Chapter 16

1071 Words
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang di makapaniwala si Zen sa mga binitawan kong salita sa kanya. Akala ata niya ay di ako makakahanap ng pagkakataon para inisin siya.  Noong umalis ako kaninang umaga ay nainis talaga ako sa kanya pero nang nasa sa sasakyan na ako pauwi at napagtanto ko ang mga nangyayari talaga ay nakaisip ako ng isang magandang plano. First time na nainis si Zen kanina and late na yung reaction ko bago ito magsink in sa utak ko. Ito na yung palaging gusto kong i achieve dati pa! So, mabilis akong nagmaneho pauwi at kahit alam kong nakaschedule ang celebratory ng aking company ngayong araw ay di na ako nagdalawang isip na hindi na lang umattend. I would rather spend my day getting on Zen nerves. And it's not my thing to go on parties sa its okay for. Tinawagan ko na ang aking sekretary at ipinaalam sa kanya na di na ako makakadalo at siya na ang bahala on my behalf. Hindi ko na siya hinayaanh makapagtanong pa at pinatay ko na ang tawag ko sa kanya sabay turn off na rin ng aking cellphone para di nila ako makontak at maistorbo ngayong araw. Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong nag-impake ng aking mga gamit at nilagay ko ang mga kakailanganin ko sa isang maleta. Di na ako nahirapan dahil supposedly nga ay lilipat na ako sa isang bahay kasama si Zen kaya nakaready na ang mga gamit ko. I don't know what is his reaction gonna be lalo na at nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan kaninang umalis ako mula sa bahay nila. Nagpaalam na rin ako sa mommy and dad ko na magbabakasyon ako for a week. Di ko sinabi talaga na kasama ko si Zen dahil di rin naman nila alam ang nangyaring aksidente kay Zen. Actually ay thru phone lang ako nagpaalam sa kanilang dalawa nina mom kasi naman ay sigurado akong marami silang mga tanong na ibabato sa akin at baka di pa ako matuloy sa lakad ko dahil sa mga tanong nila. Akala kasi nila babae pa rin ako sa paningin nila pero alam naman nating lahat na that I am a guy with just a pempem hahaha. After packing my stuff I immediately get in to my car and dumaan muna ako sa mall at sa grocery store para may bilhin lang kaya umabot na ako ng lunch pagkarating ko sa bahay nila. His face is so priceless nang makita niya akong nakaupo kasama si tita at ready na para kumain ng lunch. Marahil nagui-guilty siya kaya di siya makatingin ng diretso sa akin sa ginawa niyang pagpapa-alis sa akin. I know its not good for me to feel good na makitang naiinis ang taong gusto kong inisin pero kasi iba eh! First time mangyari kaya ganto hahaha. Sumakto pa na umalis si tita because of an emergency so kaming dalawa na naman ang naiwan dito sa dining area kung saan sariwa pa rin ang mga nangyari kanina. Ang arte kasi niya. Siya na ang tinutulungan ayaw pa! Kaya naman nang makita kong na nafu-frustrate na siya dahil di na siya makasubo kahit isa lang ng steak na super favorite pa naman niya ay di siya nakapapigil na makapagpasalamat sa akin nang nagmistulang tutulungan ko siya pero mali ang kanyang iniisip dahil inaayos ko lang ang mga kubyertos dahil masyado na siyang maingay sa pilit niyang pagtatry na makasubo kahit isa lang. "Anong salamat ka diyan? Itatabi ko lang ang mga kubyertos at pagkain mo mukhang di ka naman kakain at nagdadabog ka lang. Atsaka sabi mo nga diba na kaya mong mag-isa lang na kumain." And that's it! It was all worth it na makita ang shocked niyang mukha. Gusto ko tuloy na matawa dahil sa itsura niya. If may camera lang ako ay agad ko ng kinunan ang kanyang expression. Pinilit kong pigilan ang aking sarili na matawa dahil sa nangyari at pinilit ko ring maging normal lang. Masaya ako is an understatement for what I am feeling right now. Kung dati ako lang ang naiinis sa aming dalawa ay ngayon iba na. Kaya ko na rin siyang inisin. Nagpatuloy ako sa aking pagkain at talagang pinapakita ko pang napakasarap ng kada subo ko dito. Napapansin kong nakatingin pa rin siya sa akin at ang kanyang mukha ay biglang nagbago. Inis na yung mukha niya and dagdagan mo pa yung frustrations at gutom niya. "Joke lang! Ikaw naman oh let me help you." Ang pambabawi ko naman dahil di ko naman siya hahayaang magutom lalo na at kailangan noya ito for his speedy recovery. "T-thank you." Ang narinig ko muli sa kanyang bibig. Nagslice na ako ng mga bite size lang na steak para madali lang niya itong manguya. After that ay sumandok na ako ng kanin at ipinatong ang isang hiwa nito. Saktong itinaas ko na ang kamay ko na may hawak ng food niya at isusubo ko na lang sa kanya atsaka naman ako na caught off guard dahil sobrang lapit ko na pala sa kanya. I had hesitate a little. "Hey come and give it to me na midget. Gutom na ako." He said in his mellow voice. "H-here." And dahan dahan ko nang inilapit ang kutsara na may pagkain sa kanya and nang malapit na ito ay... "Hmmmm ang sarap!" Isinubo ko lang naman sa aking bibig ang pagkain instead sa kanya kaya galit na galit na naman ang expression niyo. Akmang tatayo na siya which is a first for me dahil never ko pa siyang nainis and ngayon araw pa lang nangyayari yon kaya agad ko siyang pinigilan dahil di ko alam paano talaga siya magalit at mainis. "Wait here... I'm just joking. Ikaw naman kasi aayaw ayaw ka pang subuan kita kaninang umaga pero ngayon heto ka at kinain mo ata ang mag salita mo." "Just go enjoy your food midget. I 'll just sleep again on my room." Hala inis talaga siya pero agad kong inalis ang saklay niya sa tabi niya para di siya makatayo at makalakad. "Sorry na! Ikaw naman ganito ka pala magtampo! Ikaw nga lagi mo akong iniinis pero agad din naman akong bumbalik sa dati." Tiningnan lang ako ni Zen for a while gamit ang seryoso niyang mukha pero nang marealize siguro niya ang sinabi ko ay agad niya namang inalis ito. "Okay! Okay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD