Chapter 4

2374 Words
ROSE POV " Nurse Rose pinapatawag ka ni Doctor Abuel " nagbibilang ako ng mga medicine at ilang tools na utos sa akin ng antipatikong Doctor Abuel na iyon. Pero hindi pa ako tapos sa pinapagawa nito'y heto't pinapatawag na naman ako nito. Mula kaninang umaga ay wala na siyang ginawa kundi utusan ako, at heto nga mag-aala una na pero hindi pa rin ako natatapos. Ang sarap niyang sipain sa mukha nagtitimpi lang talaga ako. Hindi ko alam kung papansin ba siya sa akin or ano. Mag-iisang linggo na ako dito sa Hospital at mula noon lagi na lang ako ang nakikita niya. Akala siguro nito susuko at mag-quit na lang ako bigla, p'wes nagkakamali siya. Inayos ko mona ang aking sarili bago humarap kay nurse Edna. " Bakit daw po senior? " Mas nauna siya sa akin at mas matanda rin kaya senior ang tawag ko sa kanya tanda ng paggalang pero mukhang hindi niya yata nagustuhan at tinaasan ako ng kilay. Kung titingnan mo siya mukhang nasa 20 lang pero ang totoo nasa trenta na yata ang edad niya, di lang halata dahil sa kapal ng make-up nito. " Hindi ko alam," taas kilay nitong sabi sa akin. Kinuyom ko lang ang kamao ko at sobrang nagtitimpi lang sa ibang kasamahan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sila nagbago, samantala 'nung una maayos naman pakikitungo nila sa akin, pero simula nang lagi akong napapansin ng mga doctors nilang pinagpala ng kaguapuhan p'wera lang kay Doc Rex ha, dahil para sa akin mas guapo pa rin si kuya Lim sa kanya. " Sige salamat senior, susunod na lang po ako, " naka ngiti kong tugon sa taas kilay at labi nitong mukha, matatapos na rin naman ako kaya tinapos kona muna ang aking ginagawa, bahala siya magalit. Inabot pa ako ng higit twenty minutes bago ako naka labas sa stockroom para maharap muli ang Doctor Abuel na iyon na walang ibang ginawa kundi pahirapan ako. Nasa tapat na ako ngayon ng k'warto niya. Pinag-aralan ko muna mawala ang inis sa aking mukha at ni-relax muna ang aking sarili bago ako kumatok ng tatlong beses. " Come In, " boses pa lang niya nakakainis na. " Doc, pinapatawag n'yo daw po ako? " Blangko kong tanong sa may pintuan pa lang. " Lock the door and come closer; I can't hear you." Salubong na kilay nitong sabi. Ginawa ko naman ang sinabi niya at tumayo sa harap nito, may suot siyang salamin at may hawak siyang papel na siyang pinagkaka-busyhan nito. " Nandito na po ako Doc, may ipag-uutos pa po ba kayo? Kasi hindi pa naman po ako pagod. " Medyo sarkastiko kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin ulit at pinakatitigan ako nito, tinanggal niya ang salamin at binitawan ang papel na hawak, saka sumandal siya sa upuan nito at tiningnan niya ako from head-to-toe na salubong ang kilay. Hindi rin ako kumurap at tumitig din sa kanya ng blangko. Kaya kong makipag titigan sa kanya kahit hanggang mamaya pa, akala niya siguro kukurap ako. Siya dapat ang unang susuko sa amin, tingnan na lang natin kung sino ang makakatagal? " Ang tibay mo rin Nurse Rivera, akala ko matapos kitang pahirapan simula kaninang umaga ay pupunta ka sa akin at magmamakaawa, pero mukhang mas nag-enjoy ka pa? " Sabi nito habang naka titig pa rin sa aking mga mata. " Wala naman po ako karapatan mag reklamo Doc, hindi po ba? " Sagot ko sa kanya habang nakatitig din sa kanya gamit ang blangko kong tingin. Hindi ito sumagot agad pero maya-maya pa ay siya na ang unang nag-iwas ng tingin sa akin kaya napa ngisi ang aking labi ng pumikit ito at hilutin ang sintido nito, " You may go, Nurse Rivera, lunch time na kaya kumain ka na rin. " Nalusaw ang aking ngiti sa sinabi nito sa akin. Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Oo plano kong mahulog siya sa akin pero wala sa plano ko ang mahulog sa kanya, hindi p'wede. " Sige po, Doc lalabas na ako. " Hindi ko na lamang siya pinasagot at dumiretso na ako canteen. " Oh, hi nurse Rose, kumain kana ba? Halika sabay kana sa amin ni Doctor Miranda " Bati sa akin ni Doc Paul. " Join us, Nurse Rose, mukhang pinahirapan kana naman ng kaibigan namin, don't worry may lunch meeting sila ng lolo niya kaya hindi natin siya makakasabay. " Naka ngiting sabi rin ni Doctor Miranda. " Huwag na mga doc, mag-isa na lang ako. " Ayaw ko nang makasabay sa kanila, pinag-iinitan kasi ako ng mga ibang nurse dito dahil close agad sa akin ang dalawang ito. " No! Sasabay ka sa amin, we're friends right? Miss topnotcher. " Wala na akong nagawa ng hilahin ako ng dalawa papunta sa canteen ng hospital. Pag-pasok pa lang namin ay nagpapa-cute na agad ang mga babae sa canteen, ngunit pagkakita nila sa akin ay biglang nalusaw ang kanilang mga ngiti. " Nakita n'yo na mga doc? Kanina lang naka ngiti 'yang mga 'yan at nagpapa-cute sa inyo, nang makita nila ako'y bumusangot na agad ang mga nguso. Kaya nga ayaw kong makisabay sa inyo. " Napapailing kong komento sa kanila. Sasagot na sana si Doc Paul ng may marinig kaming matinis na boses na tinawag ang pangalang Doc Will. " Doc Will, dito po naka ready na ang pagkain n'yo " Agaw sa amin ng atensyon ng isang teenager. Ang cute-cute niya at halatang nagpapa-cute pa lalo na kay Doctor Miranda. Kita ko ang pag-ngiti sa labi ni doctor Miranda, pero nang humarap sa dalagita ay biglang nag-iba ang aura nito. " Keithlyn. you again? Biglang seryosong sabi ni Doctor Miranda. " Hi baby, Keithlyn, your so cute. " Bati din ni Doc Paul kay Keithlyn, ngunit hindi niya ito masyadong pinansin at naka simangot itong bumaling sa akin ng tingin. " Doc Will, sino siya? " Naka simangot nitong tanong sabay turo sa akin. Hindi ko magawang magalit sa batang ito dahil nacu-cutetan talaga ako sa kanya, lalo na at wala akong kapatid. " Siya ang bagong nurse namin dito Keith, si Bella Rose. " Dahil magkatabi kami ni Doctor Miranda kaya pumagitna siya bigla sa amin at ang kaninang naka simangot na mukha ay biglang ngumiti ng pagka tamis-tamis, pinulupot nito ang braso kay Doc Will na tawag nito kay Doctor Miranda at naka ngiting bumaling sa akin. " Hi, Ate Rose, wala po tayo magiging problema, basta hindi lang po kayo magkakagusto kay Doc Will ko. " Imbes na mainis ako sa pagka prangka at maharot ng batang ito'y natuwa ako sa kanya at kinurot ito sa pisngi. " Cute mo talaga, don't worry, wala akong gusto sa dalawang 'yan, mga kaibigan ko lang sila. " " Talaga po, mabuti naman, Kay Doc Paul ka nalang, o kaya kay Doc Rex, tara na kain na tayo marami akong dalang masasarap na pagkain at dessert kay Doc Will ko, pero share kayo kasi marami naman. " Napapa kamot sa ulo si Doc