Chapter 7

1121 Words
***** Nakaupo ako sa gilid ng man-made lake at umiiyak. Yakap yakap ang dalawa kong binti at nakapatong ang ulo ko sa pagitan ng mga ito. I don't know what to do. Paano na ba ako magmomove on from this reality? Kailangan ko na bang magact as a guy and dress like one because ganon naman talaga ako. I just let the tears stream down my face. Hindi ko na rin inalam kung ilang oras na ba akong nakaupo dito at nakatingin lang sa tubig ng lawa. Sa pagkakaupo ko naman ngayon dito ay di ko alam na may bagay pa palang babagabag sa akin. This lake is a spot for couples. Suddenly, naisip ko si Zen. Zen is such a great guy. Everybody would love to be with him. Paano na ako? Paano na kami? Muli na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ang ibang magkakasintahan ay napapatingin na rin sa akin. Mabilis kong inalis ang headband na suot suot ko at inilugay ang mahaba kong buhok at tinakpan ang umiiyak kong mukha. I'm not a girl so how can I be with Zen now? I like him and everyday my love for him grows bigger. Will he still protect me from the bullies kapag na laman niya ang condition ko? Sa sobrang frustrate ko ay tinapon ko ang favorite kong headband sa lake at nagsisigaw ako. I don't care if maisip nilang nababaliw na ako. Hindi malayo dahil sa nararanasan ko ngayon. Matapos ko itong itapon ay mabilis akong umalis sa lugar na iyon. If I am truly a man then let it be. Mabilis kong hinanap ang sasakyan namin at sumakay ako dito. Sinabihan ko ang driver namin na iuwi na ako. Sa pagpasok ko sa bahay ay nag-aalalang sinalubong ako nina mom at dad ngunit di ko pa sila kayang harapin ngayon. Ako ay patakbong umakyat sa taas namin at nagkulong sa aking kwarto. Narinig ko pang nagkaka-katok ang mga magulang ko at sinasabing kausapin ko daw sila. Ngunit di ko pa talaga kaya. Lumipas ang ilang minuto at huminto rin sila. Marahil naintindihan nilang kailangan ko pa ng oras para matanggap ang katotohanang bumagsak sa akin ngayong araw. Humiga ako sa aking kama at nagtalukbong ako sa aking kumot. Dala na rin ng pagod ko sa kakaiyak ay nakaidlip ako. Ngunit nang ako ay magising... Tila wala talaga ako sa sarili at di ko pa makolekta ang thoughts ko. Ako ay tumayo at binuksan ang drawer ko. Nakita ko ang gunting at kinuha ko ito. Wala sa sariling ako ay dumiretso sa aking banyo at humarap sa salamin. Nakita ko ang aking sarili. Mukhang babae pero hindi tunay na babae. Maga ang aking mata at tila walang buhay ang mga ito. Mabilis kong dinala ang gunting at hinawakan ang pinakaiingatan kong mahabang buhok at sa paglabas ko ng banyo ay handa na ako para harapin ang katotohanan at mabuhay sa realidad. Ibig sabihin ay noong araw pa lang nalaman ko ang katotohanan sa aking kasarian ay alam na rin ni Zen? Ibig bang sabihin ay sinundan niya ako at nakita ang lahat ng pinaggagawa ko noong nag-iiyak ako sa lake sa park? Aaminin kong may kung anong humaplos sa damdamin ko na nagawa niyang lumusong sa tubig para lamang makuha muli itong headband na tinapon ko. Iningatan niya rin at hanggang ngayon ay naririto pa rin. Simula ng malaman ko ang aking tunay na kasarian ay nagbago talaga ako sa aking ugali at pakikitungo kay Zen. Madalas na akong makipagbangayan sa kanya yun nga lang ay lagi akong talo pero di pa pala ako nakakapagpasalamat sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. Kung paano niya ako tinanggap at sinamahan sa pagtatransition ko bilang isang lalake. Kahit na wala siyang pake ngayon sa akin at ang atensyon niya ay nasa librong kanyang binabasa ay kusang gumalaw ang aking mga paa palapit sa kanya. Ako ay umupo sa tabi niya at dinampian ko siya ng isang halik sa kanyang pisngi. Sa ganitong paraan man lang ay maipadama ko sa kanya na napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya sa pagtanggap at sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa akin simula pa lang noong mga bata kami. Alam kong may gusto si Zen sa akin at di niya yon itinanggi. Hindi pa man namin nasasabi ang I love you sa isat isa ay ramdam ko naman ito sa mga gawa niya. "Thank you Zen. Salamat sa lahat." Ang sabi ko sa kanya na ikinabigla naman niya ang kakaibang ikinilos ko at ang paghalik ko sa kanyang pisngi. Siya ay humarap sa akin. "If you want to properly thank me. Kiss me on the lips." Ang hindi na nakakabiglang sagot nito sa akin. He was my first kiss and maging siya rin ay ako ang first kiss niya pero never in our kisses na ako ang naunang manghalik sa kanya but this time maybe I could do it for a change and tutal ay malapit na rin kaming ikasal. Without hesitation ay mabilis kong pinagbigyan ang kahilingan niya. Idinampi ko ang aking labi sa kanya. Ngunit kita ko naman ang pagkabigla sa kanyang mga mata sa kadahilanang nanglaki ang mga mata nito. Ako naman ay napangiti dahil first time that I saw this kind of reaction from him. We're both inexperience in this kind of thing pero sumabay na lang kami sa flow. It's like there is music playing at nag-umpisa ng gumalaw ang kanyang mga labi at siya ang nagdala nito. Sinabayan ko siya. Parang dalawang magkaparehang nagsasayaw lang sa isang musikang tumutugtog. Our kiss ended with me blushing with the realization that I really kissed him first at siya naman ay tila may ngising nakaukit sa kanyang mukha. Akala ko ay matatapos na ito ngunit nakita kong mabilis niyang ibinaba ang kanyang binabasang libro at agad siyang pumaibabaw sa akin. Ako ay nabigla at di ko alam kaagad kung paano ako magrereact. Ang robe pa naman niya ay parang naaalis na ang pagkakatali at kita ko na ang maskulado niyang katawan. Akmang hahalikan na niya muli ako at tila aabot pa ata sa maagang honeymoon ang gabing ito nang mabilis ko siyang pinigilan. "W-wait Zen s-stop!" Ang pagpipigil ko sa kanya habang hinahalik halikan naman niya ang aking leeg. Hindi naman siya nakinig sa akin at mukhang gusto niya talagang ipagpatuloy ito. "Zen!" Ang malakas kong sigaw sa kanyang pangalan at tulak ng kanyang katawan paalis sa akin. Tila nahimasmasan naman siya sa kanyang ginagawa nang makita niya ang aking mukha. May pagsisi akong nakita sa kanya pero bago ko pa siya marinig na humingi ng sorry ay... "Let's wait until our wedding." ani ko sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD