ROSE Ilang araw din kami hindi nag-usap pero bilang doctor at nurse ay kailangan namin iligtas ang buhay ng mga taong nangangailangan ng serbisyo namin kaya ini-hiwalay namin ang personal naming buhay kapag nasa loob kami ng ospital pero kanina iba. Akala niya hindi ko nahahalata na sinadya niyang dumaan habang masaya kunyari pero ano?malaman-laman ko nalang nasa likod na pala at sinundan ako pagkarinig niya ng sinabi ko? Mga lalake nga naman. Tanaw kona ang exit kaya pagkabayad ko ng toll fee ay kita kona agad ito. Naka hinto ang sasakyan nito kaya sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Malapit na rin naman ang University kaya doon ko nalang pahihintuin. Panay na naman ang highlights niya sa likuran pero hinayaan ko na lang siya. Tawag na din siya nang tawag pero wala akong balak sagutin

