Kinabukasan, kasa-kasama ko si Kuya Carlos na nagtungo sa Hospital upang bisitahin si Evan. Naabutan ko siya na tahimik na nakatingin sa bintana ng kaniyang Hospital Room. Parang may kung anong bagay na tumusok sa aking dibdib.
“Evan,” pagtawag ko sa kaniya.
Mula sa bintana ay sa akin napunta ang kaniyang tingin. Sinalubong niya ako ng isang masiglang ngiti ngunit hindi maalis sa isip ko ang lungkot na nakitang nakabalatay sa mukha niya kanina.
“Mommy! Kasama mo po si Tito Carl?” aniya.
Sinagot ko naman agad iyon ng tango at saka inilapag ang mga dala-dala sa mesa na naroon bago siya tinabihan sa Hospital bed. Pinatakan ko ng masuyong halik ang kaniyang noo at hinaplos ang kaniyang buhok.
“Woah, woah! The future superstar is awake!”
Ang boses ni Kuya na iyon ang dahilan ng pagkalas niya sa aking yakap.
“Tito! Dala mob a ang mga toys ko? Sabin i Doc pwede raw dalhin dito kasi dito muna ako mag-stay,” aniya pa.
Masigla ang boses niya at gustong-gusto ko isipin na walang sakit ang anak ko. Paano magkakaroon ng sakit ang ganito kabibong bata? Sinulyapan ako ni Kuya at tinanguan saka binalingan si Evan na may ngiti sa labi.
“I bought you a lot of toys! Tito won’t forget about that,” aniya at saka tinulungan si Evan na buksan ang mga kahon ng bagong biling laruan.
Mataman akong nakatitig sa aking anak at maluha-luha ang mata. Kahit saan ko tignan ay hindi ko maintindihan kung saan makukuha ni Evan ang ganoong uri ng sakit. My mother does not have such kind of disease at nang tanungin si Kuya ay wala rin daw sa lahi ni Mr. Asera iyon. Isa na lamang ang naiisip ko at iyon ay ang ama niya na hindi ko man lamang nakilala.
Nakaramdam ako ng inis dahil doon. Hindi dapat ang anak ko ang nagdurusa kundi ako.
Tigalgal kong pinagmamasdan si Evan na pinagkakaguluhan ng mga Doctor. Kanina lamang ay masaya siyang kalaro si Kuya ngayon ay wala na siyang malay at sinusuportahan na lamang ng kung ano-anong machine ang katawan niya.
“Vi…” pagtawag ni Kuya sa akin ngunit hindi ko siya magawang lingunin.
Ang kaniyang braso ay humapit sa akin at niyakap ako. Sa pagkakataong iyon ay natauhan ako at umalpas ang hagulgol sa aking labi. Sisigok-sigok ako sa kaniyang dibdib.
“Ang anak… ko…” pagtangis ko.
Humaplos ang kaniyang kamay sa likuran ko at binulungan ako ng mag salitang makapagpapalakas ng aking loob.
“Evan will be fine,” bulong niya.
Natapos ang tatlong oras at saka lamang lumabas ang Doctor. Ako ang mabilis na lumapit sa kanila.
“Doc, ano ang lagay niya? Ayos lang ba ang anak ko?” magkasunod kong tanong.
Sinubukan pa akong pakalmahin ni Kuya ngunit hindi ko iyon naintindi.
“Your son is in critical condition. I advise you to look for a heart donor, too. The money for the operation has been transferred and if only we have a donor, your son will be operated but sad to say we do not. Miss Asera, your son won’t wake up for now. The more he wakes up, the more he will encounter difficulty of breathing.”
Lalong bumagsak ang mundo ko nang marinig iyon. Tanging ngiti at boses na lamang ng anak ko ang dahilan kung bakit kinakaya ko tapos ay kinakailangan pa na mailagay siya sa sitwasyon na iyon.
“B-bakit hindi na lang ako, Kuya? Bakit ang anak ko pa?” hindi maubos-ubos ang luha sa aking mata.
“Nadamay pa ang anak ko sa kamalasan na taglay ko!” panaghoy ko.
Dumiin ang kapit niya sa aking kamay.
“Don’t consider yourself unlucky, Viviana. You still have me and your son is still alive. Pull yourself together!” may himig ng galit ang kaniyang boses ng sabihin iyon.
Wala akong nagawa kundi ang humagulgol. Sumapit ang gabi na kapwa kami ni Kuya walang kibo at nakatingin lamang kay Evan na may mga suporta ng host ng makina. Tumutunog ang mga iyon at siyang nagsisilbing ingay sa loob ng silid.