Miranda, ng hilain na siya ni Keithlyn sa mesa. Iba't ibang putahe ang naroon, pinagsisilbihan niya si Doc Will niya at nakikita ko sa mga mata nito ang kasiyahan sa kanyang ginagawa, ngunit nakakapagtaka dahil sinusungitan siya ni Doctor Miranda pagka harap, ngunit pag hindi nama'y nakikita sa mukha nito ang saya at kilig. Sinasabi ko na nga ba, nasa loob ang kulo ng Doctor na ito. " Ate Rose, from now on magkaibgan na po tayo ha, at paki bantayan sa akin si Doc Will baka kasi kung sino-sino umaaligid dito. " Naging masaya at puro tawanan ang lunch namin dahil sa kalukohan ni Keithlyn. Kami naman ni Doc Salazar ay naka tingin lang habang nagkukwento ito, at si Doctor Miranda naman ay panay lang ang iling. Tapos na kami kumain at may oras pa naman kami makapag pahinga upang makapag umpisa ulit ng trabaho ng marinig namin ang alarm, hudyat na may emergency, at kasabay noon ang pag tawag nila sa pangalan ng dalawa kong kasamang doctor at sa akin. " Paging Nurse Rose Rivera, please come to the emergency room." Hindi naman ako pang ER nurse, pero kailangan ko pa ring tumulong kaya nag paalam na kami kaagad kay Keithlyn at nagmamadali nang pumunta sa emergency room. *** Pag pasok namin ay kumilos kaagad ang mga kasama ko ngunit ako ay nanatili pa ring naka tayo at tila ba na shock sa dami ng pasyenteng naroon. " Nurse Rose! " Tila ako natauhan sa tawag ng aking pangalan at sa boses ng lalaking kinaiinisan ko. " Ano tutunganga ka na lang ba? Ang sabi ko kunin mo ang Defibrillator machine now. " Sanay naman ako makakita ng dugo pero ngayon lamang ako naka subok na ganitong klaseng emergency. Mukhang karambola ng sasakyan ang naging sanhi ng mga sugat nila. Naroon ang mga nagkalat na bubog sa kanilang katawan at ang lalaking naka higa na may tusok na bakal sa tagiliran nito. " Sorry Doc, " sa ganitong pagkakataon kailangan ko ng presents of mind at kalimutan muna ang ibang bagay, dahil kailangan namin mag salba ng buhay. Lakad takbo ang aking ginawa at kinuha ang ini-utos sa akin. " Ito na po Doc, " lapit ko kay Doc Rex habang sini- CPR ang pasyente. " Charge it to 120 joules, " sabi nito, kaya ginawa ko naman agad. " Ready Doc, " Sabay abot ko sa kanya. " Tumabi kayo, 120 joules shock, " kailangan kuryentehin ang pasyente gamit ang defibrillator machine dahil nawalan na ito ng pulso. Lahat ng ito bago sa akin, dahil kasi sa trabaho ko kaya iniiwasan kong mapunta sa emergency room. " Charge it to 200 joules, " utos ulit nito sa akin. " 200 joules ready Doc, " saka ini-abot ko ulit sa kanya ang defibrillator. " 200 joules shock. " " Wala pa rin Doc, " nakikita ko sa mukha nito ang kagustuhang maisalba ang pasyente kaya naman hindi pa rin ito sumuko at nag-C.P.R. ulit ito, short for (CARDIOPULMONARY RESUSCITATION). Nakaka-ilang minutes na siya at mukhang pagod na rin ito pero dahil sa kagustuhan nitong isalba ang buhay ng pasyenteng ito kaya hindi siya sumuko hanggang sa unti-unting bumabalik ang vitals ng pasyente. " Doc, Stable na po ang vitals niya. " Hingal at pawis na pawis ito nang matapos siya. " Ready the operating room, " sabi nito sa akin. " Yes doc. " wala akong sinayang na oras at hinanda na agad ang kailangan para maoperahan ang pasyente. Mabilis lumipas ang oras