Chapter 4

1055 Words
***** Now let's continue sa family ni Zendo. Franco Alberto - (78) ang pinaka namumuno sa kanilang angkan. Siya ang may 75% na dugong espanyol at isinilang at lumaki sa espanya. Ngunit ng dahil sa gustong makilala sa larangan ng pagnenegosyo ay kinailangan niyang mangibang bansa. At napadpad na nga siya sa ating bansa na kung saan nakilala niya si abuela Cristina (75) na talaga namang bumihag sa kanyang puso. Purong Pilipina si abuela at sobrang ganda niya. Kahit na ngayon sa kanyang edad ay tila mas gumaganda pa siya. Alam ko ito dahil dito sa kanilang sala ay ang mga larawan nila na nakasabit. Mga portrait pa at talagang luma na. Hindi naging madali ang panliligaw ni abuelo kay abuela kasi daw ay ibang iba ang panliligaw sa Pilipinas. Dahil talagang nabighani siya kay abuela Cristina ay nakuha niya pang mag-aral ng ating lenggwahe upang mas madali silang magkaunawan. Sa katagalan ay nagkatuluyan din sila at nagkaroon ng anim na anak at sila ay sina... Alberto Alberto at ang kanyang kakambal na si Alejandra (44) sila ang tio at tia ni Zendo. Parehong may sarili ng pamilya at pareho ring may tatlong anak. Sumunod ay si tia Almira (42) isang dentista at may sarili na ring pamilya. Dalawa ang kanyang anak. Ang ikatlong anak nila ay si Rowena at Lorena (41) ang ikalawang pares na kambal na anak nila. Sila ay kilala sa kanilang business na kung saan kine-cater nila ang mga needs ng mga babies. Dumagdag pa sa kasikatan ng kanilang negosyo ng sabay pa silang magbuntis. Sila ay parehong may tig-iisang anak. At ang bunso ay si tio Zito (40). Sa pagkakaalam ko ay si tio ang pinaka pasaway sa kanilang magkakapatid dahil siya raw ang bunso kaya halos pinapatawad siya palagi sa kanyang mga nagagawang mali. Kahit anong bawal daw nila rito sa kanya ay lumalabas pa rin ang pagiging pagkapasaway nito. Siya ay nagtino lang daw ng dumating ang panahong sa edad niyang 17 ay nakabuntis na siya kaagad. Dito na nagbago ang buhay ni tio. Kahit na nagalit sina abuelo at abuela sa kanya at ang kanyang mga kapatid ay wala silang nagawa kung hindi ang tanggapin nalang ang nangyari. Pero mas nakabuti pa ito dahil parang nagkaroon daw ng purpose ang kanyang buhay. Ang pagbibiro pa nga nila kapag nahahalungkat ito sa usapan eh "Paanong di mag-aayos sa buhay eh anak pala ng heneral ang nabuntis!". Tama kayo, ang mama ni Zendo na si tia Damyta ay anak ng isang heneral noong nabuntis siya ng papa ni Zendo. Si Zendo ang panganay sa magkakapatid at ang mga sumunod sa kanya ay sina Serena (16) at Nataniel (10). Ayan na ang pamilya naming dalawa. "Susita, ilabas na ang mga pagkain!" Ang narinig naming utos ni Abuelo kay Susita na mayordoma nila. Isa isa namang nagsilabasan ang kanilang mga kasambahay na dala dala ang napakaraming pagkain. Para tuloy naging isang fiesta sa dami ng pagkaing pinahanda nila. Kami ngayon ay kasalukuyang nakaupo na. Katabi ko si Zen na aking "mapapangasawa". Sa aming harapan ay aming mga abuelo at abuela at sa magkabilaang gilid naman namin ay ang aming mga magulang. I can't believe this. Hanggang ngayon ay di pa rin nagsisink in sa akin ang pangyayaring ito. Why do they need to make this like a big celebration? Isa isa ng inilalapag ang mga pagkain sa aming mga harapan ng magsalita si abuelo Franco. "Nieto, kailangang maging magarbo ang magiging kasal ninyo. Matagal na naming hinintay ito. Matanda na kami ng abuela mo kaya ang gusto namin ay ibigay sa inyo ang pinakamagandang kasalan katulad ng mga kuya at ate mo." Ang sabi ni abuelo Franco kay Zen. Kasi naman lagi nalang ganto. Ang mga pinsan din kasi ni Zen na nauna ng ikinasal ay binigyan din ng kanya kanyang magagarbong kasalan. At ang lahat ay sagot ni abuelo. "Abuelo si enana kasing ito ang dahilan kung bakit ngayon pa lang kami ikakasal. Pagalitan niyo siya dahil sa laro laro niya." "Argh!" Ang biglang mahinang sigaw naman ni Zen ng kuritin ko siya sa kanyang tagiliran. Bakit ba kasi binabalik niya pa yung nakaraan. "Oh nieto napano ka?" Ang takang tanong naman ni abuela Cristina nang marinig nila si Zen. "Ito po kasing magiging esposa ko kinurot ako. Di pa nga kami kinakasal eh nananakit na kaagad." "Zen!" Ang galit ko namang bigkas ng kanyang pangalan sabay panlalaki ko ng matang tingin sa kanya. Ano ba tong pinagsasabi niya sa harapan nina abuelo at abuela? Sinasadya niya bang pahiyain ako? "Naku mama, papa hindi pa man sila kinakasal mukhang di na sila makapaghintay pa. Naghaharutan na kaagad sila." Ang biglang singit naman ni mama. "Hahah oo nga amiga mabuti nalang at agad nating naplano ang kasal nila." Ang sagot naman ng mama ni Zen sa mama ko. Magkasundong magkasundo talaga ang dalawa at tatawa tawa pa. "Kumpadre mukhang magiging opisyal na talaga tayong magkapamilya sa kasal ng ating mga anak." Ang narinig ko namang sabi ni tio Zito kay papa. "Oo nga kompadre! Hindi na ako makapaghintay. Bigyan niyo kami ng maraming apo Zendo at Oriol. Zendo umaasa ako sayo ah." Ang narinig ko pang dagdag ni papa na nagpapula sa akin. Paanong magkakaroon kami ng anak at mabibigyan namin sila ng apo nang hindi naman ako pwedeng magbuntis? Heto namang si Zen talagang hindi na nahiya at sinagot pa si papa. "Huwag po kayong mag-alala papa. Agad po namin kayong bibigyan ng anak niyo ng apo." Ang sagot pa niya sa aking papa na naging hudyat naman para maghiyawan ang lahat. Mula sa aming mga abuelo at abuela hanggang sa aming mga magulang pati na rin sa aming mga tio, tia at mga pinsan kahit na mga bata pa na di naman alam at naiintindihan pa ang dahilan kung bakit masaya silang lahat ay nakisali na rin sila sa pakikipaghiyawan. Sa tagal ko ng parte ng pamilyang ito ay parang di pa rin ako nasasanay sa mga ganitong okasyon. "Magsikain na muna tayong lahat at ng mamaya at masinsinang mapag-usapan ng dalawang pamilya ang magiging kasal ng aking nieto Zendo at nieta Oriol." Yan ang naging anunsyo ni abuelo bago namin nilantakan na ang mga masasarap na pagkain sa aming harapan. ***** Some terms are in spanish. Ni-google ko lang ang mga ibig sabihin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD