prologue
“Hoy, Jaro! Kanina ka pa tinatawag parang walang naririnig, naglinis ka ba ng tainga mo?” Sarkastikong saad ni Jonaina.
“Huh? Saan? 14, sir!” Sigaw ni Jaro.
Tsk, tulala na naman 'tong gunggong na 'to.
“Anong 14? Mr. Martinez, Oral Communication ang subject natin ngayon!” Sigaw ng Professor namin.
He’s kinda strict pero wala yata siya sa hulog ngayon.
Kawawang Jaroslav. Tsk tsk tsk.
Yumuko naman ito at nagpaumanhin. Dinig ko pa ang bulungan ng mga kaibigan namin, inaasar si Jaro.
Sino ba naman kasing tanga ang magba-bar hanggang alas-cuatro ng madaling araw tapos papasok ng alas-otso- bangag amputa.
Nakita ko pa siyang tumingin kay Jonaina bago tumingin ulit sa unahan.
Sa wakas ay natapos na rin ang klase namin. May pupuntahan pa kami after nito dahil may surpresa raw si Jaro kay Jona. Hindi ko alam trip nito pero sasakyan ko na lang, ayokong umiyak 'to. Last time na tinanggihan ko siya ay naglaklak magdamag tapos sa akin nagpapasundo- baby.
“Bro, diretso na tayo roon. After daw magbihis ni Jonaina pupunta na raw siya roon.” Sambit ni Jaro pagkahatid niya kay Jona sa sasakyan nila.
“Hindi siya kakain muna?” Tanong ko.
Sinimangutan niya ako kaya natawa ako ng kaunti.
“Tinanong ko na siya niyan, ayaw niya raw. Sinabi ko naman na may pagkain doon kaya wala na siyang dapat alalahanin at isa pa libre roon kasi bayad ko na.” Tumataas pa ang kilay na sambit niya. Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad nang mabilis. Sinundan naman niya ako habang tumatawa.
May saltik.
We are now here sa resort na nirentahan niya. Actually, si Cyan ang nagmamay-ari nitong resort na ito, pinasarado niya muna for the meantime para maisagawa ang plano nitong gunggong na 'to.
Nilibot ko ang lugar at tiningnan lahat- simula sa mga disenyo, pagkain, monitor, at dalampasigan. Maganda, halatang pinaghandaan niya talaga. Kung bibigyan ko ng score, 7/10 lang ibibigay ko. Maganda naman iyong mga designs at color palettes, worth it pang-i********:. Hindi ko lang bet iyong nasa gitnang lamesa, may rose flowers doon... with thorns.
Anti romantic, bro!
Pagkabalik ko sa puwesto namin kung saan kami tumapak kanina, nilapitan agad ako ni Jaro.
“Kinakabahan ako, tol! Hawakan mo puso ko,” nanginginig pa niyang sambit.
Obvious naman na kinakabahan siya dahil hindi siya mapakali simula pa kanina pag-alis namin sa school.
“Kuha kang kutsilyo,” utos ko.
Napa-ha naman siya ngunit sinunod ang inutos ko. Lumapit ulit siya sa akin at ibinigay ang kutsilyong kinuha niya sa lamesa na naroon sa gitna ng dalampasigan.
“Hoy, hoy, hoy! A-Anong ginagawa mo?!” Sigaw nito nang itutok ko sa dibdib niya ang kutsilyo.
Tumingin ako sa mga mata niya, kunwari'y nagtataka at inosente.
“Sabi mo hawakan ko puso mo? Hihiwain natin dibdib mo tapos hahawakan ko.”
“Gago! Ibig kong sabihin hawakan mo dibdib ko tapos damhin mo iyong t***k ng puso ko na hindi na mapakali sa sobrang kaba ko, puta naman!” Inilayo niya ang sarili niya sa akin at kinuha ang kutsilyo. Matalim na ang titig niya sa akin ngayon kaya tinawanan ko na lang siya.
“Jaroslav, nandito na si Jonaina!” Sigaw ni Kean.
Nag-panic naman silang lahat habang ako ay nagtago na para panoorin ang inihanda niya.
Siguraduhin niya lang na maganda itong palabas niya dahil importante ang oras ko.
Nakita ko si Cyan na inihahanda ang camera para video-han ang dalawa. Sumenyas itong ready na kaya nagsimula na ang tugtog na kung saan naka-assign si Simon, halatang kilig na kilig ang gago. Ewan ko sa mga ito, nadamay lang naman ako rito.
“Ayan na, ayan na!” Sabi ni Kean habang tumitili. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa tabi ko.
“Jonaina...” rinig kong saad ni Jaro. Hinawakan pa niya ang kamay nito. Marami siyang sinabi ngunit hindi ko na ito marinig dahil hinila ako bigla ni Kean papunta sa pwesto ni Cyan. Hanggang sa...
“Pwede bang manligaw, Jonaina Yseult?” Tanong nito sa dalaga.
Tila nahilo ako sa aking narinig.
“Oo, Jaroslav Martinez.” nakangiti pa niyang sagot.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga nangyayari- nagugulumihanan. Si Kean ay niyuyugyog na ako pero wala akong pakealam.
“Oo, Jaroslav Martinez.”
Paano ako?
“Nice!” Nagsusumigaw sa saya si Jaro. “Guys, kayo ang ninong, ha!?”
Nagtawanan ang mga kaibigan namin, habang ako ay hindi mapalagay ang damdamin. Dapat masaya ako para sa kanila, ngunit bakit ganito? Nasasaktan ako.
Ako dapat yun, eh. Balak ko naman umamin, naunahan lang ako.
“Bro, ano? Ngiti ka naman dyan!” Sambit sa akin ni Jaro.
Ngumiti ako sa kanya ng bahagya.
“Anong nangyari?” Tanong pa nito. Naging seryoso ang mukha niya.
“Wala,” I tapped his shoulder. “Goodluck sa panliligaw, dude.”
Nagpaalam na akong aalis na. Kinumbinsi pa nila akong mag-stay muna kahit sandali, ngunit hindi ako pumayag kaya wala rin silang nagawa.
Grabe naman ito, Lord, sakit mo.