Pumailanlang ang maingay na tunog ng cellphone niya. Tinignan niya ako at sandaling nagpaalam upang iyon ay sagutin. Naiwan ako roon, nakahawak ang kamay sa maliit na pulso ng aking anak. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa tuwing nahahagingan ng mata ang tubo sa kaniyang bibig.
“Evan… bakit ganito?” halos wala ng boses nang sambitin ko iyon. Naubos sa bawat kong pag-iyak.
“Bakit ikaw pa, anak?” punong-puno ng sakit ang bawat salitang iyon.
Tahimik lamang akong umiiyak doon. Nang pumasok si Kuya Carlos ay saka lang ako nag-angat ng tingin. Napansin ko kaagad na may kakaiba sa kaniya.
“Vi… aalis na muna ako,” aniya, ang mata ay hindi mapakali.
Sa ilang taon ko nang kilala si kuya ay alam ko na kapag may iniisip siya, may nagawa siyang mali o may itinatago siya.
“Kuya, babalik ka rin ba ngayong gabi?” tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at napansin ko ang paglunok. Marahil ay may bagay siyang kailangan na asikasuhin. Tungkol sa proyekto? Hindi ko siya maaring daragin sa paghihirap ko dahil may sarili rin siyang buhay.
Tumango ako upang hindi niya isipin na hihingan ko pa siya ng eksplanasyon.
“S-sige, Kuya. Mag-iingat ka, huh?” pahatid ko.
Nagyuko siya ng ulo at saka dahan-dahang tumango. Nang salubungin niya ang aking tingin ay may awa at pagsisisi sa kaniyang mata.
“Please, be strong, Vi. Evan and you will survive. Remember that I love you. I’ll be back after I finish my business.”
Iyon ang huling salitang binitawan niya bago kami ni Evan pinatakan ng halik at niyakap.
Iba na ang pakiramdam ko noong mga oras na iyon at labis-labis na akong kinakabahan. Mayroon na akong duda sa kaniya ngunit hindi ko iyon pinansin. Pakiramdam ko ay kasalanan ko muli na ito ang nagyari.
“Ma’am, kayo po si Miss Viviana Asera, hindi po ba?”
“Narito po kaming upang ipagbigay alam na si Mister Carl Asera ay nasangkot sa isang aksidente na dahilan ng pagkamatay ng isa pang tao. Sa kasawiang palad po ay miski siya ay wala ng buhay.”
Ume-echo sa pandinig ko ang mga salitang iyon. Ilang katok sa pintuan ng Hospital room ni Evan matapos ang apat na oras na nakaalis si Kuya. Narito ngayon ang ilang kapulisan para ipahatid ang balitang gumimbal sa akin.
Bumukas-sara ang aking bibig ngunit wala akong maapuhap na salita. Hindi ko maintindihan kung paano ko iiwanan ang anak ko at pupuntahan siya. Isang Nurse ang lumapit sa akin at nagsabi siya na ang bahala kay Evan at kahit mabigat sa loob ko na iwanan siya ay wala akong magawa. Nais kong makita ang kaisa-isang pamilya na mayroon ako.
Nakarating kami sa Hospital na pinagdalhan sa kaniya at dinala lamang ako sa Morgue. Sa labas pa lang ay dinig ko na ang boses na umiiyak doon. Nang ako ay makapasok ay naabutan ko ang kaniyang ina at dalawa pang kapatid na walang tigil sa pag-iyak at pagtawag sa kaniyang pangalan.
Nang makita nila ako ay masamang tingin ang natanggap ko mula sa kanila.
“It’s her fault! Ang malas na iyan ang dahilan kung bakit nagkaganito si Kuya!” sita sa akin ni Carel.
“Sinabi na kasing malas iyan at dapat ay iwasan niya pero hindi nakinig si Kuya!” segunda naman ni Carol.
Hindi ko magawang ipagtanggol ang aking sarili dahil iyon din ang iniisip ko. Na baka nga ako ang dahilan kung bakit nasasaktan at nahihirapan at mga tao sa paligid ko.
Tumutulo ang luha sa aking mata ngunit hindi nila iyon batid.
Nasalubong ko ang tingin ni Mrs. Asera na malamig.
“Umalis ka na hangga’t kaya ko pang pigilan ang aking sarili na saktan ka. Ang makita ang anak ko sa ganitong kalagayan ay kay sakit. Bakit hindi na lamang ikaw?”
Manhid na ako sa ganoong klase ng mga salita. Wala ng mas sasakit sa akin kundi ang malaman na wala na ang kaisa-isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang pamilya.
Humahagulgol ako sa gitna ng pasilyo ng Hospital at hindi na nakayanan pa. Paano ko itatawid ang buhay kung ang isang taong pinagkukuhanan ko ng lakas ay wala na habang ang isa ay nariyan subalit wala ring malay at nasa isang malalang sitwasyon.
“H-hindi ko na kaya,” sambit ko sa bawat kong paghikbi.
Parang may kamay na pumipisil sa aking dibdib at nagpapahirap sa akin sa paghinga. Walang katinuang pumapasok sa aking isipan at ang tanging sumasaksak doon ay ang pinamadaling gawin upang tapusin ang problema.
Gustong-gusto kong magpatiwakal na lamang ngunit kung gagawin ko iyon, paano ang anak ko.
“Ma’am, ayos lamang po ba kayo?” dinig kong mga tanong ng mga Nurse na napansin ang pagbigay ng mga tuhod ko.
Pinalibutan nila ako at binato ng mga katanungan na hindi ko naman na lubos na naiintindihan. Nagsisikip ang aking dibdib at umiikot ang aking mata. Ilang sandali pa ay tuluyan akong nilamon ng dilim.
Nagising na lamang ako sa mga ingay sa aking paligid. Biglaan akong napabangon ng hindi makilala ang lugar. Sinipat ko iyon at nakahinga ng maluwag ng mapansin na bahagi iyon ng Hospital kung saan nilalagay ang mga mahihirap.
Nilukob ng pait ang aking sistema habang pinagmamasdan ang iba na naroon kasama ang kanilang pamilya.
Tahimik akong nagpalit ng damit at nilisan ang bahagi na iyon ng Hospital. Nagdiretso ako sa labas at lumanghap ng sariwang hangin. Hindi normal ang aking paningin dahil sa namumugto kong mata.
Wala sa sarili akong naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Tumunog ang cellphone ko dahilan kung bakit nabalik ako sa wisyo. Sinagot ko agad iyon noong makita na ang tawag ay galing sa opisina kung saan ako nagtatrabaho.
“Good morning! Viviana Asera’s speaking,” siniglahan ko ang aking boses kahit papaano subalit agad ding nawala iyon nang marinig ang sinabi ng kausap.
“I’m sorry, Miss Asera. Mrs. Bregilla called us and told us about your sudden termination. She said it has something to do with Mrs. Carlos Asera. You can get your things here and your last payment.”
Nawalan ng buhay ang buo kong katawan at kusa na lamang tumulo ang luha sa aking mata. Ganito ba dapat? Ganito ba talaga kalupit ang mundo? Bakit ngayon pa? Alam naman nila na kailangan ko ng pera at trabaho dahil may sakit ang aking anak. Humagulgol ako ng maisip na wala na akong mapupuntahan.
Noon, sinubukan ko magtrabaho ngunit walang tumanggap sa akin kaya naman alam ko nang kahit magmakaawa pa ako sa ibang kompanya ay haharangin lamang nila iyon.
“Kuya… bakit mo naman ako iniwan?” lumuluha kong sambit.
Sa gitna ng katirikan ng araw, sa mga nagdaraang mga sasakyan, naroon ako at nakaupo habang umiiyak.
“Future Mrs. Mundovel, Amira Reyes, the CEO of AC Clothing line was involved in a car accident with Mr. Carl Asera. Both are dead on arrival. Both of the families of the victims are mourning for them. Mr. Lanus Mundovel is blaming Mr. Carl Asera for the death of his future wife while the family of Carl did not give any opinion about this and only focus on the death of their member.”
Tulala ako sa harapan ng telebisyon. Kanina pa paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng aking kapatid. Sanay na ako roon at normal na iyon noon ngunit ngayon, nababanggit ang kaniyang pangalan hindi dahil sa panibagong pelikula o telenovela na ilalabas niya kundi tungkol sa kamatayan niya.
“They even want to put dirt on your name,” saad ko habang hinahaplos ang larawan na siyang natira sa akin kasama si Kuya.
Nasa lobby lamang ako ng Hospital at hindi pa nais na pumasok sa silid ni Evan sa ganitong sitwasyon. Ilang oras na ako roon at tahimik lamang. Pakiramdam ko ay naubos na ang aking luha at tanging pagsigok na lamang ang natira.
Pumailanlang ang tunog ng cellphone ko dahilan kung bakit nagtinginan sa akin ang ibang naroon. Hindi ko naman iyon pinansin at basta na lamang sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
“Miss Asera. Your son is hyperventilating. He needs to undergo operation now. Please, look for a heart donor as soon as possible.”