BELLA ROSE
" Excited ka na ba my Princess? " Matamis na ngiting tanong sa akin ni Kuya Limuel, mas matanda siya sa akin ng apat na taon, 22 years old na rin ako. Bukod sa partner ko siya ay pinsan ko din, magkapatid ang daddy ko at si Retired General Alvarez ang daddy niya.
" Kuya Lim, stop calling me Princess, nakita mo na nga ang katawan ko at mga kalyo sa kamay? Walang Prinsesa na ganito ka tigas ang palad. " Napapa-iling kong komento sa kanya.
" Ikaw lang ang nag-iisang pinsan ko kaya hayaan mo na ako, ano excited kana ba malaman ang result ng exam? " Nasa bahay nila ako ngayon, simula nang mag-aral ako ng college ay humiwalay na ako sa kanila ng tirahan.
" Sige na buksan muna, pinapatagal mo pa ehh. " Nasa harap kami ngayon ng laptop niya sa loob ng sarili niyang opisina sa loob ng mansyon nila.
" All right, here we go," pinindot nito ang Licensure Examination result 2020 for nursing, tumalikod muna ako at humarap sa may bintana kung saan tanaw ang labas mula sa glass window.
Confident naman ako na pasado, muntik na akong ma-late, mabuti na lang at na bola ko pa ang guard kaya pinapasok ako kahit naisara na niya ito.
"Rivera, Bella Rose__wow congratulations, you're on the list, at nangunguna ka." Nilingon ko agad si kuya Lim, tumayo siya at niyakap ako sabay halik nito sa akin sa noo.
" I'm so proud of you Princess, " kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang nangunguna kong pangalan sa screen. Pinipigilan kong maiyak dahil sa sayang aking nararamdaman.
Simula na ba ito? Simula na ba ito ng aking pagtuklas sa nakaraan? Ito na ba ang kapalit ng paghihirap ko mula pagkabata ko?
" Aalis na ako kuya, " hindi ko na lamang pinakinggan ang tawag nito sa akin at dire-diretso akong lumabas at sumakay ng aking motor, mas gusto ko ang mag motor kaysa sumakay ng kotse. Pinaharurut ko ito papunta sa aking mga magulang. Sa puntod ng aking mga magulang.
Bata pa lang ako nang nawala na sila kaya mag-isa na lamang ako sa buhay walang nanay at tatay na natawag man lang hanggang paglaki.
" Nay, Tay, kumusta po kayo? pasensya na ngayon lang ako naka dalaw, busy lang po sa mga bagay-bagay. " Isang buwan na kasi ang lumipas na hindi ko sila napuntahanan, dahil bukod sa pag re-review ay busy din sa aking mga misyon,
" Tay, malapit na po natin malaman ang katotohanan at hindi po ako titigil hangga't hindi nila mapagbayaran ang nangyari noon at sa oras na malaman kong may kinalaman sila sa pagkamatay ni nanay ay matatahimik lang po ako kung nasa kulungan na ang may kasalanan." Pinunasan ko ang aking mga luha, hindi ko kasi mapigilan ang pagpatak nito. Halo-halong emsoyon ang nararamdaman ko.
" Kahit malaking tao pa sila at maimpluwensiya ay hindi ako titigil hangga't hindi sila magbabayad. " Umiiyak kong ani sa puntod ng aking mga magulang.
Bumalik na naman sa akin ang nakaraan simula pagkabata ko, tandang-tanda ko pa ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko habang nagkaka-isip ako. Ang hirap ng walang magulang, oo at nariyan si Tito Gen, pero hindi naging gano'n ka dali sa akin ang lahat.
Ang sabi ni Tito Gen. sa akin ay baby pa lang daw ako ng mamatay ang mommy ko, namatay siya ng ipanganak ako kaya simula noon naging malungkot na raw palagi si Daddy Luis ang tatay ko, nakababatang kapatid ni Tito Gen.
Naging malungkutin daw si tatay at walang kinaka-usap, hinayaan lang daw nila ito kasi ang buong akala nila parte lamang ng pagluluksa niya,
Pero isang araw pinilit daw nila itong pasukin sa k'warto nila ng mama ko dahil ilang araw na daw hindi lumalabas ng k'warto, pero huli na ang lahat dahil nagpatiwakal na pala ito. Limang buwang gulang pa lamang daw ako nang mangyari iyon, kaya tanging picture lamang ng aking mga magulang ang meron ako noong kasal nila, wala man lang kaming tinatawag na family picture.
Kaya naman sa edad na apat na taon ay unti-unti na akong pinapamulat ni Tito, imbes na barbie doll at mga laruang pambata ang aking nilalaro ay kabaliktaran.
Inggit na inggit ako sa mga kaklase kong hinahatid sundo ng mommy nila, inggit na inggit ako sa mga laruan at ribbon sa mga buhok nila, samantala ako maikli lang ang aking buhok, kung hindi nga lang dahil sa uniporme ko ay mapagkakamalan akong lalake.
Hanggang sa pag-graduate ko ng elementary ay nakasanayan ko na, naging matigas na ang puso ko at nakikipag suntukan sa mga lalaking nang-aasar sa akin na ulila daw ako, hindi ako basta nagpapatalo.
Noong una hindi ko naintintindihan kong bakit pinapagawa sa akin ni Tito Gen ang mga bagay na iyon, gusto kong maging normal na bata, 'yong nakikipag laro sa kapwa ko batang babae, pero hindi nangyari. Lumaki ako ng si Kuya Lim lang lagi ang aking kasama, sabay kaming nag-training kapag wala kaming klase sa eskwelahan.
Hanggang sa nag nag-high school ako at nagdalaga na ng tuluyan, doon pa lang pinagtapat sa akin ni Tito ang lahat, kung bakit wala akong nanay at tatay na matatawag at tanging si Tito at kuya Lim lang ang tinuring kong pamilya, at si Tita na halatang hindi ako gusto, wala din akong tinatawag na lola at lolo, ang mga magulang nila tatay ay patay na 'nong bata pa lang ako. Ang pamilya naman ni nanay ay hindi ko kilala dahil lumaki daw sa bahay ampunan si nanay kaya hindi rin niya kilala ang mga magulang nito. Kaya simula noon naging determinado na ako sa lahat ng bagay at pinag-igihan ko pa lalo ang training upang sa aking paglaki at pagdating sa tamang edad ay maging isa akong magaling na alagad ng batas na walang kinakatakutan at hindi mabibili ng ano mang halaga. 'Yan ang pinamulat sa akin ni Tito na ngayon ay isa na siyang Retired General.
Bumalik ako sa realidad ng tumunog ang aking cellphone.
" Yes, po General? " Si Tito Gen na siyang tumawag.
" Copy sir, papunta na, " pinunasan ko ang aking mga luha at nagpaalam mo na kanila nanay at tatay.
" Nay, Tay sige po babalik na lang po ako ulit at sa pagbabalik ko po may maganda na akong balita. " Nagmadali na akong sumakay ulit ng aking motor papunta sa location na pinadala sa akin ni Tito Gen.
" Kuya Lim, nandito na ako sa location," ganito lang ang naging buhay ko simula pagka bata, kahit valedictorian ako ay hindi uso sa akin ang salitang celebration kaya sanay na ako, wala akong matandaan na pinaghanda ako ng birthday o, kahit na anong okasyon dahil walang oras si Tito at si Tita naman ay walang paki dahil busy ito sa pag libot ng bansa kasama ang mga kaibigan. Tanging si Kuya Lim lang ang nakakasama ko at kong minsan ay pumupunta ako sa bahay ampunan at doon nag-cecelebrate kasama ang mga batang ulila na gaya ko. Malungkot man ang naging buhay ko noong kabataan ko ay nagpapasalamat pa rin ako na binuhay at kinupkop ako ni Tito, pinag-aral at binihisan.
" Dagta nasaan ka na ba? __ dagta? " Dinig ko ang putok ng baril kaya kinabahan kaagad ako.
" Kuya Lim!? Magsalita ka, " si Kuya Lim na lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin dahil hindi ko ito nakikita kay Tito at lalo na kay Tita.
" My Princess___
" No, kuya hintayin mo ako, " tumakbo na ako sa loob mula sa labas, kinuha ko agad ang baril sa aking katawan at hinawakan ito ng mahigpit. Kinasa ko mo na ito at itinutok sa pinto sabay sipa ngunit laking gulat ko na may sumabog na confetti sa aking mukha.
" Congratulations! " May pa banner ako at naka lagay ang aking pangalan , kaya naiiyak ako sa surprise nila sa akin. Si Kuya Lim at Si Tito Gen kasama ang iba pa naming kasamaan sa masayang nakikidiwang sa aking tagumpay.
" Congratulation anak for being Number one, we're so proud of you. " Sabi ni Tito Gen sa akin sabay yakap nito. Ito pa lang ang kauna-unahang pag surprise niya sa akin, dati kasi ay puro materyal na bagay lang ang aking nakukuha mula sa kanya kaya ngayon labis akong masaya dahil nandito siya hindi bilang Boss at General kundi bilang pangalawa kong tatay.
" Salamat po Tito at Ikaw kuya Lim tinakot mo ako, akala ko kong ano nang nangyari. " Naging masaya ang salo-salo namin ng gabing iyon, pero alam ko panandalian lang dahil kailangan kong paghandaan ang pagpasok ko sa hospital bilang bagong OR nurse at sa kauna-unahang pagkakataon na makita ko ng personal ang apo ng may-ari ng Hospital na si Doctor John Rexford Abuel ang susi sa aking pag tuklas sa nakaraan.