nahahanap ang lalaking nakabuntis sa iyo?” nagtataka niyang tanong.   Umiling ako. Natatandaan ko noon na sinabi ko sa kaniya na hahanapin ko ngunit dahil sinabi ni Kuya  Carl na huwag na lamang at siya na ang tatayong ama sa anak ko ay hindi ko na ginawa.   Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.   “Nauunawaan ko na. Papasukin mo ang trabaho na pinasok ko para sa pera,” aniya.   Kinagat ko ang aking labi at tumango. Wala na akong magagawa kundi ito at kahit pa magalit sa akin si Kuya sakali man na nakikita niya ang aking ginagawa ay tatanggapin ko. Para kay Evan ay gagawin ko ang lahat. Nawala na sa akin si Kuya at kung pati ang anak ko ay iiwan ako, baka hindi ko na kayanin pang mabuhay.   “Via…” pagtawag niya sa ngalan ko. Tinitigan ko siya at nakikita na ang awa niya para sa akin.   “Sigurado ka na ba? Oo, malaki ang kikitain mo at alam kong iyon ang mahalaga sa iyo ngayon pero, Via…” nahihirapan ang boses niya nang banggitin muli ang aking pangalan.   “Kung iisipin mo ang trabaho ko ay nakapandidiri na ngunit ang actual na gawin iyon, mas lalo. Nakikita mo lamang na ayos lang ako dahil nakasanayan ko na. Natanggap ko na at nalulon ang mga mapanghusgang tingin ng mga taong nakaaalam kung ano ako pero ikaw…” halos hangin ang huli niyang salita. Umiling siya at malungkot ang mata nang sinalubong ang aking tingin.   “Baka hindi mo kayanin. Baka kapag naroon ka na sa sitwasyon na iyon ay hindi mo kayanin. Hindi madali tanggapin sa kalooban na ibebenta mo ang iyong katawan.”   Dinig ko ang pait sa boses niya. Noon, oo, nakaramdam ako ng pagkabalisa nang malaman na siya ay nagta-trabaho bilang escort ngunit ngayon, nauunawaan ko na. Noon ay may kapatid siyang kailangan ng malaking pera at sapilitan na pinasok ang ganitong trabaho. Natatandaan ko pa na umiiyak siya sa akin at sinasabing diring-diri siya sa sarili.   “Kapag katapos noon, maiiwan ka mag-isa sa kama o ‘di kaya ay palalayasin ka. Usually, iyong mga binata ang ganoon habang ang matanda naman ay pipilitin ka hanggang sa magsawa sila. Nakakasuka ang pakiramdam at ang mga haplos ng kamay nila ay hindi mabubura ng mainit na tubig na ipaliligo mo miski ng pinakamahal na sabon na gagamitin mo.”   Humigpit ang kapit ko sa aking kamay. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.   “Hindi sa hindi ka gustong tulungan ngunit gusto ko na malaman mo na once na pumasok ka ay hindi ka na makalalabas pa. Malaking pera, oo. Magagawa kitang hanapan ng costumer na handing magbayad ng milyon sa iyo dahil bago ka lamang at maganda pa. Ang kailangan ko lang malaman ay kung totoo bang handa ka at kaya mong panindigan ang desisyon mo,” aniya.   Kinagat ko ang aking labi dahil may nag-uudyok sa akin na humindi. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin ngunit nang pumasok sa isip ko ang kalagayan ni Evan, nakahiga sa Hospital bed, walang buhay ang katawan, maputla at may tubo sa bibig ay natatabunan ang lahat ng pag-aalinlangan ko.   Aanhin ko ang dignidad kung wala naman ang aking anak? Aanhin ko ang pride at pantay na tingin sa akin ng iba kung ang anak ko naman ay mamatay? Hindi ko kaya iyon. Mas hindi ko kakayanin na makita ang anak ko na walang  buhay, hindi humihinga at nasa loob ng kabaong.   Suminghot ako, pinunasan ang luha sa mata.   “C-cara. Wala akong pagpipilian kundi ito. Gagawin ko ang lahat, Cara. P-pitong milyon ang kailangan ko,” sumigok ako at suminghap siya.   “Pitong milyon… paghihirapan ko ang p-pitong milyon.”   Punong-puno ng determinasyon ang boses ko habang sinasabi iyon dahil sa isip ko ay si Evan ang tumatakbo. Ganoon lamang ang iisipin ko sakaling nasa ganoong sitwasyon na ako. Ang anak ko na lamang ang paghuhugutan ko ng lakas.   “Kung iyan ang desisyon mo. Ngayon pa lang ay ipagbibigay-alam ko na iyan sa club. Sa bidding kita ipipilit na ipasok upang isang beses mo na lang gawin ito sa sarili mo. Hangga’t tumataas ang bid, malaki ang pera mo. Kailangan ko lamang ay picture mo na nakasuot ka ng mahubog na damit. Mas sexy at mas maganda, mas mataas ang bidding, mas marami ang costumer,” aniya.   Sunod-sunod na lunok ang aking ginawa at tumango sa kaniya. Inalis niya ang kapeng malamig sa harapan ko at muling nagtawag ng waiter para sa order.   “Magkape na muna tayo bago kita dalhin sa isang store kung saan makakabili tayo ng damit na gagamitin for photoshoot mo,” aniya at saka nginitian ako na nange-encourage.   Iniabot niya sa akin ang panyo na kinuha niya sa kaniyang bag.   “Baka isipin nila pinaiiyak kita,” pagbibiro niya.   Matapos namin maubos ang in-order niya ay inakay na niya ako at sumakay kami sa cab.   “Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo. Tutulungan na rin naman kita, sasagad-sagarin ko na.”   Labis-labis ang pasasalamat ko sa kaniya. Kahit pa alam ko na hindi magandang trabaho ang papasukin ko ay alam kong hindi niya hahangarin ang hindi maganda sa akin.     Alas sinco y media ay narrating namin ang isang boutique kung saan napakaraming damit na puro pambabae lamang. Miski mga heels ay naroon na rin. Make-up, cologne at kung ano-ano pa.   “Give us the most daring two piece, lingerie and dress, please,” aniya sa sales lady.   Bumagsak sa akin ang tingin noon at sinipat ako at saka tumango ng nakangiti.   “Okay po. Alam ko na ang size ni Ma’am,” aniya.   Nakaramdam ako ng hiya dahil baka mamaya ay iba ang iniisip ng sales lady kahit pa tama naman.   “Huwag kang mag-alala. Alam niya ang trabaho natin at dito kami palagi namimili ng pampa-alindog,” ani Cara.   Lalong nag-init ang pisngi ko sa hiya sa nalaman. Kung gayon ay wala akong maitatanggi sa babae. Nang bumalik ito ay ganoon pa rin ang ngiti sa labi, hindi ko man lamang kinakitaan ng panghuhusga sa tingin na ibinibigay niya sa amin.   “Ito na po. Sigurado ako na sukat na sukat kay Ma’am iyan,” aniya at ngumiti sa akin. Sinuklian ko rin iyon ng tipid na ngiti.   Hinatak ako ni Cara sa dressing room, dalawa kami na naroon. Napapalibutan ng salamin ang silid na iyon at kitang-kita ang reflection namin.   “Isukat mo, bilis. Titignan ko,” aniya.   Nahihiya pa ako noong una na maghubad sa harapan niya ngunit nang maisip na dapat ako masanay dahil ganito rin naman ang gagawin ko sa trabaho ay hindi na ako nag-alinlangan na sa harapan niya magpalit.   “Ang ganda ng katawan mo, Gaga ka! Parang hindi ka nanganak o nabuntis man lamang. Maputi ka pa at makinis kaya sure ako na isang gabi lang ay makukuha mo ang pitong milyon na iyon,” aniya.   Gusto ko ma-offend sa naririnig ngunit hindi ko magawa. Ito ang paraan para makasama ko pa ng matagal si Evan.   “Ang ganda! Konting ayos na lang sa mukha at buhok mo ay siguradong marami ang maghahangad na makasiping ka. Baka hindi ka payagan ng management na isang gabi lang, ah!” natatawa niyang sambit.   “A-ayos lang. Ang nais ko naman ay makaipon din ng pera hanggang sa makalabas si Evan at kung may matitira ay gagamitin ko sa negosyo. Hindi na ako tatanggapin sa kahit na saan dahil hinaharang nila Mrs. Asera ang application ko,” paliwanag ko.   Nalungkot naman ang mukha niya ngunit sandali lamang at agad ding pumalatak.   “Don’t worry. Hangga’t gusto mo naman ay push kita. Nga pala, nais mo ba na tunay na pangalan ang gamitin?”   Agad na nanlaki ang mata ko at umuling.   “Pwede ba na hindi?” tanong ko.   Tumango naman siya.   “Oo naman! Ganoon ang gawain namin dahil hindi rin ibibigay ng management ang information mo kasi private iyon. Aliw lang ang pwede natin ibigay at pagkatapos iyon ay wala na. Unless ikaw mismo ang magbibigay,” aniya.   Tumango ako at nakahinga ng maluwag.   “Hangga’t maari ay nais kong hindi ako makilala,” pahayag ko. Tumango agad siya sa akin.   “Sa taas tayo sunod. Paaayusan kita tapos ay picture na rin para ayos na mamayang tanghali. Kapag nai-post na iyon, sure ako ay mamayang gabi ay may costumer ka na,” aniya.   Tipid na ngiti ang isinagot ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako sanay na marinig iyon.   Dinala niya ako sa second floor at bukas roon ang isang parlor na dalawang bakla ang tao. Sinipat ko ang orasan at napansin na mag-a-alas siyete pa lang at bukas na sila. Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat.   “Huwag ka na magtaka dahil twenty-four seven silang bukas dahil ang nagpupunta lang naman dito ay mga tulad natin,” paglilinaw ni Cara.   Naunawaan ko iyon. Kung gayon, ang building na ito ay ang pangunahing nagbibigay daan sa mga escort upang maging handa sa kung ano mang lakad nila.   “Pakiayusan siya. Tipong sobrang sexy at daring, ganoon!” masiglang pahayag ni Cara sa kausap.   Agad naman na sinipat ako ng dalawa at saka naningkit ang mata at saka umiling-iling.   “Hindi niya iyon bagay. Mas better kung mukhang innocent pero captivating. Tipong anghel na nais mabihag ang isang demonyo,” ani noong isa na medyo matangkad.   “Tumpak! Maamo ang mukha ni ate mo at kailangan lang ay konting retouch. Bagay sa kaniya ang kulay na maroon o kaya ay itim,” dagdag naman noong isa.   Pumilantik ang kamay ni Cara sa ere.   “O, siya, siya. Kung ano ang sa tingin niyo ay makakakuha ng maraming costumer, go!” bulalas niya.   Mabilis na lumapit sa akin  ang dalawa.   “Ako nga pala si Gia,” pakilala noong isa na mahaba ang buhok, mas maliit at mas mapula ang labi habang ang isa naman ay pormal na naglahad ng kamay.   “My name is Ber. I will make sure na marami ang custumer na lalapit sa iyo,” aniya.   Tumango naman ako at saka nagpakilala.   “A-ako naman si…” dumapo ang tingin k okay Cara nang magtaas siya ng kamay at kilay.   Naalala ko na sinabi niyang mag-isip na ako ng pangalan na ipakikilala ko sa iba bilang isang escort.   Mukhang naghihintay sa sasabihin ko ang dalawa kaya naman tumikhim ako at sinabi na lamang pangalan na nasa isip ko.   “Anna… Anna na lang ang itawag niyo sa akin,” pahayag ko. Magkapanabay silang pumalatak.   “Sure, Anna. Halika at simulan na natin ang milagro.”   Halos isa’t kalahating oras nila akong inayusan bago pa ako hinayaan na makalabas.   “C-cara, ikaw na halos lahat ang nagbayad. Huwag kang mag-alala at ibabalik ko ang lahat ng nagastos mo kapag kumita na ako,” sambit ko.   Ngumuso siya at hinampas ako.   “Pinababayaran ko ba? Balato ko na sa iyo iyan,” aniya at saka ako hinila muli sa katabing silid ng parlor.   “Magandang umaga! Kailangan ng magandang shot! Nasaan ang photographer na hot?”   Matapos niya isigaw iyon ay lumitaw mula sa isang kurtina ang lalaking matangkad, mukhang may half-half dahil sa kulay ng mata at kutis.   “There you are!” bulalas muli ni Cara at saka tumakbo sa lalaki para bigyan iyon ng halik.   Nagulat ako roon ngunit nakabawi rin ng humarap si Cara sa akin at minuwestra na lumapit ako.   “Hon, this is my friend, Anna,” tumaas-baba ang kaniyang kilay bago binalingan ang lalaki.   “Need niya ng magandang shot para sa bidding,” aniya.   Umangat ang sulok ng labi ng lalaki at tumango.   “Nice to meet you, Anna,” kinalabutan ako sa lalim ng boses niya. Halatang may accent na mula sa ibang bansa.   “Wear your outfit. I’ll just set the camera. That’s where we’re going to take the shot,” aniya at itinuro ang corner kung saan pula ang background at ilang mga gamit na pamilyar sa akin.   Itinulak ako ni Cara sa isang dressing room at sinabi na ako ay magbihis habang siya ay nagdiretso sa kwarto na pinasukan noong lalaki. Hindi na ako nag-atubili pa at mabilis na isinuot ang isang lingerie.   Paglabas ko ay wala pa rin sila roon sa itinurong pwesto. Lumunok ako at sinubukan libutin ng tingin ang kabuoan ng silid. Maraming naka-frame na larawan sa pader at halos lahat iyon ay mga nude o ‘di kaya ay daring. Naawat lang ako sa pagtingin nang lumabas si Cara kasunod ang lalaki na bitbit ang camera. Napansin ko agad ang pag-aayos ni Cara ng kaniyang suot at alam ko na ang nangyari.   Isang kindat mula kay Cara bago siya nagtungo sa upuan. Ang lalaki naman ay tumango sa akin at itinuro ang parte ng silid kung saan magsho-shoot.   Niyakap ko ang sarili ko dahil nahihiya ako na nakikita niya halos kalahati ng aking katawan samantalang ang lalaki ay malamig lang ang ekspresyon sa mukha at parang wala lang ang nakikita.   “Don’t be shy. We need to get the right angle. Sit on the chair, cross your legs, put your right hand on your hair and the other one on your chest. Look at the camera with an innocent look but keep your lips parted,” pagbibigay instructions niya.   Sinunod ko iyo agad at mukha namang hindi niya kinakitaan ng problema ang naging pose ko.   “Next, go to the chains, hold it with both hands, sit on the metal tool and gasps for air as if you are being pleasure underneath.”   Kinikilabutan ako ngunit sinunod ko naman agad. Sa huli, ilang mga daring pose pa ang ginawa ko at saka nagpasya siyang tapusin. Nakailang palit din ako ng damit at halos maghubad na mabuti na lamang at ang sabi niya ay mas maganda kung hindi ako magpapakita ng private parts dahil iyon ang babayaran sa bidding.   Nakuha ni Cara ang kopya at nakangiti na inihatid ako sa labas ng building.   “Umuwi ka na at magpahinga o ‘di kaya ay dalawin ang anak mo para may lakas ka ng loob mamaya. Alas siyete ay tatawagan kita at sasabihin ko sa iyo kung sino ang costumer na may pinakamaraming bid. It’s either ipasusundo ka niya or ang management ang magpapadala ng maghahatid sa iyo,” saad niya.   Tatango-tango lamang ako. Tinapik niya ako sa balikat.   “Walang mali kung ginagawa mo ito para sa anak mo. Isa kang ina. Mabuting ina, Via,” aniya.   “Salamat, Cara. Asahan mo na hindi kita ipahihiya at paninindigan ko ang desisyon ko.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD