epilogue

795 Words
CYAN’S POV “Grabe!” “Obsessed pala itong si Cyan kay Jona, eh.” “Naiiyak ako na naiinis!” “Bakit ngayon lang si Nevin, ano ba!” “Don’t touch me, guys, I’m hurt!” Samut-saring mga komento ang naririnig namin sa ginawa naming project film. “Good job,” our professor said. “So, what is Criminal Love about?” Natahimik ang lahat. “Criminal Love is about betrayal. The boy who’s the killer symbolises Criminals, while the girl symbolises Love.” Jonaina answered. “As you saw in our video, pinatumba ni Cyan lahat ng mga kaibigan niya because lahat ng mga kaibigan niya ay may gusto kay Jonaina. Gusto niyang makuha si Jonaina ulit, pero dumating si Jaroslav. Jona loves Jaro so much that she could give up the wedding just to be with his beloved one.” si Kean. Tumango tango naman ang professor namin. “So, sa prologue niyo, kaninong point of view ‘yon?” “Kay Nevin po. Nevin wants Jonaina, too, but he is afraid to confess that is why noong umamin si Jaroslav kay Jonaina ay napagpasyahan niyang umamin na rin but instead, he said na kaya niyang agawin si Jonaina sa kaibigan niya. In the end, he realized na hindi na lang dahil ayaw niyang makita na malungkot ang kaibigan niya.” Si Nevin. Sus, natutuhan mo kamo. Marami pang naibatong tanong sa amin at lahat ay nasasagot namin. “Last question na,” si Klaire. “Paano ginawa ‘yong cake na may lamang loob, atay, at puso ba yon?” Natawa ako. Gusto mo bang masuka? “Bet mo bang masuka?” Si Timothy. Taray, hapon na hapon. “Actually, that was made by cat foods. Then, we put some sauce on it to look like blood. After that, we cracked the grahams into pieces tapos we mixed those ingredients. Naglagay rin kami ng suka roon para magmukhang maasim.” Pagpapaliwanag ni Jonaina. “Siya po nakaisip niyan,” sambit ko. Pinagtawanan lang sila, pati na rin ang professor namin. “Okay, since nagustuhan ko ito at kinikilabutan ako magpahanggang ngayon… 100% kayo sa project.” Naghiyawan ang mga kaklase namin at kaming pito ay nagtatatalon at nagyakapan. “Sabi sa inyo, eh!” Jaro. Lumapit ang teacher namin sa amin. “Sino ang writer at director?” “Ako po, Miss, and kuya Kean is the writer po,” I said to her. She gave us a thumbs up at pinakita ang grades namin. “Woah! Angas!” Pagyuyugyog sa akin ni kuya Kean. “Class, dismissed.” Maraming congratulations ang natanggap namin, at rants. Nakatutuwa na nakaramdam sila ng ganoong emosyon. “Nice one, mga tol! Grabe talaga, binuhat niyo ang isang hamak na katulad ko!” Si Kean. Inirapan naman siya ni Jonaina. Habang ginagawa namin ang project na ito, Jonaina and Kean are not magkasundo. They kept on barking to each other. Hindi naman nagseselos si Nevin because he knows that Kean is Jonaina’s childhood best friend. Pinagbantaan pa nga ni Kean si Nevin noong nanliligaw pa lang ito kay Jonaina. I chuckled. “Love, let’s go na. I’m hungry na,” si Jona. Yeah, she’s a conyo girl in real life but kuya Kean created her lines in Tagalog, para raw masanay. “Tara,” si Nevin. Oh, nagulat kayo? Silang dalawa ang literal na magjowa. Road to 5 years na sila. And we are currently in our second year in college, BA in Media Arts. Sa kuwento ay totoong lahat kami ay may gusto kay Jona, before. Mayroon na silang mga gf at ako na lang ang wala. Well, I rejected five girls though. Mas focus ako sa career ko since ito lang naman ang habol ko sa buhay na binigay sa akin. I don’t want to waste my time to love. Masakit ang masaktan, ano. I saw my friends having a heartbreak because of the girls that they love. Ending, sila ang naghabol. “Cyan!” One of my classmates called me. I turned my head to him and raised my right eyebrow. “Hanap ka ni Sir Gomez, may ipapatingin yata sa iyong film.” “Oh, bakit daw?” He shrugged his shoulders. “Baka kukuhanin kang director sa shooting nila.” Dagdag pa niya. Nagpantig ang mga tainga ko sa narinig, at gulat na tumingin sa kanya. Nagtataka naman ito sa naging reaction ko pero hinayaan ko na lamang siya at dali dali ko na lang inayos ang mga gamit ko. Yes! My director era is coming! — Sa pagtatapos ng aming kuwento, sana ay nagustuhan ninyo. May napulot ba kayong aral? Ako kasi wala. On behalf of ‘mga geng geng sa gedli’, signing off. Thank you so much!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD