Chapter 1

1333 Words
Panimula : " Tinik, kumusta ang sitwasyon mo diyan? " " Ayos lang Dagta kayang-kaya. " Nasa loob kami ngayon ng abandonadong building, dahil may nakapag tip sa amin na may magaganap na drug dealing sa lugar na ito. Confirm nga, dahil tanaw namin sila ngayon mula sa kinatatayuan ko. " Positive nga Dagta tumawag ka ng back-up sa headquarters at i-send mo ang location natin, marami-rami sila kaya baka mahirapan tayong dalawa." " Wow,Tinik kailan ka pa natakot? ang pagkaka-alam ko mas marami pa dito ang kalaban mo 'nung nakaraan at mag-isa ka lang, ni hindi mo nga kinailangan ng tulong ko. " Sabi pa ng aking kausap mula sa bluetooth earphones na naka suksok sa aming mga tainga. " Iba naman kasi 'yon dahil mahaba ang oras ko, alalahanin mo may exam pa ako ngayon na kailangan habulin kaya wala na akong oras pa Dagta, kailangan matapos na natin ito in 30 minutes. and our timers starts now. " Kinuha ko sa aking backpack at inilabas ang aking baby Sniper na baril at kinabitan ko ito ng silencer with telescope saka itinutok ito sa aking unang target. Binilang ko muna kung ilan sila at kung hindi ako nagkakamali ng bilang ay nasa sampo lang naman, hindi naman pala ganoon ka rami gaya ng inaakala ko. " Tinik papunta na ang back-up natin kaya mag relax ka muna at huwag ka mo ng kumilos. " Pagpigil sa akin ng partner ng kong si Dagta, 'yan ang mga code niya at ako naman si Tinik. " Sinabi ko naman sa'yo na wala na akong oras pa Dagta, kaya hindi mo na ako mapipigi___lan, bulls-eye. " ani ko pa sa aking kausap itinutok ko ito sa binti ng lalaking may hawak ng briefcase na may lamang droga. Na alarma ang bawat isa sa kanila kaya itinago nila agad ang mga epektos at pera na gagamitin nila sa transaksyon, pero huli na dahil kanina pa namin sila nakuhanan lalo na ang leader nila kaya malaking ebidensya na ito para mabulok sila sa kulungan. " Nakita na nila tayo Tinik kaya mag-ingat ka. " " Ako pa ba Dagta, ano handa ka na ba? " Tanong ko sa aking kausap sa kabila, nag suot mo na kami ng mascara at bulletproof vest bago kami lumabas sa pinagtataguan namin. " Handa na, " sabi nito bago kami nagsimula, dinig na namin ang putukan ng baril na nagmumula sa kanila at pinapapautok sa kung saan, nasa kabilang parte si Dagta at nakikipag barilan na rin ito, habang ako naman ay naghahanap ng tamang anggulo para tamaan ang gulong ng sasakyan nila. " Bullseye, ngayon wala na kayong kawala. " Tumingin mo na ako sa aking relo at nasa kinse minutos na lang ang nalalabi para makahabol pa ako sa aking exam. Kaya naman binilisan ko na ang kilos. May nakita akong tali sa may bandang bakal, medyo mahaba-haba ito kaya tamang-tama. Pinulupot ko ang aking kaliwang kamay habang ang kanan naman ay hawak ang aking baril. Tumalon ako pababa at pinaputukan sila, may iilan akong tinamaan pero nasa loob pa rin ang leader nila kaya iyon ang target ko. Habang si Dagta naman ay nasa kabila at nakikipag buno sa ka transaksyon ng mga ito. Pagtalon ko ay nagtago agad ako sa may poste. Pinapaputukan nila ako pero walang tumama maski isa sa kanila. Dalawa na lang naman ang natitira at pangatlo ang leader na nasa loob ng sasakyan. " Kumusta ang lagay mo Tinik? " Hinihingal na tanong ni Dagta sa akin. " Dalawa na lang. " " Bilisan mo na dahil lumabas na ang target mo, sa taas sila dadaan, may naghihintay na chopper sa kanila. " Warning na sabi sa akin ng partner ko. " Roger, bantayan mo lang sila dito, ako na ang bahala." Naghanap ako ng shortcut para maka-akyat ako agad sa itaas. " Tinik bilisan mo nasa second floor na sila, tinamaan kona ang isa sa alalay niya kaya dalawa na lang sila. " " Ito na Dagta dadaan ako sa elevator. " Sagot ko kay kuya Lim. " Ingat ka. " " Salamat, " dahil abandonado naman ang lugar kaya naka bukas ang sirang elevator, pumasok ako at binuksan ang maliit na butas sa kisame gamit ang sirang kahoy na upuan ay naka akyat ako para tuluyan itong mabuksan, mabuti at hindi bumigay agad ang upuan. Pagkabukas ay isinabit ko na agad ang aking mga kamay at tuluyan umakyat. Pag-akyat ko ay gumapang ako agad sa mga bakal na naroon, gamit ang aking gloves ay madali ko lang itong nagawa dahil dumidikit ito, kaya walang ka hirap-hirap akong naka rating sa pinaka dulo. Dinig na ang maingay na chopper tanda na nariyan pa sila. " Nasa taas na ako Dagta. " " Narito na rin ang back-up, " lumabas ako at tamang-tama pag labas ko mula sa pintuan ng elevator ay siya ring pagdaan nila. tinutukan ako agad nito ng baril pero nasipa ko agad ito kaya tumilapon ang baril nito. Ginawaran niya ako ng suntok pero naka ilag din ako kaagad. Susuntok pa sana siya ng hinuli ko ang kamay nito at binali saka pinusasan. Kinuha ko mo na ang mga baril nito bago ko siya iwan para habulin ang boss nitong pa akyat na rin ng pinaka rooftop. " Boss sumuko kana kong ayaw mong sumabog ang kaligayahan mo. " Sabi ko at pinaputukan siya sa may binti kaya nahulog ito mula tatlong baitang ng hagdan. " Help, somebody help me, " sigaw ng Chinese na mukhang bulldog dahil sa laki at hitsura nito. " Tinik clear na nahuli na rin ang mga naka sakay sa chopper, " sabi sa akin ni Dagta. " Huli na rin ang leader, dahil sa katawan niya kaya hindi siya nakatakas, " kinuha ko ang aking baril at itinutok ito sa kanya. " Please don't shoot me, I'll give you all my money, here take this, just please let me escape, " pakiusap nito sabay abot sa akin ng dalawang briefcase, ngumiti ako at kinuha ang ini-abot nito sa akin. " Good decision, thank you, " sabi pa nito. " Don't thank me yet because we're not done yet, but for now, you have to sleep first, " sabi ko bago ko siya pinalo sa batok kaya nakatulog agad ito. Hindi naman masyado malakas kaya hindi pa rin siya mamamatay. " Ano tinuluyan mo ba? " Biglang dating ni Dagta kasama si Sir ang pinaka-mataas namin, tumayo ako agad at agad na sumaludo sa kanya. " Sir, " sabay saludo ko. " Carry on, Congratulations. " " Thank you, sir, but I need to go; permission to leave, sir ." Kailangan ko ng umalis. " Sir, she has an exam to take," ani ni Dagta. " Ngayon na ba 'yon? Ano pa hinihintay mo p'wede ka nang umalis at magkita na lang tayo sa bahay Bella Rose. " " Tito, Rose na lang po masyadong mahaba ang Bella Rose " Yes, he is our boss, my Tito and Agent Dagta is my cousin, his son. " Kuya Lim aalis na ako, akin na ang susi wala na akong oras. " " Mag-iingat ka my Princess, heto ang susi and good luck sa exam. " " Salamat Kuya Lim and please stop calling me Princess, I have to go. " Humalik mo na ako sa kanila at nagmadali na akong bumaba. Binati pa ako ng iba pang kasamahan namin pero tango lang ang sagot ko. Nakita ko sa di kalayuan ang isa ko pang baby ang aking Harley Davidson sportster Big Bike. Kinuha ko kaagad ang helmet at isinuot, saka inumpisahan nang paandarin ito. Pinaharurot ko ito agad ng mabilis para maka habol sa board exam for Nursing student. Bukod sa pagiging agent ay kailangan ko ding mag-aral ng nursing para maisakatuparan ang matagal ko ng pinaghandaan simula pagkabata ko. Kailangan kong makapasa para makapasok sa Saint John Hospital, bilang isang bagong Nurse. Kung ano ang dahilan ko? Malalaman n'yo rin sa takdang panahon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD