Chapter 3

1040 Words
***** Sa pagpasok namin sa loob ng kanilang bahay ay di ko namalayan na napahigpit nalang ang hawak ko sa kanyang braso. This familiar feeling na kaba sa tuwing papasok ako sa kanila ay bumalot muli sa aking buong katawan. And in a few seconds dumating na nga ang kinatatakutan ko...  "Arfff arfff arff!!!" Sunod sunod na tahol ng mga alaga nilang aso. Parang naamoy nila na dumating na si Zen at kumaripas sila ng takbo papunta sa kinatatayuan namin. Habang ako naman ay nagsimula ng mataranta at di malaman ang gagawin. "Zen!!! Zen ahhhhh!!! Ilayo mo sila sa akin! Ahhhhh. Zen!!!" Ang taranta kong pagsisigaw at parang lumukob nalang ang instinct ko at naghanap ako kaagad ng mataas na lugar na maaakyatan. "Arrfffff arfff arfffff!" Patuloy naman sila sa pagtahol habang itong si Zen ay wala namang ginawa kung hindi pagtawanan ako habang siya naman ay umupo at sinalubong ang kanyang mga alagang aso. Ako ay nakaakyat sa kanilang sofa at dito ay takot na takot akong naghihintay para paalisin niya ang mga ito. Pero...  Heto na si n***o ang nag-iisang aso niya na pinaka kinatatakutan ko. Siya ang pinakamalaki sa lahat ng kanilang mga aso. Nilagpasan niya lang si Zen at sa akin siya dumiretso. "Ahhhhh Zen si n***o! Ahhhh Zen!!!!" Ang takot na takot kong sigaw sa pangalan ni Zen. When we we're young kasi ay nakagat lang naman ako ng isang black na aso habang nakikipaglaro ako dito. Eversince that time takot na akong lumapit sa mga ito. Nanigas nalang ako sa takot at di na ako muling nakapagsalita dahil unti unti ng lumalapit sa akin si n***o. "Arfff arfff arfffg!" Patuloy ang kahol nito sa akin habang patalon talon pa ito. Napapikit nalang ako dahil baka ilang sandali nalang ay sa akin na siya lumundag dahil tiyak kong kayang kaya niyang talunin ang kinalalagyan ko dahil na rin sa laki. "n***o! Stop that! Eddie take all the other dogs away for now." Ang narinig kong utos ni Zen kay Eddie. Unti unti ko naman minulat ang aking mga mata at nakita kong kinuha na ni Zen si n***o sa harapan ko. "n***o stop doing that to midget! What if he dies of heart attack at di pa kami kinakasal? Go play nalang muna sa labas okay." Ang tila pakikipag-usap niya kay n***o. Para naman akong nabunutan ng tinik at kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga dahil kay n***o kaya naman para akong hinihingal ngayon. Lumapit siya sa akin. "Are you okay? I thought you said that you are a man and yet si n***o lang yon ay kinatatakutan mo na?" Ang tila pang-iinis pa niya sa akin. "Can you please stop! Alam mo namang may trauma ako sa dogs and you still let your dog wander here iniside your house!" Ang galit kong turan sa kanya. Nasa gitna kami ng bangayan namin ng may narinig kaming nagsalita. "Mi nieto y nieta!" Ang narinig naming sigaw sa amin kaya naman agad kaming napatingin kung sino ito. "Abuelo!" Ang naisigaw ko naman ng makita ko ang lolo Rico ko na narito sa bahay nina Zen at di siya nag-iisa nakita kong isa isang nagsisilapitan ang magkabilaang angkan namin. Ako nalang ay napatanga at di makapaniwala. Ano ito reunion? From my abuelo and abuela, my mama to papa and to my hermanos, nandito sila at pati mga pamangkin ko ay narito rin sila. Pagkatapos ay agad akong napatingin kay Zen na para bang tinatanong ko siya kung seryoso ba ito. "Did you planned this?" Ang tanong ko sa kanya na parang batang nagmamaang-maangan eh nahuli ko naman siya sa akto sa kababalaghang ginawa niya. "Hey save that for later our dinner's ready!" Ang narinig kong sabi naman ng dad ni Zen. Agad ko namang inayos ang sarili ko. Nagkamustahan muna kami bago kami dumiretso sa mahabang dining area nila at umupo sa harapan ng pinakamahabang dining table na nakita ko na ata sa buong buhay ko. Paano naman kasi ang dami dami namin ngayon. From his side of family to mine eh halos aabot ata kami ng trenta ngayon!  Should I start the introduction of both our families? Okay let's with mine. Abuelo(Grandpa) - Marco Acosta (74) Abuela(Grandma) - Martha Acosta(72) Next with their sons and daughters. Dante Acosta (48) ang panganay at ang aking papa na napangasawa naman ang mama ko na si Rosella Villamor(46). May apat din silang anak na sina Raul Acosta (28) panganay na may asawa na at dalawang anak. Si Diego Acosta (27) ang ikalawa kong kuya na may asawa na rin at may isang anak. Si Romero Acosta (26) ang kuya ko na sinundan ko na kinasal lang two years ago at may isa na ring anak na 8 month old palang. At siyempre ako ang bunso na si Oriol Acosta (22). Don't worry malalaman niyo ang story kung magpapatuloy kayong basahin ito at malalaman niyo rin bakit Oriol ang pangalan ko. Lolita Acosta (46)ang aking mapagmahal na tia. May tatlo rin siyang anak at wag na natin silang banggitin. Makikilala niyo sila next time. Rodrigo Acosta (45) ang tio kong tigasin dahil siya lang naman ang tio kong sumuway sa aking abuelo na hindi pasukin ang industriya ng pagnenegosyo. Siya ay nag-umpisa bilang isang pulis ngunit kalaunan ay nagbago ito at kaya nag-aral siyang muli bilang isang abogado. Single pa si tio kaya pa-mine nalang sa may gusto. Veronica Acosta (43) isa rin tong si tia Veronica na naimpluwensyahan ni Tio Rodrigo kaya naman nagshowbiz ang tia ko. Gusto niyang maging artista! Pero dahil bunso siya ay mas naging maluwang sila sa kanya kumpara kay tio. Ngayon si Tia ay isa ng batikan na aktres sa industriya at kilala bilang isang sikat na kontrabida. Sadyang pangkontrabida kasi ang mukha kaya naman bumagay ito sa kanya. Samahan mo pa na medyo mataray talaga si tia kaya swak na swak. Naaawa nga ako minsan kay Tio Martin na napangasawa niya na isa ring artista na kilala bilang isang komedyante. Para kasing under si tio pero mahal nila ang isa't isa. May dalawa na nga silang anak eh. So ayan na muna ang aming pamilya. Di ba andami namin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD