Chapter 3

3116 Words
Bella Rose Rivera's POV First day ko ngayon sa Saint John Hospital. Kailangan kong baguhin ang sarili ko. Kailangan kong mag mukhang maamo at di makabasag pinggan. Hindi dapat ako kakitaan ng totoong ako. Kailangan kong gawin ito dahil parte ito ng trabaho ko. Simpli lang naman ang gagawin ko, kailangan ko lang mapatunayan na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng mommy ko nang ipanganak ako at kapag mapatunayan kong wala matatahimik na ako at pag-iisipan kong itutuloy ko pa ba ang pagiging nurse o ang pagiging alagad ng batas. Kung kaya kong pagsabayin ay gagawin ko, dahil pareho lang naman na naglilingkod sa nangangailangan ang trabaho ko. " Are you ready my Princess, " si kuya Lim na siyang naghatid sa akin, nasa parking lot na kami. Hindi ako pwedeng gumamit ng kahit na anong sasakyan. Hindi rin nila pwedeng malaman na related ako sa pamilyang Alvarez. Kaya nga simula pagkabata ko ay apelyedo na ni mommy ang ginamit ko, ang Rivera. " Ready, hindi ako sanay na walang dalang armas Kuya Lim." " Kailangan kasi dahil hindi pa natin alam ang pasikot-sikot mas mabuti na ang nag-iingat, sa ngayon huwag mo munang isipin ang mga bagay na iyon, kailangan mo munang pagtuonan ng pansin ang pagiging nurse mo. Remember you have to empress Doctor Abuel para mapansin ka niya, but careful dahil baka imbes ni siya ang ma-fall sa'yo ay ikaw pala ang mahulog sa kanya. " Mahabang salaysay ni Kuya Lim sa akin. " Hinding-hindi mangyayari iyon baka siya ang kailangan mahulog sa bitag ko, sige na I have to go. " Humalik muna ako sa pisngi ni Kuya Lim bago ako lumabas ng kotse niya. " Sige ingat ka balitaan mo ako agad, " kumaway lang ako sa kanya at nang hindi kona matanaw ang kotse niya ay saka na lamang ako pumasok sa employee's entrance. " Good morning po ako po iyong bagong hired na nurse." " Apelyedo, " " Rivera po, Bella Rose Rivera, " tumingin siya sa notebook at maya-maya ay pinapasok na ako nito at pina diretso sa head nurse ng hospital. Magiliw at mukhang mabait naman ang head nurse at iba pang mga nurse na makakakasama ko. Itinuro din sa akin ang pasikot-sikot ng ospital pati na rin ang pangalan ng mga Doktors, kung sino ang President, ang mga board of directors at siyempre ang apo ng may ari na si Doctor John Rexford Abuel, isang General Surgeon. " Tatandaan mo ang lahat ng iyan nurse Rose at ito ingat ka kay Doctor Abuel dahil lahat ng bagong nurse dito napaiyak niya. " Babala na sabi sa akin ng head nurse medyo may edad na rin siya. " Naku huwag po kayong mag-alala hinding-hindi po mangyayari 'yon at isa pa hindi naman po siya gano'n ka guapo, mas guapo pa ang boyfriend ko. " Kanina pa sumesenyas si heard nurse Sandy na tumigil na ako, alam ko naman ang ibig nitong sabihin, malakas ang pakiramdam ko alam kong may tao sa likod ko at hindi lang isa kundi tatlo sila, yabag pa lang ng mga paa nila alam kona. " Good Morning Doctor, Abuel, Doctor Miranda at Doctor Salazar, si Nurse Rose po ang bagong nurse po natin dito. " Pakilala sa akin nito. Binggo, sabi kona, kaya unti-unti akong lumingon sa kanila at wow grabe nasa harap ako ng tatlong magkakasing tangkad na lalaki na ubod ng guapo, ang isa ay mukhang masayahin pero mukhang babaero. Ang isa ay ang sarap ng pagkakangiti at mukbang nasa loob ang kulo at ang isa ay mukhang masungit at suplado at sapalagay ko ay siya na nga si Doctor John Rexford Abuel, my target. " Wow, may bago tayong Nurse, by the way I'm Doctor Paul Salazar, an Orthopedic Doctor at your service, Miss Top notcher. " Ini-abot nito ang kamay, ngisi pa lang niya ay halatang playboy na, hindi naman siya oobra sa akin. " Huwag mo siya titigan Nurse Rose baka mabiktima ka ni Doc Paul, by the way welcome I'm Doctor William Miranda a Neurologist. " Grabe ang isang ito ang sarap ng pagkakangiti mukhang inosenti pero mukha lang. " Hi po mga Doc ako po si Bella Rose Rivera, maasahan n'yo__ " Get back to work, and you Nurse Rivera, hindi ka binabayaran ng hospital na ito para magpa-cute sa mga doctors dito. " Masungit na sabi ng isa sa kanila. Ang sarap suntukin sa mukha akala mo kung sinong guapo.Well, guapo naman siya pero mas guapo si Kuya Lim para sa akin. sasagot na sana ako ng magsalita siyang muli. " And diba sabi mo may boyfriend kana na Mas GUAPO sa akin? " Naku! nagtitimpi lang ako, napaka antipatiko. " And tingnan natin ang galing mo, number 1 ka sa exam hindi ba? Let's see, I was hoping you could assist me in the operating room in 30 minutes." Tuloy-tuloy nitong sabi bago umalis na naka ngisi. " Pag-pasensyahan mo na si Doc Rex, ayaw niya kasi ng nasasapawan ng kagwapuhan, sige good luck. " Ani ni Doc Paul. " Don't mind him; good luck, nurse Rose. " Ani naman ni Doctor Miranda. " Pasensya na kay doctor Abuel, sinisenyasan kita hindi mo naman naintindihan. sige na pumunta kana sa locker para makapag palit kana, galingan mo ha, ayaw ni Doc Rex pa naman ang nagkakamali sa loob ng operating table. " Naintindihan ko po ma'am " " Sige na mag bihis kana. " Tumango lamang ako kay head nurse at dumiretso sa locker room para sa mga babae at nag bihis, kumpleto na naman ang mga uniform doon, at wala pang 20 minutes tapos na ako at dumiretso na sa operating room para ihanda ang mga kailangan namin. Nagulat pa siya na nakita na niya ako sa loob at naka handa na ang lahat. Sinuotan ko siya ng lab gown at gloves. " Okay, ang operasyon na ito ay para kay Mr. Jimenez, 38 years old gunshot victim. I am Doctor Abuel. a lead General Surgeon, I wan't all of you to focus especially the new. " Naka tingin nitong sabi sa akin, akala naman nito. tingnan na lang natin, ako, kakabahan? " Turn on the timer, and let's start. " " Scalpel__ " Gauze __ " Saction__, kauna-unahan kong pag-aassist ito pero alam ko naman ang gagawin ko dahil hindi naman ako kinakabahan, lahat naman ng sinasabi niya ay nabibigay ko naman ng maayos. Ang pasyente ay nabaril sa tiyan at may tinamaang internal organ sa loob, kaya kailangang tanggalin mona ang bala bago tahiin ang na damage na organ, unang araw ko pa lang pero sinabak na niya agad ako sa ganito ka delikadong operasyon. Matapos higit thirty minutes na pag punas ko sa kanya ng pawis at pag abot ng kailangan niya ay sa wakas nakuha na rin nito ang bala. " Bullet out, now let's proceed. " Ini-abot ko sa kanya ang needle kaya inumpisahan naman nitong tahiin ang parte na na-damage dahil sa bala. Ang smooth lang ng galaw nito at ang gaan ng kamay niya, masasabi kong magaling siya. " Cut. " Cut " Cut, all right I'm done, good job. " Sabi nito sabay tingin sa akin, palabas na sana ito ng pinto ng lumingon ulit. " Nurse Rose, no wonder na ikaw ang nag-top sa exam, hindi ka man lang kinakabahan as a first timer OR Nurse," papuring sabi nito sa akin. Seryoso ko lang siyang sinagot " Not at all Doc, sige po," hindi ko na lamang pinansin ang iba pa nitong sasabihin at naging abala na ako sa paglinis ng mga ginamit namin sa operasyon. Matapos ang higit thirty minutes ay natapos na rin ako. Tumagal ng isang oras ang ginugol namin sa loob kaya naman pagod na pagod na rin ako. At dahil first day ko naman daw at natuwa naman sa akin si head nurse kaya naman pina-out na ako nito ng mas maaga. Kaya naman nag-bihis na rin ako para makauwi at makapag pahinga ng saglit bago ulit sasabak sa isa ko pang trabaho. **** Nasa bar na ako ngayon dahil dito 'yong location na ni-send ni Tito Gen. Alas dyes na rin ng gabi. " Change of Location tayo Tinik and 1 more thing, you have to disguized yourself as a g.r.o. " Papasok na sana ako sa loob pero natigil lang dahil sa binalita nito sa akin, " What? Saang location 'yan at bakit kailangan pa mag disguized kong kaya ko naman sila patumbahin dito? At diba dito papunta ang hapon na iyon? " " That's an order from dad, I'll send you the location just please hurry. " Pinatay kona ang tawag at nagmadali na akong pumunta ng aking motor at pinatakbo ulit ng mabilis papunta sa secret hide out namin ni Kuya Lim, nandito lahat ng mga gamit namin at mga armas at pati na rin mga pang-disguized. Kailangan kong magpalit ng damit bago pumunta sa location na pinadala niya . Mabilisan lang ang kilos at nag make-up ako ng makapal, nag contact lens at nag suot ng wig na blonde color, kailangan ko ring magsuot ng sexy, 'yong tipong kita ang cleavage para sa hapon na manyakis na kailangan naming huliin dahil nambibiktima ng mga babae. Ang seste, kunyari ibabahay niya ang kawawang mabibiktima niya at dadalhin sa ibang bansa, pero ang totoo matapos niyang gamitin ay ipapasa na sa iba at gagawing s*x slave at hindi lang iyon dahil pag nanlaban ka patay ka. kaya kawawa ang mapipili nila. Gumamit ako ng lumang kotse at isinakay ang mga gamit ko at pumunta sa sikat na club na pinupuntahan ng mga mayayaman. Iba ang mga costumer nila dito dahil maseselan at hindi basta-basta sila tumatanggap ng mga babae na hindi malinis. " Ma'am sigurado po kayo na hindi tayo mabubuko at hindi madadawit ang pangalan ko? " Sabi nitong kausap kong asset na nagtatrabaho sa club, kailangan ko siyang palitan dahil ang balita ko siya daw ang napili ni Mr. Kabuyashi na magseserbisyo sa kanya, mas matanda lang ako ng dalawang taon sa kanya pero ayos lang dahil hindi naman halata. " Rita ako ang bahala sa'yo at diba gusto mo ng umalis sa ganitong klaseng trabaho, kaya tutulungan kita sige na umuwi kana para hindi ka madamay." " Salamat po ma'am Bella " naiinis ako sa pangalan ko lalo na ang Bella parang ang tanda. " Rose na lang huwag na Bella, feeling ko tuloy kontrabida ako sa pelikula pag tinatawag mo akong ganyan. " " Sige ate Rose aalis na ako, " umalis na si Rita at binigay nito sa akin ang Id niya na picture ko ang nakalagay. " Good evening kuya ano marami naba tayong parokyano? " Kunot noo lang itong si kuya na bantay sa entrance. " Ako ito si Rita, kayo naman kinalimutan mo na ako parang wala tayong pinagsamahan " nabanggit kasi sa akin ni Rita na minsan na daw may nangyari sa kanila nitong taong kaharap ko ngayon. " Wow, Rita ikaw na ba yan? Bakit mas lalo ka yatang naging maganda? " Hahawakan sana ako nito pero pinilipit ko naman agad ang kamay nito kaya namilipit siya sa sakit. " Off limits kana may nag ma may-ari na sa akin kaya sorry ka na lang. " Tinalikuran kona siya at dumiretso na sa kwarto kong saan nakikita kami ng mga costumer na pipili sa amin. " Hi Girls, good luck sa atin, " sabi ko lang at umupo na sa bakanteng upuan sa harapan, tiningnan lang nila ako at wala namang nag komento sa kanila, nang mawala na ang mata nila sa akin ay saka ko na lamang pinindot ang bluetooth earphone ko sa tainga na hindi halata dahil sa suot kong wig. " Ang tagal mo naman Tinik ," sabi agad ng kausap ko sa kabilang linya " Ha ha ha, huwag nang maraming tanong basta siguraduhin mo lang na ako ang pipiliin ng target, " naka ngiti kong sabi sabay kindat sa securiting nagbabantay sa amin, kanina pa niya kasi ako tinitingnan. " Okay huwag ka nang magsalita para hindi ka nila mahalata. " Nagsalita ang isang babae na medyo may edad na pero sexy pa rin. siya ang manager ng club na ito. " Kung sino man ang pipiliin ng client natin ay wala kayong karapatang mag reklamo okay, huwag kayong mag-alala puro mayayaman ang client natin good luck. " Binuksan na ang kurtina namin kaya malinaw na nila kami nakikita samantala kami ay hindi, pag tinawag ang number namin ay tatayo agad kami, confident naman ako na ako ang pipiliin ni hapon dahil naka pili na daw ito 'nung una pa lang, for formality lang daw ang ganito para hindi makahalata ang iba kong kasamahan, hanggang sa mag umpisa ng tawagin ang numero ng bawat isa, hanggang sa dalawa na lamang kami ang natitira. " Tinik bakit hindi ka pa pinipili, " tinig ni Kuya Lim sa kabilang linya. " Hindi ko alam. " mahina kong sabi sabay ngiti ulit kay kuyang kanina pa naka tingin sa akin. " Number 3 punta ka sa kaliwang pinto at number 2 sa kanan naman, " ako si number 3 kaya sa kaliwang pinto ako pumunta. " Pasok kana sa room number 3 nandon na ang costumer mo. " Sabi ng securiting kanina pa naka tingin sa akin. " Okay boss, " malanding sabi ko sabay kindat sa kanya, kaya nawala sa mukha nito ang hinala sa akin dahil sa paglunok niya, alam kong naakit siya sa sinabi ko. Natural na malaki ang dibdib ko at maliit ang baywang ko, at dahil sa aking trabaho kaya fit and sexy at proportion ito, tamang-tama sa height kong 5'5. Pag-pasok ko sa kwarto ay madilim kaagad ang bumungad sa akin, pero kita ko ang anino ng lalaki na sa palagay ko ay nasa 6'2 ang height. Kaya nagtataka ako dahil ang pagkaka-alam ko sa target ko ngayon ay mataba at pandak. " Tatayo ka na lang ba diyan, do your job and satisfy me." Ang boses niya parang narinig kuna at ang amoy niya parang kaamoy ni Doc Rex, posible kaya na siya ito? Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang siya, nasa may pintuan pa lang ako at siya naman ay nag-umpisa nang maghubad ng saplot sa katawan. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong kayang-kaya ko ito. " Are you still a virgin? " Sh*t sabi na nga, hindi ito si Mr. kabuyashi at na kompirma ko ito nang magsalita pa si kuya Lim. " Tinik nakipag palit si Mr, Kabuyashi kay Doctor Abuel, kaya do something para maka takas ka na hindi nila malalaman. " Hindi na ako nagsalita at tumikhim na lang, medyo iniba ko ang boses ko. " Hmm, opo sir virgin pa ako kaya paki-usap dahan-dahan lang. " Ano kaya ang gagawin ko para maka takas sa kanya na hindi niya makikita ang mukha ko. " Ha ha ha, sorry but I can't sabi nito at walang anu-anong lumapit sa akin kaya sa taranta ko tumalikod agad ako sa kanya. Hinapit ako nito sa baywang at inamoy ang leeg ko. Sh*t hindi ko akalain na ganito pala ka pervert itong lalaking ito, wala ba siyang girlfriend at kailangan pa niyang kumuha ng babae sa ganito. " Smells like a baby " sabi nito sabay hawak ng isang kamay niya sa aking dibdib. Kaya sa gulat ko hinuli ko agad ang kamay nitong humawak sa aking dibdib at walang babala ko siyang binalibag at tinakpan agad ang mukha nito ng tuwalyang suot niya ngunit gusto ko nang umatras na bumungad agad sa akin ang p*********i nitong hindi ko maipaliwang ang laki at haba, sanay naman ako makakita ng ganito dahil sa uri ng trabaho ko sa hospital 'nung intern ako pero ibang klase ang laki nito. " Aww Miss, I like your style can I see your face? " Gustong-gusto kona siyang sakalin para makatulog na agad ito pero hindi p'wede dahil alam kong hindi lang isa ang bantay dito at baka maraming inosenting madamay. " Sir kayo naman kasi binigla n'yo ako, pwede po mag banyo mona ako at hintayin n'yo na lang po ako sa kama sir pero huwag n'yo po muna ako titingnan mamaya na lang po. " Sabi ko habang naka pikit dahil nade-distruct ako ng tumitirik nitong ari. " All right, I'll wait for you, baby." Sabi nito, bago ako tumakbo sa banyo. Binuksan ko agad ang shower para hindi niya marinig ang boses ko. " Dagta nalintikan na, do something hindi maaring makita ako ng lalaking ito, masasayang lahat ng plano natin. " Paano ba ako makakatakas sa manyak na doctor na iyon? Pa ikot-ikot lang ako hanggang sa may idea akong naisip na alam kong tatanggihan niya ako agad pag oras na malaman niya. Kaya naman lumabas ako sa banyo dala ang balitang gigimbal sa kanya. " Ang tagal mo naman baby come on let's start " sabi nito, naka higa na siya sa higaan, lalapit sana ito pero nagsalita agad ako. (LIGHTS, CAMERA, ACTION) " Hu hu Sir, sorry po, nagsinungaling ako, ang bait n'yo kasi kaya nakonsesnya ako agad, sorry po." Umiiyak kong ani sa kanya. " What do you mean? " Lalapit pa sana siya pero sumigaw agad ako. " Diyan lang po kayo sir, " kaya natigil ito sa paglapit sa akin. " Why? Anong nangyayari sa'yo? " Madilim at tanging dim light lang ang nagsisilbing liwanag sa amin. Parang nakokonsensya naman ako dahil halata sa boses nito ang pag-aalala. " Sir, sorry po, pero nagsinungaling po ako, dahil ang totoo hindi na po ako virgin at ang totoo may sakit po akong nakakahawa, kailangan ko lang po itong gawin dahil sa anak kong may sakit, sorry po hu hu. " Umupo ako at yumuko, akala ko ay aalis na siya at pandidirihan niya ako pero nagkamali ako dahil maya-maya ay lumapit ito sa akin, naka bihis na rin siya. " Huwag ka nang umiyak, ito ang calling card ko, isa akong doctor heto ang pera at pumunta ka sa hospital na ito, akong bahala sa inyo ng anak mo. " Nabigla ako sa sinabi nito sa akin at iniwan na mismo sa aking tabi ang pera at pumunta na ng pinto ngunit lumingon pa ulit ito at nag-iwan pa ng salita. " Don't worry sasabihin kong tapos na ang serbisyo mo para makuha mo ng buo ang pera, aasahan ko ang pagpunta n'yo ng anak mo. " 'Yon lamang ang kanyang sinabi bago lumabas ng pinto. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala, dahil sa kabila ng pagiging arogante niya at antipatiko ay may mabuti siyang puso na hindi nanghuhusga ng kapwa. Ang isa sa katangiang gusto ko sa isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD