Chapter 17

1169 Words
"Enjoying much Senorito?" ang tanong ko sa aking pasyente habang sinusubuan ko siya ng kanyang pagkain. Aakalain mong patay gutom kung gaano ako utusan na bilisn ko daw ang paghiwa ng steak at pagsubo ng food sa kanyang bibig. Kung di lang siya nakakaawa ay hinayaan ko na siyang magutom. "Just give me my food and stop talking already." Hala siya. "I want to drink.Give me the juice." Hinayaan ko nalang siyang kumain ng kumain at mukhang gutom na gutom na talaga siya. After we ate ay agad naman siyang dumiretso sa loob ng kanyang kwarto. Nagtaka pa siya kung bakit ko siya sinundan, eh di ba nga ay dito na muna ako magsstay habang nagpapagaling siya. "Are you really staying here?" Ang paniniguradong tanong niya sa akin matapos makaupo na siya sa kanyang kama at sumandal sa headboard nito. "Why? Is there a problem for me not to stay here? Isn't this what you want, for us to stay under the same roof?" Hindi naman siya agad na nakasagot sa sinabi ko. Marahil ito kasi ang isa sa mga dahilan ng aming pagtatalo noong mga nakaraang araw. Hindi ko rin naman intensyon na para bang ito ang dahilan kung bakit ako narito sa kanila ngayon. I dont want him to misunderstand me kaya magpapaliwanag na sana ako. "It's not what I meant to say..." "No. It's okay. I'm sorry. I'm sorry for not getting your consent about my plan. I'm sorry for not considering your feelings first. I'm sorry if it..." "Stop it! How long would you keep saying sorry. It's in the past already. Let's just forget about it Okay?And I just wanted to say that hindi naman yun yung reason why I'm here. I'm here to take care of you and ofcourse... to annoy you." And sabi ko sabay ngisi sa kanya na para bang isang kontrabidang may masamang binabalak. Napakunot naman ang kanyang noo at tumaas pa ang kanyang kilay dahil nang matapos kong sabihin sa kanya ito ay agad akong tumabi sa kanyang higaan at kinuha ang remote ng tv na hawak hawak niya. Uumpisahan ko na ang panggugulo sa kanya ngayon. Saktong nakabukas ang netflix kaya naghanap ako ng magandang mapapanood. At nang makita ko ito.  "The Little mermaid." Agad ko nang pinindot ang button ng remote para magplay ang pelikula. Don't blame me for picking this movie dahil kahit na ganto na ako at mukhang lalakeng lalake na ay di mo pa rin miaalis sa akin na sa loob ng mahigit na kalahati ng buhay ko ay namuhay akong isang parang babae. Nakalakihan kong pinapanood ang mga disney movies at isa na dito ang the little mermaid. Isa rin sa mga rason kaya ko to napili ay dahil ayaw na ayaw ni Zen and mga ganitong palabas. He's more into action genre at mga horror and thriller type movies. We have really different taste when it comes to movies. "So, this is it? This is your way of annoying me?" Mukhang ayos ayos ka pa ngayon pero sure ako maiinis ka rin kapag tumagal na ang pelikula. Ngumiti lamang ako sa kanya bilang sagot at tumutok nalang ako sa screen ng tv at nagfocus nalang ako dito dahil nagsisimula na ang palabas. Siguro ay nakaka sampung minuto palang kaming nanonood nang maramdaman kong halos di mapakali sa pwesto niya si Zen habang ako naman ay masaya lang na nanonood at pinapakiramdaman siya. Napapakanta pa ako at sumasabay kapag may music na pineplay sa movie. Nilalakasan ko pa talaga ang boses ko para mas mainis si Zen sa akin. Pero mukhang wala pa ring epekto. hanggang sa di ko namamalayan na sa sobrag tutok ko sa movie ay di ko na siya napansin pa. Nakuha ko ng natapos panoorin ito nang wala man akong narinig na reklamo mula sa kanya kaya naman agad akong bumaling sa kanya. "Kaya naman pala!" yan na lang ang nasabi ko nang makita ko kung ano ang ginagawa niya. Tinulugan niya lang naman ako kaya pala di ko siya narinig na nagreklamo. Infairness gwapo pa rin siya katulad noong mga bata pa kami at halos walang pinagbago ang mukha niya bukod nalang sa kanyang bigote at balbas. Pinatay ko na ang tv. Ayaw ko siyang istorbohin. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung gaano katagal pero parang nawawala lahat ng mga worries ko habang nakatitig sa kanyang tulog na mukha. "How come na nagustuhan mo ko kahit na isa akong depekto? Ano ba ang ginawa ko sayo bakit ganoon mo nalang ako kadaling tinangggap nang malaman mong isa pala akong tunay na lalake imbes na isang babae dapat para sa isang lalakeng tulad mo?" lakas loob ko namang sinasabi sa kanya ang mga ito dahil alam kong di niya naman malalaman kasi tulog nga siya. "Siguro ay kaya ko na at handa na akong sumama sayo basta ikaw ang kasama ko." ang huling bulong ko sa kanya bago ako tumayo at kinuha ang laptop ko sa aking maleta. Umakyat na muna ako sa taas sa pinaka main room niya at doon ay nakipag conference call ako sa aking sekretarya para tanungin at iupdate ako para sa party mamayang gabi. Gulat na gulat at di makapaniwala si Cheska sa sinabi ko na di na ako makakapunta at makakadalo sa celebratory party ng sarili kong kumpanya. Napakarami pa niyang tinanong sa akin na akala mo ay inienterrogate ako sa dami ng mga ito. Di ko nalang siya sinagot sa kanyang mga tanong sa akin dahil ako ang boss at siya ay sekretarya ko lang. Kahit na magkaibigan kami ay may mga bagay pa rin na di ko sinasabi sa kanya at isa na rito si Zen. Baka ano nalang ang sabihin niya na kapag nalaman niyang ang kanyang ultimate crush ay mapapagasawa ko na sa loob nalang ng ilang linggo at siya rin ang rason kung bakit ako nagpaalam sa kanya na magleleave rin muna ako pansamantala. Hindi para sa isang business meeting kung hindi para bantayan siya. After my conference call with my executives and iilang mga staff para sa mga ilang bagay na inihabilin ko sa kanila dahil sa pansamantala kong pagliban at di na rin pagdalo sa party ay bumaba na ako para gamitin na rin ang leave kong ito to relax. At dahil nandirito na rin ako sa hacienda nina Zen ay pumunta ako sa kanilang garden. Mag-aalas tres y media palang ng hapon pero dahil makulimlim ang panahon at di mainit sa labas kaya kahit gantong oras ay nakadalaw ako dito. Di pa rin talaga nagbabago ang ganda ng garden nila. Kamukha pa rin ito noong mga bata pa kami ni Zen. Nadagdagan nga lang ng ibang mga klaseng bulaklak pero itong ito pa rin iyon. Itong ito pa rin ang garden kung saan una kong nakita ang batang si Zen at nahulog sa kanya. Napakuha tuloy ako ng isang bulaklak ng santan at sinubukan kong gawin ang pagsipsip sa matamis na katas nito. "Oriol? Is that you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD