Chapter 6

1097 Words
Natapos akong maligo at heto ako ngayon suot ang mga pinaglumaan niyang mga damit. Saktong sakto naman ang mga dati niyang damit sa akin except for the underwear. Napaka uncomfortable sa feeling. Nakita ko naman siyang nakahiga na sa kabilang parte ng kwarto niya at nagbabasa ng isang libro. Habang ako naman ay dahil ayaw ko pang humiga at tumabi sa kanya ay naisipan kong libangin ang sarili ko. At ang naisipan kong gawin ay tingnan ang mga bagay bagay dito sa dati niyang kwarto. Sa paggagalugad ko sa kwarto niya ay agad na nahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na bagay.  "Zen! Paanong nasayo pa to?" Ang biglang tanong ko naman sa kanya nang mahawakan ko ito at makompirma na ito nga ang isang bagay na naging paborito ko one point in my life but I ended up throwing it somewhere because of a certain reason. Agad kong tiningnan ang busy na busy-ng si Zen at naghihintay para pansinin ako at sagutin ang tanong ko. "Zen!" Ang muling tawag ko sa kanyang pangalan. "What! Can't you see that I'm reading here." Ang inis niyang sagot bago tumingin sa akin at balik din kaagad sa pahina ng librong kaniyang binabasa. Nakakainis talaga na palagi niya na lang ako gantong sagutin sa mga tanong ko. Hindi naman siya ganto dati. "I just picked it somewhere." Ang naging sagot niya naman. Pero I don't believe him. Paanong picked it picked it somewhere eh tinapon ko ang hairband na ito sa isang lake sa isang park na madalas na pinupuntahan ko non. I vividly remember that because that was the day na talagang bumago sa buhay ko. That was after I graduated in high school... when I was still a girl. I have a secret na kami lang ni mama at papa ang may alam simula ng tumuntong ako ng high school. Hindi ako dinadatnan ng menstruation ko and sa edad na 12 ay halos ng mga kaibigan ko at kaklase kong mga babae ay nagmemens na. Akala ng mga magulang ko ay baka talagang late lang ako but years after years hanggang sa nakuha ko na ngang grumaduate ng high school ay di pa rin ako dinatnan. I became so afraid of what is happening to me o baka may problema na sa akin at may malubha akong sakit. Although madalas akong sabihan ni mama na magpacheck up sa doctor ay pilit akong umaayaw kasi naman ay may takot ako. When I was a child I was hospitalized at habang nasa hospital ako ay may nakilala akong kaibigan doon si Moira. We became close friends until one day hindi ko na siya nakita pa sa room niya. Namatay na pala siya that day because of cancer. Hindi ko man napansin na may malubha siyang sakit dahil napaka masayahin niya at palangiti rin. Nalagas na pala lahat ang kanyang buhok at peluka na lang pala ang kanyang suot. Nakakalungkot lang dahil sa tuwing magkakausap kami ay lagi niyang pinupuri kung gaano kaganda raw ang buhok ko. Sobrang nalungkot ako and that's when I started to get afraid of going to the hospital. Laging si Moira ang naiisip ko. So, not until I was seventeen na ng naglakas loob akong magpacheck up na nga kasama si Mama. Pinapunta na lang ang doctor sa bahay namin but because kailangan kong mag undergo some tests ay kinailangan ko ring pumunta sa hospital. I was so scared pero buti na lang at nandiyan si Mama at papa at sinamahan nila ako. Di nila ako iniwan through out the process. Dahil ako nga lang ang only girl na anak nila ay sobrang caring nila sa akin. Until after a few days ay lumabas na ang resulta ng mga exam na ginawa sa akin. Kami ng aking pamilya ay nakaupo sa aming sala at hinihintay na sabihin ng doktor kung ano nga ba ang nangyayari o mali sa akin. "Uhmm Mrs. Rosella and Mr. Dante, based on our result, ang lumalabas ay may condition na tinatawag na hermaphroditism ang anak niyo o mas kilala sa tawag na intersex sa mga tao. Siya ay may parehong male at female s*x organ pero napagkamalan lang natin siya bilang isang babae dahil ang external organ niya ay ang sa babae but internally your child is really a man. That's why this is the reason na hindi pa siya dinadatnan ng kanyang mestruation sa kanyang edad. Another thing is mapapansin din natin na walang growth sa kanyang mga dibdib. Lastly based on our lab result is mas mataas ang testosterone niya sa katawan. I just also wanna add is that mag-sstart ng magkaroon ng pagbabago sa kanyang katawan at isa na dito ay ang unti unting paglalim ng kanyang boses. Ang mapapayo ko lang sa inyo ay you should try to accept this gradually." Marami pang ibang bagay na sinabi ang doctor sa amin pero hindi ko na naintindihan pa ang ilan sa mga ito. Ang tumatak lang sa akin ay hindi ako tunay na babae. All my life I am living the life na hindi pala akma sa kasarian ko. Gulong gulo ko. Because of a lot of emotions ay hindi ko na napigilan ang sarili kong iwan ang bahay namin at tumakbo na lang palabas ng bahay. Sobrang wala ako sa aking sarili at umiiyak lang ako habang tumatakbo na para bang gusto kong takasan ang realidad at katotohanang sumampal sa akin. And one thing na talagang gumulo sa aking isipan ay paano na lang ako tatanggapin ni Zen. I know that nakalaan na kami sa isa't isa. Mga bata pa lamang kami ay sinabihan na kami ng plano nila na ipakasal kaming dalawa. I admit that I like Zen simula noong bata pa kami and I was so happy nang malaman ko na ikakasal kami balang araw. Even Zendo said to me when we we're young na pakakasalan niya ako kahit na mga bata lang kami noon at wala pang mga muwang. Tinanggap namin ng buo sa aming mga puso ang plano nila sa amin. Pero mukhang mawawasak na ng tuluyan ang pinapangarap ko dahil sa balitang ito. Will he accept me? Pakakasalan niya pa kayo ako kapag nalaman niya ang tunay ko na kasarian? Na hindi rin siya magkakaanak sa akin dahil itong ari ko ay wala naman talagang silbi? I cried and cried. Nagpadrive ako sa aming driver at pinagdrive ko lang siya at ng makarating kami sa pinaka malapit na park sa amin. Bumaba ako at doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit at frustrations na aking nararamdaman. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD