PINAGMASDAN ko madilikm na kalangitan, hinayaan na lukubin ng lamig ang aking katawan at hinintay ang pagpatak ng napipintong ulan.
Sa totoo lamang ay hindi ko alam kung nasaan na ako parte ng Manila ngayon subalit hindi ko na iyon inintindi. Ang tanging nakatatak sa aking isipin at paulit-ulit na umuukilkil sa akin ay ang mga salitang binitiwan ng Doctor. '
"Your son is suffering from a heart disease called Hypertrophic Cardiomyopathy which is a severe condition. It makes the wall of the hear chamber to contract harder and become thicker than normal."
"What do I need to do, Doc? Ano ang kailangan para gumaling siya?" desperada kong tanong.
"Sa ngayon, kailangan na manatili rito ang iyong anak para na rin mabigyan siya ng mga gamot na kailangan niya at mabantayan natin ang kalagayan ng kaniyang puso. Aside from that, kailangan niya na maoperahan sapagkat kung hindi, mas lalala ang problema sa puso niya na maaring mag-cause ng death sa patient. You need to find a heart donor and two million for the operation."
Hilaw at walang buhay na tawa ang kumawala sa aking bibig. Unti-unti iyong lumakas at kasabay noon ay ang malalaking patak ng ulan na siyang bumabasa sa aking katawan.
Hinayaan ko ang sakit na dulot noon sa aking mukha, hinayaan kong nakapikit ang aking mata habang ang aking mga binti ay kusang bumigay.
Inaasahan ko na ang pagbagsak ng aking tuhod sa matigas na semento subalit dalawang malakas na bisig ang sumalo sa akin.
Nang magmulat ako ng aking mata ay nakita ang nag-aalalang mukha ng nag-iisang taong alam kong makauunawa sa kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
"Vi, let's go home," banayad niyang sambit. Tila nakikiusap siya sa akin na pakinggan ang kaniyang suhestisyon.
"Magpahinga ka na muna. Kailangan mo ng lakas," dagdag niya habang inaaalalayan ako sa pagtayo.
Parehas kaming basang basa na sa ulan. Suot suot ko pa ang pang-opisina kong damit habang siya ay naka-suot ng cap at itim na mask na tumatabing sa kaniyang mukha.
"Hindi mo kailangan maging ganito. Buhay pa ang anak mo ibig sabihin may pag-asa pa." Ngumiti siya sa akin at pinalis ang luha sa aking mata.
Kusang lumabas ang hikbi sa aking labi na unti-unting lumakas at segundo lamang ay nagmistula akong isang bata na nagsusumbong sa kaniyang ama. Ang pinagkaiba lamang ay hindi isang piraso ng kendi o laruan ang aking iniiyakan.
"Shhh, tahan na. Ang pangit mo umiyak," pagpapagaan niya sa sitwasyon.
"Kuya. . ." tawag ko sa kaniya sa pagitan ng bawat kong pag-iyak.
"Magiging ayos naman ang anak ko, hindi ba? Gagaling naman si Evan, di ba?" Tinignan ko siya, nagsusumamo na sabihin niyang magiging ayos lamang ang aking anak.
Ikinawit niya ang mga takas kong buhok sa aking tenga at saka tumango sa akin.
"Siyempre naman. Malakas si Evan at magiging isang sikat na Artista pa siya, hindi ba? Huwag kang panghinaan ng loob. Malakas ang anak mo kaya dapat ganoon ka rin."
Ang mga salitang iyon ang gumising sa aking diwa. Iyon ang siyang pinanghahawakan ko sa pagkakataong ito.
Kahit tulala ay pinilit kong isaksak sa aking isipan na may awa ang Diyos at hindi niya pababayaan ang anak ko. Hindi niya kukuhanin agad sa akin ang dahilan kung bakit nais ko pang mabuhay.
"Exclusive! The Lanus Mundovel, a business tycoon and the President of MDV Corporation is now married to his long time girlfriend, Amira Reyes, a retired model and now a CEO on her very own Clothing Line. The wedding happens at exactly Ten in the Morning of this day and as you can see on the background, the wedding is exquisite and luxurious. There are thousands of guests and we are all envying those who attended their wedding." The reporter laughed at that and continued speaking. " Well, What do we expect? It is a Reyes and Mundovel combined. May the two of them live a happy life. Best wishes to this two lovely couple!"
Natapos ang balita tungkol doon, ipinakita ang magagarang litrato ng ikinasal maging ang reception. Kahit na nakikita ng aking mata ay hindi iyon nag-si-sink in sa aking utak. Lumabas lamang sa aking tenga ang narinig.
Nilingon ko ang kapatid kong katulad ko ay napansin ang balita sa malaking screen sa harapan ng isang building. Parehas kaming naka-stuck sa traffic kung kaya walang magagawa kundi pagtuunan ang paligid at ang tanging naroon nga ay ang malaking screen na nagsisilbing telebisyon.
Nanatili siyang nakatingin doon, hindi ako binabalingan. Nangunot ang noo ko at napansin na may kakaiba sa kaniya. Hindi tulad ko, madilim ang kaniyang naging ekspresyon, nag-iigtingan ang panga at tila hindi nagugustuhan ano man ang nakikita.
Saka lamang tila bumalik sa aking alaala ang mukha bg babae sa screen na siyang ikinasal.
"Hindi ba at ex girlfriend mo siya?" tanong ko. Pilit i-de-na-divert ang atensyon sa kung saan. Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya bagkus ay kinabig niya ang manibela at pinaharurot iyon sa ibang direksyon.
Naalarma ako doon.
"Kuya! Saan tayo pupunta?" tanong ko. Noon lamang niya ako pinansin, tinapunan ng tingin saka sinagot.
"Sa Condo ko na lamang ikaw matulog. Baka matagalan pa tayo sa traffic," malamig niyang sambit.
Hindi ko nauunawaan kung bakit biglaan na nagbago ang kaniyang mood. Dahil ba iyon sa babaeng kinasal? Pilitin ko man ituon ang atensyon ko doon ay sumisingit ang kalagayan ng aking anak.
"I miss Evan now," I murmured to myself. Nakahiga ako ngayon sa kama ng aking kapatid habang siya ay nagpaalam na aalis at may pupuntahan saglit.
Ayoko man na mapag-isa subalit ano namang karapatan ko na pigilan siya? Hindi ko maaring daragin ang kapatid ko sa lungkot na kinasasadlakan ko ngayon. Alam kong tulad ko ay may problema rin siyang kinakaharap at hindi niya ako hinahayaan na maapektuhan noon kung kaya dapat ay ganoon din ako.
Natapos ang gabi na iyon, dumaan ang isang araw at nasundan pa muli ng isa subalit kahit anino niya ay hindi ko nasilayan.
Mag-isa akong hinaharap ang kung ano man na problemang ibinabalita ng Doctor tungkol kay Evan. Laking pasasalamat ko ng bigla ay isang katok ang nagmula sa kaniya.
Isang yakap ang isinalubong ko at muli ay umiyak na tila nagsusumbong at pinagagalitan din siya.
"Saan ka nagpunta? Alam mo ba na malala na ang lagay ni Evan? Hindi ko kaya harapin ito mag-isa, Kuya. Huwag mo ako iwan, ha? Hindi ko kaya harapin ito ng ako lang kaya huwag ka na uling mawawala, ah? Huwag mo na uulitin 'to."
Humaplos ang kaniyang kamay sa aking buhok at saka nahihirapan na nagsalita.
"I'm sorry, Vi. Kuya is sorry."