I didn't know na ganto na pala kalaki ang damdaming ito na kinukulong ko lang sa aking sarili.
I just lost it. Di ko alam na darating ang araw na sasabog na lang ito.
Di ko napigilan ang sarili ko. Nakuha ko na namang umiyak sa harapan niya.
Maybe he's thinking that na napaka petty na naman ng reason ko at nag-iiyak na naman ako at nagagalit.
I just want to be alone for now.
Di ko na siya hinintay pa na magsalita. As soon as the car stops, I immediately get out of it at agad na pumara ako ng taxi.
Iniwan ko siya thinking na baka hahabulin niya ako at sasabihing naiintindihan din ang nararamdaman ko. Pero how? Paano niya rin ba mararanasan ito eh mukhang napaka perfect niya.
Itinago ko na lang ang umiiyak kong mukha ko at agad na sinabi sa driver ang company address para ihatid na niya na ako doon.
Wala pa mang limang minutong nakakatakbo ang sasakyan nang biglang malakas na pumreno ang taxing sinasakyan ko.
Muntikan pa akong mauntog sa lakas ng pagpreno niya.
"Manong! Hinay hinay naman kayo. Ano bang nangyari?" Ang tanong ko naman sa kanya.
"Sorry po sir. May kotse po kasing biglang humarang sa harapan natin." Ang narinig ko namang paliwanag sa akin ni Manong.
Sira ba ang utak nitong driver at hinarangan kami.
Nagcause tuloy ng traffic ang ginawa niya.
"Tok tok tok!!!" Nagulat naman ako nang may magkakatok ng malalakas sa bintana ng kotse na aking sinasakyan.
Agad kong nakita ang tila galit na mukha ni Zen. Dahil hindi naman ito tinted ay kitang kita ko siya.
"Buksan mo to." Ang narinig kong malakas na sabi niya.
"Sir kilala niyo po ba yan?" Ang tanong ng driver sa akin.
"Sorry po manong heto na lang po ang bayad." Ang sabi ko sabay abot sa kanya ng pera. Hindi ko na kinuha ang sukli at mabilis ko ng binuksan ang pinto ng taxi at bumaba.
Hindi pa man natutuyo ang mga luha sa aking mga mata at heto na naman siya at di ko malaman kung ano ang iniikot ng utak niya.
Nakakahiya na sa mga naapektuhan ng traffic kaya agad akong bumaba.
"What the hell are thinking! Let's go. Mag-usap tayo." Ang hila sa akin ni Zendo.
Nag-paubaya naman ako sa kanya pero di ako sumasagot sa mga pinagsasabi niya.
Imbis na sa restaurant dapat kami pumunta ay dumiretso siya sa company ko. Pagdating sa parking lot...
"Sorry."
I don't know what to say and how to look at him nang sabihin niya ang salitang ito.
"I'm sorry if I didn't consider you first. Don't worry sasabihin ko kaagad kina tita na wag na munang ituloy ang paglipat natin."
"Sorry din that I lashed out my pent up feelings to you. Nakakainis na kasi. Buhay ko nga pero parang wala akong sabi. Parang nakasulat na ang kwento ng buhay ko tapos mag-aact na lang ako base sa gusto niyo." Napatingin na lang ako sa aking dalawang mga kamay habang nilalaro laro ko ang mga daliri ko. Tumulo na naman ang mga luha sa aking mga mata.
"Mahirap bang gawin na itanong sa akin kung ano muna ang opinyon ko? Alam ko naman na gusto niyo ang best sa akin pero tinanong niyo rin ba ako kung gusto ko rin yon?"
Isang lumuluhang Oriol ang tumingin sa akin na may pilit na ngiti matapos niyang ibuhos ang mga bagay na kinikimkim niya.
Akala ko dahil nakikipagbangayan din siya sa akin sa mga bagay bagay at sa huli ay pumapabor din naman siya sa gusto ko ay akala ko gusto niya rin ito.
I think I became too selfish at ang sarili ko na lang na kagustuhan ang iniisip ko.
Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata. How can I make him cry like this.
Hindi lang siya ang nasasaktan kung hindi ako rin sa tuwing nakikita siyang ganito.
Kinapa ko naman sa bulsa ko ang panyo ko at pinunasan sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha.
"I'm so sorry... Don't cry please." Ang nasabi ko na lang sabay yuko dahil di ko talaga kayang tingnan siya ng ganto.
Napuno ng katahimikan dito sa loob ng sasakyan. Minabuti ko namang abutin ang kaliwa niyang niyang kamay at hinawakn ko ito.
Hinaplos ko siya na para bang sinasabing patawarin niya ako at susubukan kong gawin ang gusto niya in the future.
"L-late na ako. I should go now." Ang huling sabi niya naman sabay bitaw ng kamay ko bago siya umalis at iniwan ako dito.
*****
"Sir baka kailangan niyo ng day off at wala kayo sa mood. Lutang na lutang tayo." Ang parinig ni Cheska sa akin.
Paano kasi ang mga pinapipirmahan niya kanina imbis na sa taas ng pangalan ko dapat ilagay ang pirma ay sa pinaka center ng mga documents
"Di naman po tayo busy ngayon. Wala po kayong scheduled meetings and kakatapos lang ng isa nating project a week ago. I think deserve niyo nga ang isang day off sir."
"Sa tingin mo?" Ang tanong ko sa kanya na para bang nagdadalawang isip ako kung uuwi na nga lang ako at magpapahinga.
"Yes sir! Kaya tumayo ka na diyan and maglalunch pa lang so marami pa kayong oras para magrelax." Tila atat na atat talaga akong pagrelaxin ni Cheska today so I just grabbed it. Maybe I needed this talaga.
Nang nasa baba naman ako ng parking lot at papalapit na sa car ko ay napansin ko na naman ang isang pamilyar na tao.
Nakasandal siya sa unahan ng kotse.
Hindi ba siya nagtrabaho o mabilis lang siyang dumiretso dito? At bakit gantong oras? Alam niya ba na uuwi na ako at aalis ngayon?
"Let me drive you home. Someone said that you're not feeling well today." Ang sabi ni Zen sa akin.
Parang may nag-iba sa tono ng pananalita niya at umamo ito ng kaunti.
Pagod na makipag-usap sa kanya at sa mga nangyari kaninang umaga ay tinanguan ko lang siya bilang pagpayag sa alok niya.
*****