Chapter 5

1090 Words
***** Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa isang kwarto dito sa napakalaking mansion ng pamilya Alberto. Kaming dalawa ni Zen ang magkatabi dito sa gitna ng 3 part sofa set.  I don't know why are we still having this eh sa katunayan ay plantsado na naman nila lahat ang magiging kasal namin. Mabuti na lang talaga at hindi ganoon ka big deal sa akin ang magiging motif at kung gaano man magiging kagarbo ito. Mukhang ganoon din si Zen at pareho kami ng sentimyento sa bagay na ito. "So, Zendo and Oriol may napili na kaming wedding planner at tiniyak namin na siya ay one of the best wedding planner in town..." And heto na nga. Hindi na tumigil sa kakatalak sina mama at si Tia Damyta. Halatang mas excited pa sila sa aming dalawa ni Zen. Samantalang ang mga ama naman namin ay nagdidiskusyunan ng ibang bagay. See, I don't see the point of having this conversation with them eh halos sila lang naman ang excited at sayang saya sa mangyayaring kasalan. "Tia, Mama." Ang narinig ko namang pagtitigil ni Zen sa mga mama namin. Pero maging sina Tio na umiinom na ng alak ay napatigil din at napatingin kay Zen. Sorry sa mga nakakahiya naming parents. Agad na nag-ayos ang mga magulang namin at hinintay ang kung ano mang sasabihin ni Zen. Maging ako rin ay napatitig sa kanya at naghihintay rin sa mga salitang kanyang bibitawan. "I know that you like the idea of a grand wedding but I think we should keep it normal and simple. Only with the families and close friends." Did he read my mind? "O-oh okay." Ang matipid na naging sagot naman ng aming dalawang ina. Halatang di handa sa naging sabi ni Zen. "I think we should go now and take a rest. Kayo na po ang bahala sa kasal namin. I promise that I will take care of your precious son tio at tia." Ang biglang tayo at sabi na lang sa aking mga magulang. Di naman ako nakapagsalita sa kanyang mga binitawang salita. Nagbibiro ba siya or seryoso? But I know that hindi mahilig magbiro ang isang Zendo Alberto. "Ah sige. Nakahanda na yung room sa taas. Magpahinga na muna kayo." Ang naging awkward na sagot naman ng aming mga magulang. Agad namang hinawakan ni Zen ang aking kamay at hinila ako patayo. Nginitian ko na lang ang aking mga magulang bilang pagbibigay galang sa pag-alis namin kaagad. "Zen... Saan tayo pupunta?" Ang tanong ko sa kanya habang hawak hawak niya pa rin ang aking kamay at nakasunod lamang ako sa kanya. Kami naman ay umakyat sa kanilang magarbong hagdan. Kitang kita mo ang kinang ng kanilang mansion lalo na ang malaking chandelier na nakalambitin sa gitnang parte ng kanilang bahay. "We're going to my room." Ang naging maikling sagot niya naman. Ako naman ay biglang kinabahan at bakit niya ako dadalhin sa kanyang kwarto. Ano na lang kaya ang binabalak niyang gawin sa akin. Naglakad kami at tumungo sa pinaka dulong silid ng hallway dito sa taas. Natatandaan ko po noong mga bata kami ay madalas din akong pumunta sa silid niya para makipaglaro. Pero hindi naman nila ako sinasali dahil daw baka masaktan ako lalo na at lampa lampa ako noong bata ako. Paano naman kasi ang nilalaro nila ay wrestling wrestling-an o kaya naman baril barilan. Kaya naman nanonood na lang ako kapag naglalaro sila. Madalas tambay ako sa kwarto niya. Pero simula ng grumaduate na kami ng college at siya naman ay nagtrabaho na sa kanilang kompanya ay kinailangan na niyang magpatayo ng bahay sa ibang lugar na mas malapit sa work niya. Ako rin ay naging busy na kaya di na rin ako nakakapunta pa dito sa mansion nila. Binitawan niya lang ang kamay ko ng kami ay nasa harapan na ng pintuan ng kwarto niya para buksan ito. At sa pagbukas nito ay tumambad naman ang pamilyar na pakiramdam. Gantong ganto ang feeling ko noong nakakapasok ako sa room niya dati. "Do you want to take a shower first o mauuna na ako?" Ang tanong naman niya sa akin habang nakaupo ako sa bed niya. Agad naman akong napatingin sa ibang direksyon nang makita ko siyang nakatingin sa akin at naguumpisa na pa lang hubarin ang pang-itaas niyang damit. "Una ka na." Ang agad ko na lang na naisagot sa kanya. "W-wait!" Ang agad ko namang pagpipigil sa kanya bago pumasok ng banyo dahil may gusto lang akong itanong sa kanya. "Ba-bakit pala nandito rin ako sa room mo?" Ang takang tanong ko sa kanya. Wag mong sabihing dito rin ako matutulog kasama siya eh andami nilang mga rooms pa dito sa mansion nila. "Talaga bang di mo alam ang sagot sa tanong mong yan midget?" Ang naging sagot niya lang sa akin. Wow thank you! Napaka informative non at nakuha ko ang gusto kong makuhang sagot sa tanong ko. Yeah. I think we're both gonna stay here in his room tonight. Humiga na lang ako sa kama at ayaw ko na lang siyang sagutin pa sa naging sagot niya dahil tiyak naman na ako rin ang matatalo sa huli. At narinig ko na lang ang tunog ng shower mula sa kanyang banyo. Hay... This is it na nga. Ikakasal na ako kay Zen. I actually don't know how to feel now. Napatingin na lang ako sa kisame ng room niya at parang nakatingin ako sa kawalan. Nagtagal ito ng napakahabang sandali hanggang sa natapos na nga si Zen sa pagligo niya. "I'm done. Pinag-init na rin kita ng tubig doon sa tub para marelax. There's a spare towel na rin sa loob para gamitin mo and magtiis ka na muna sa mga pinaglumaan kong clothes. Sa tingin ko ay kasya mo naman ang mga yon." Ang sabi niya sa akin pero dahil parang nasa kawalan nga ako ay di ko narinig lahat ang mga sinabi niya sa akin. "Hey, midget! I said go shower now." Ang malakas naman niyang sabi sa akin na agad naman akong napaupo sa kama niya and to my surprise... I saw his body in a robe na bukas ang sa may dibdib niya at dumadausdos pa talaga ang ang tubig sa katawan niya while drying his hair. Agad ko namang naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi at bigla bigla na lang akong dumiretso sa banyo at binuksan ko agad ang shower. "Hey! You still did not remove your clothes!" Ang narinig ko na lang na sabi niya. Ay tanga! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD