****
Matapos akong ihatid sa bahay ni Zen noong araw na iyon ay agad din siyang umalis matapos magpaalam sa aking mga magulang at sa akin.
Humilata lang ako sa aking kama at nakatitig lang sa aking bintana. Parang nablangko ang aking isipan. Nawala ang lahat ng mga tumatakbong bagay dito. Sa ganitong akto ay nakatulog ako.
Kinabukasan, supposedly ay lilipat na dapat ako today sa magiging bahay namin ni Zen. Although I'm still not a hundred percent approve of their decision ay dun at dun pa rin naman mapupunta ang sitwasyon namin.
It's just that it is too sudden for me.
Simula ng araw na ito hanggang sa lumipas ang isang linggo ay ni anino ni Zen ay di ko nakita. Wala akong anumang natanggap na pagpaparamdam mula sa kanya. Ni isang tawag o text message ay wala.
Nawalan na rin ako ng time para isipin pa ito dahil naging busy na rin ako sa pagpeprepare sa celebratory party ng aking company.
I will be lying if I will say that hindi ko siya hinahanap.
Tila ang naging ganap pa ngayon ay parang siya pa ata ang nagtatampo sa akin.
Hindi ko rin naman siya kinumusta dahil na rin siguro sa pride ko.
"Sir, di pa ba kayo uuwi? Late na po and ready na rin po ang lahat para sa party tomorrow. Magrelax na po kayo sa bahay niyo para maenjoy natin ang party tomorrow."
Agad kong tiningnan ang watch ko. Alas nueve na pala ng gabi. Kailangan ko na ngang umuwi. Gabing gabi na pala at di ko man lang din ito napansin.
"You're right. I should go now. Umuwi na rin kayo katapos niyo diyan, okay."
"Yes sir. Ingat po."
"Sige. Ingat din kayo." Ang paalam ko sa aking sekretary at sa iba ko pang mga staff na natira pa para plantsaduhin ang lahat para bukas.
Bumaba na kaagad ako ng building at dumiretso sa kotse na nakapark sa ground floor.
Pinaandar ko na kaagad ang sasakyan para makauwi na ako.
Sa gitna ng aking pagmamaneho ay nagring bigla ang aking cellphone.
Rumehistro kaagad ang pangalan ng mama ni Zen.
Agad ko naman itong sinagot.
"Hello po tita." Ang bungad na bati ko sa kanya. Nagtaka naman ako at napaisip kung ano ang kailangan ni tita at napatawag siya sa akin.
"Hello Oriol? Can you go straight here sa bahay?" Ang tila may pag-aalala sa tinig ni tita.
"B-bakit po tita? Ano pong nangyari?" Ang tanong ko naman sa kanya.
"Uhm can you just go straight here at dito ko na lang sasabihin?"
Wala man akong ideya kung bakit, ay sinagot ko pa rin si tita na pupunta ako.
"Sige po. On the way na po ako. I'll be there in 30-40 minutes po."
"Sige, ingat sa biyahe."
"Okay po sige."
Agad naman akong nag-iba ng direksyon para makapunta ng diretso sa hacienda nila kung saan ako pinapapunta ni tita.
"Ano kaya ang kailangan ni tita at pinapapunta niya ako?" Ito lang ang tanong na umiikot sa isip ko habang nasa biyahe ako.
Nang malapit na ako sa kanila ay tsaka lang nagsink in sa akin na baka tungkol ito kay Zen.
Pagkadating sa kanila ay agad akong bumaba ng aking sasakyan. Mabuti na lang at wala ang mga aso ni Zen dito sa loob.
Agad kong nakitang si tita.
"Magandang gabi po tita." Ang bati ko sa mama ni Zen.
"Sorry hijo at gabing gabi na ngayong pinapunta kita dito sa amin."
"Okay lang po tita. Si tito po?" Ang tanong ko naman sa kanya para makapagbigay galang man lang ako at mabati siya ngayong dumalaw ako.
"Ah wala siya dito ngayon. May business trip sa Singapore. Sa susunod na araw pa ang balik non."
"Ah ganun po ba? Eh ano po pala ang kailangan niyo at pinapunta niyo po ako dito."
"Ah kasi..."
"Maaa!" Ang malakas na boses na nagmula sa may bandang guest room nila dito sa baba.
Agad akong napatingin sa pinagmulan nito at bumungad sa akin ang isang Zendo na may benda sa kanyang magkabilaang kamay at braso at sa kanyang noo. Hindi lang iyon dahil nakasaklay lang din siya habang naglalakad papunta sa mama niya. Ngunit agad din naman siyang napatigil nang makitang nandito ako sa sala ng bahay nila.
"Z-zen." Ito lang ang naibigkas ko ng makita ang itsura niya ngayon. May mga galos ang kanyang katawan at hirap maglakad.
Ito ba ang dahilan kung bakit isang linggo siyang walang paramdam sa akin?
Bakit hindi ko man lang nalaman o di niya man lang ako sinabihan sa nangyari sa kanya?
"A-ah hijo. Yan ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito. Zendo had an accident last week noong araw na nanggaling siya sa inyo. Ayaw niya ngang ipaalam sayo ang nangyari but I insisted na kailangan mong malaman ang kalagayan niya."
"Ma! I thought we came to an understanding na di mo na sasabihin sa kanya ang nangyari sa akin? Tsk! I'll just get some water. Hey midget. You can go home now. I'm okay. It's nothing serious."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Masasaktan ba ako kasi parang di niya ako kailangan? Matutuwa at maantig ang damdamin kasi ayaw niya akong mag-alala sa lagay niya ngayon?
"Zen! Gabi at bumiyahe ng matagal si Oriol para pumunta lang dito tapos pauuwiin mo lang! Hijo if you want you can stay here at samahan si Zendo sa guest room na room niya muna pansamantala ngayon habang di pa siya maayos na nakakapaglakad dahil sa pilay niya sa paa."
"S-sige po tita." Ang nasabi ko na lang.
"Iwan ko muna kayong dalawa at matutulog na ako. Oriol ikaw na ang bahala kay Zendo ah. Naging bugnutin ng slight yan kaya pagpasensyahan mo muna okay."
Parang may malamig na hangin naman ang dumaan sa malaking espasyong pagitan naming dalawa ni Zen.
Nakatitig ako sa kanya ngunit mabilis lang siyang naglakad papunta sa kusina nila.
Hindi ako pinansin o nilingunan man lang.
Bakit parang sumakit ata ang dibdib ko bigla?
*****