"O-oriol?" Ang utal kong bigkas ng kanyang pangalan dala ng pagkabigla.
Ako ay nagtaka bakit bumalik siya rito sa aming bahay eh alam ko namang galit siya sa akin kanina dahil sa mga nasabi ko at kung paano ako makitungo sa kanya.
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan hijo? Samahan mo na kaming maglunch ni Oriol. Don't worry at dito muna siya magsstay hanggang sa gumaling na yang mga injuries mo. You're both so lucky to have each other. Tingnan mo oh dala dala na niya yung maleta niya.
It could be of really great help na rin para sa inyong dalawa lalo na at binabalak niyo ng magsama sa isang bahay before your wedding."
"Y-you're staying h-here?" I don't know if paniniwalain ko ba ang sinabi lang ni mama sa akin or hindi? Why would Oriol stay with me under the same roof kahit na alam kong ayaw niya ang set up naming ganto? Di ba ito nga ang dulit ng tampuhan namin ngayon?
After I asked him the question is nakita ko ang isang tila nakakalokong ngiti at mukha na galing sa kanya.
I don't get it but maybe he's on to something.
Hmmm...
"Why don't you like it? Ay oo nga pala pinaalis mo nga pala ako kanina." Ang mahinang sabi niya ngunit narinig pa rin ito ng tenga ko.
Suddenly ay naguilty na naman ako nang maalala ko ang mga nangyari kaninang umaga lang.
"What did you day hijo?" Ang tila di naman narinig na tanong ni mama sa huling sinabi ni Oriol sa akin.
"Ah wala po tita. Ang sabi ko po is gutom na po ako at nagmadali po akong nagempake ng mga gamit ko at nagdrive pabalik dito."
"Zendo! Halika ka na at bago pa lumamig ang mga pagkain."
Wala na akong nagawa pa at umupo ba ako sa harapan ni Oriol.
Nagkatitigan kaming dalawa at bigla na lang siyang ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis.
Parang biglang nagskip ng beat ang puso ko nang makita ko ang mukha niya.
I was just mesmerized at him even though at the back of my head na nagsasabing may mali sa mga nangyayari.
And parang kinilabutan din ako at the same time ng bigla niya na lang itusok ang tinidor na hawak niya sa steak na nakalagay sa plato niya.
Napalunok na lang ako ng laway ko dahil habang parang pinagsasaksak niya ang steak gamit ang fork na hawak niya ay nakapaskil pa rin ang napagandang ngiti niya.
It's the first time na makita kong mag act ng ganto si Oriol sa harap ko. All this time ay ang nasa isip ko ay siya pa rin yung clumsy na kababata ko na ultimo pagbukas lang ng jar ng peanut butter ay kailangan pa niyang tumawag ng tulong.
Nag-umpisa na kaming kumain at ako na ang unang bumitaw sa pagtititigan naming dalawa.
Pero nang makita ko ang pagkaing nasa harapan ko at ang mga kubyertos na katabi ng aking plato ay nanumbalik ang memorya kanina kung paano ako hirap na hirap na makasubo man lang ng pagkain ko.
But to my surprise.
"Tita lipat po ako ng pwesto ko ah." Ang narinig kong paalam ni Oriol kay mama sabay tayo at punta sa katabing upuan ko.
"W-what are you doing?" Ang takang tanong ko sa kanya.
"Wala! I'm just trying to eat my food katabi ka."
Gusto ko na lang mapa-facepalm sa mga binibitawang salita ni Oriol. Halatang pilit na pilit ang mga ito at di bagay sa personality niya.
Sinabayan pa niya ng kanyang nakakatakot na mga facial expressions.
"Senora! May tumatawag po sa telepono at hinahanap po kayo. May emergency lang po ata." Ang biglang dating naman ng aming mayordoma palapit kay mama.
"Mauna na kayong kumain mga hijo. Huwag niyo na akong hintaying bumalik at kailangan ko ng lumabas pumunta sa company. May kailangan lang akong asikasuhin doon."
"Mama tapusin niyo na muna ang pagkain niyo at can't it wait?" Ang tanong ko kay mama na aligagang tumayong mabilis matapos makausap ang nasa kabilang linya ng tawag.
"Sa office na lang ako kakain ulit. Bye na hijo. Oriol ikaw na bahala kay Zen."
"Sige po tita ako na pong bahala sa anak niyo. Ingat na lang po kayo."
"O siya aalis lang muna ako." Ang paalam ni mama sabay halik sa pisngi naming dalawa ni Oriol.
Sanay na akong ganto sa bahay na biglang aalis si mama because of some emergencies kaya naman babalik na sana ako sa pagkain ko nang tumaas ang balahibo ko sa aking batok nang maramdaman kong parang may nagmamatyag sa akin.
And no to my surprise ay walang iba kung hindi ang katabi kong si midget.
"W-why are you looking at me like that. Kumain ka na midget at parang nalipasan ka ata ng gutom on the way you act sa harap ko ngayon."
"Bakit? Bawal na bang tingnan ang taong mapapangasawa ko?...
And wala ka bang balak na sabihin sa akin?"
"S-sorry. It's not my intention to just stormed out of the house kanina dahil sa mga sinabi ko. Stressed lang ako because of my injuries."
"Okay!" Ang maikli at simpleng sagot niya.
"Okay?"
"Yes okay! Kumain na tayo."
Nagstart na kaming kumain.
Well, actually ay nag-umpisa ng kumain itong si midget dahil di katulad ko na may cast at benda ang mga braso kaya hirap na hirapa akong sumubo ng aking pagkain. Ang mahirap pa ay steak ang ulam namin na hindi pa nakahiwa kaya naging doble pahirap para sa akin.
"Oh bat di ka pa kumakain Zen? Ang sarap kaya ng food. Hmmm! Ang lambot ng meat at super juicy rin. Saktong sakto lang din ang seasoning. Atsaka diba favorite food mo ang steak? Sige ka baka ubusin ko lahat ang mga ito. Gutom na gutom pa naman ako."
Tila natakam ako kung paano kasarap siya kumain at sumubo ng kada hiwa ng steak na nasa plato niya.
Naramdaman ko ang paglalaway ng aking bibig at ang pagtunog ng aking gutom na sikmura.
Napalunok pa ako ng aking laway habang pinapanood ko siya.
Sinubukan ko namang kumaing mag-isa pero sa unang try ko ay dumulas lang ang knife para panghiwa ng steak.
Di naman ako nag give up kaagad kaya tinry ko pa ulit.
Ngunit isa,
Dalawa,
Tatlo,
Apat at hanggang sa di ko na mabilang pa kung ilang beses kong narinig ang pagtunog ng kubyertos na hawak ko kapag bumabagsak ito sa plato ko kasabay na rin masarap na pag-ungol ni midget sa tabi ko habang nilalantakan ang pagkain.
Hanggang sa sobrang inis ko ay sadyang binitawan ko na ang hawak kong kubyertos.
"Ugh damn it!"
"Zen! Ano ka ba! Akin na nga yan."
Parang natouch naman ang puso ko dahil tutulungan na ako ng aking mapapangasawa sa pagkain. Kung kaninang umaga ay humindi pa ako, ngayon ay di na ako magagalit pa dahil gutom na gutom na talaga ako.
"Salamat... Gutom na gutom na ako."
"Anong salamat ka diyan? Itatabi ko lang ang mga kubyertos at pagkain mo mukhang di ka naman kakain at nagdadabog ka lang. Atsaka sabi mo nga diba na kaya mong mag-isa lang na kumain."