BELLA ROSE "Hay!!" " Ang lakas namang pong buntong hininga 'nun ate Rose." Nagulat ako sa boses ni Keithlyn na sumulpot sa aking harapan. " Nakakagulat ka naman Keithlyn." Makulit talaga ang batang ito. I'm sure kukulitin na naman ako nito na tawagin si Doctor Miranda. " Ate kanina pa po ako dito, pero ang lalim ng iniisip mo." Ganoon na ba ako ka tulala kaya hindi ko siya naramdaman, hindi ako ganito ah, malakas ang pandama ko lalo na pag may palapit na kalaban pero bakit ngayon. " Huwag mo ng pansinin, ano ba 'yang dala mo at para kanino? " " Syempre kanino pa ba? " Sabay taas nito ng kanyang dalang pagkain. " Kay Doctor Miranda na naman? " " Ang galing mo talaga ate paano mo nahulaan 'yun? Please paki tawag na si Doc Will my loves." Pa tweetums pa nitong sabi, may pa beautifu