hanggang sa tuluyan nang naging maayos ang pasyente na akala ko ay tuluyan ng mamamatay, kung sinukuan na niya. Hindi ko maiwasan na hangaan siya sa ginawa nito kanina. Sa ilang araw ko dito ay hindi ko pa nakitaan ng mali ang mga kilos at galaw ang mga doctor dito. Malinis din ang records nila at maraming pasyente ang satisfied sa serbisyo nila. Pagod at gutom na ako nang matapos. Hindi ako masusundo ni kuya Lim dahil may trabaho daw ito ngayon. Hindi na nila ako sinali dahil alam nilang pagod na rin ako. Alas dyes na rin ng gabi nang lumabas ako ng hospital, dahil sa emergency kaya nakapag overtime ako, hindi ako pwedeng sumakay ng kotse ko at lalo ng motor ko kaya nag-aabang ako ng taxi sa may waiting shed ng may pumaradang itim na BMW sa aking harapan. " Hop in, " sinilip ko kung sino ito para maka sigurado ako, " Hindi na po Doc, " bali walang sabi ko kay Doc Rex, kaya lumipat ako sa kabilang side kung saan hindi naka harang ang kotse nito, ngunit dahil makulit siya kaya umatras din ito. " Sakay kana Miss Rivera, hindi naman ako masamang tao. " Dahil boss ko pa rin naman siya at naisip ko maigi na rin ito kaysa susungitan niya ako kaya sumakay na rin ako. " Saan kita ihahatid. " " Sa bahay po. " " Yeah, I know, I mean your address? " Kaya naman sinabi ko sa kanya ang address, hindi naman masyadong malayo. Naging tahimik na ang byahe namin pero maya- maya'y nagsalita rin ito. " Good job ka kanina, " sabi nito habang ang mata ay nasa kalsada. " Salamat po doc. " pagod kong tugon sa kanya. " At dahil diyan ite-treat kita ng dinner kahit late na please? Bilang pambawi ko na rin sa mga ginawa kong pagpapahirap sa'yo. " Naka ngisi nitong sabi habang busy pa rin sa kalsada ang tingin. " Inamin n'yo rin na sinadya n'yo po ang lahat ng iyon, kaya bilang ganti pakainin mo ako sa pinaka mahal na restaurant. " " Oo ba, basta magkaibigan na tayo. Ano Friends? " " Friends, " hindi ko alam saan aabot ang pagiging magkaibigan namin, gustuhin ko man tanggihan pero mas maigi na rin ito kaysa pag-initan ako nito palagi. At dahil medyo late na rin kaya wala nang bukas na fine dining restaurant kaya nauwi kami sa 24-hour open na fastfood. " Are you sure na okay na tayo dito? I mean p'wede tayo pumunta sa ibang lugar na may bukas pa. " Naka pila na kami ngayon para umorder ng pagkain, feeling ko first time niya dito. " Ayos na po dito, baka kayo ang hindi komportable dito? Ano first time n'yo po ba? " " Oo, huwag mo akong pagtatawanan. " Hay akala mo kong sinong inosente pero suki naman ng club. " Hindi po. ayan tayo na ang sunod. " Tig 1 piece chicken lang sana ang order ko pero dahil nawili daw siya sa presyo kaya halos lahat inorder nito, at take note naubos niya itong lahat. " Sarap naman pala, bakit kaya hindi ako dinadala ni mommy at daddy dito, ikaw ba palagi kang dinadala ng mga magulang mo dito? Nasaan na sila? Ipakilala mo ako. " Nalusaw ang aking ngiti sa sinabi nito, napansin niya ito kaya nagtanong siya ulit. " What's wrong? May nasabi ba akong mali? " Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. " Wala na akong mga magulang. " Nabuhay muli ang galit ko sa pamilya nila. Kailangan matapos kuna agad ang aking misyon sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD