“Jonaina Yseult, my gosh! Saan galing iyang kuwintas mo? Mamahalin, original!” Pagkapasok ko pa lang sa room ay sinalubong na ako ni Timothy, isa sa mga kaibigan ni Jaro na pinaka-close ko.
Nahiya agad ako ng makita na lahat sila ay nakatingin sa amin. Ingay naman kasi!
“Galing kay Jaro ito,” sambit ko habang kinakamot ang batok. Ayoko ng atensyon, please lang!
Natigilan naman ito sandali at tiningnan ako sa mga mata ngunit agad din napalitan ng saya't pagtataka.
“Anong meron, girl? Chika naman!”
“A-Ano… n-nanliligaw siya…” Aish! Bakit ba ako nauutal? At mas lalong bakit natigilan na ito ng tuluyan tapos parang hindi na humihinga?
Rinig ko ang sigawan, hiyawan, at asaran ng mga kaklase ko sa akin. Mabuti na lamang ay wala pa rito sila Jaro dahil kung hindi, madaragdagan na naman ang hiyang nararamdaman ko.
“Nan… liligaw na s-siya? P-Pumayag ka?” nagtatakang tanong nito habang nasa kuwintas pa rin ang tingin niya.
Naguluhan ako sa inasta niya. Ano naman ang masama kung pumayag ako? Gusto ko rin naman si Jaro, may chance naman siya sa akin kaya pumayag ako.
“Oo,” I chuckled. “Bakit?”
“Wala lang, sana all! Hays, kailan kaya iyong akin? Bakit mo kasi ako inunahan!?” Ha? Inunahan?
“Pinagsasasabi mo, umupo na tayo, nangangalay na ako.” Sumunod naman siya sa akin. Saktong pagkaupo ko ay pumasok sila Jaro, Kean, Cyan, at Nevin.
Napansin ko kaagad si Kean na puyat, naglaro na naman siguro ito magdamag. I much surprise na hindi late si Nevin ngayon. I chuckled.
“Tinatawa tawa mo riyan, sis? Creepy mo, ha!” Pagdaldal na naman sa akin ni Timothy.
“Sira! Naisip ko lang, himala na hindi late si Nevin ngayon.” Lumingon naman si Thy sa akin at tiningnan si Nevin ngayon.
“Oo nga, 'no? Pero bakit naman yata matamlay 'yong gago?” Nagtatakang tanong na naman nito.
Hindi ko napansin iyon kasi for me, ganyan na talaga siya pero base sa sinasabi ni Timothy eh parang sumobra ang pagkatamlay niya.
“Nevin!” sigaw ni Thy.
Lumingon sa gawi namin si Nevin, ngumiti ng tipid at lumapit sa amin. Binigyan niya kaming dalawa ng high five bago umupo sa unahan namin.
“Aga aga nakasimangot ka,” sambit ko. He just chuckled at me and pinched my cheeks. Palagi na lang puntirya ang pisngi ko, ha!
“Jona ko!” madramang tawag sa akin ni Jaro. Hinampas ko nga paglapit. “Aray naman!”
“Loh, OA nito. Mahina lang naman 'yon.”
“Pabebe 'yan, eh.” sambit ni Cyan, natawa naman ako.
“Bakit nandito kayo?” tanong ko.
“Bakit nandito rin 'yang dalawa na 'yan?”
“Bawal ba?”
“Ouch, ha! Tinataboy kami!”
“Kokopya lang ako ng assignment, hehe.”
Sunod sunod na sambit nila.
“Iingay naman, letse!” iritableng sambit ni Timothy.
“Sus, sabihin mo rin iyan sa sarili mo,” pangbabara naman ni Cyan.
“Kwento mo sa nanay mo!”
“Wala akong nanay.”
“Pake ko, lumayas ka nga rito!”
Narinig ko si Nevin na tumawa kaya tiningnan ko siya. Malungkot siya, problema nito?
“Ang iingay niyo naman, maawa kayo sa tenga ng bebeloves ko!” sambit bigla ni Jaro.
“Inaangkin agad amputa!” bitter na sambit ni Kean.
“Ma-jinx sana!” si Cyan.
Ang gugulo naman nila, jusko!
“Oh, si Simon,” informed ko sa kanila.
Sabay sabay naman silang tumingin sa pintuan kung saan pumasok si Simon na tulala na naman, maliban kay Nevin na nagbabasa sa cellphone niya.
“Simon, late ka na gago!” si Kean.
Nilingon naman siya ni Simon at itinaas ang gitnang daliri sa kanila. Natawa naman silang lahat. Dinaluhan kami ni Simon.
“Kasalanan niyo 'to, mga boy! Iniwan ninyo ako sa resort putangina kayo!” nagtatampong saad niya sa mga kaibigan.
Tinawanan lang siya ng mga ito at nagkwentuhan. Si Jaro ay nakaupo sa desk ko at nakaakbay sa akin, hinayaan ko lang siya at kinuha na lang ang phone ko at nagbasa.
I saw a message from Nevin, I look at him and open his message to me.
Nevin :
Ang ganda ng kuwintas mo :)
Masaya ka ba?
Jonaina :
Of course! I'm so happy and
grateful, thanks for the support! <3
After that, he look at me and smile. I smile back to him.
Dumating na ang teacher namin kaya bumalik na rin silang lahat sa kanya kanyang upuan. Jaro gave me a forehead kiss before siya bumalik sa upuan niya.
Katabi ko pala si Timothy at Cyan, hindi pa-alphabetical ang ayos namin kung hindi by rank.
Simon : Timothy : Me : Cyan : Nevin
Ghaile : Samantha : Kean : Jaro
Ganyan ang ayos namin.
Proud ako dahil lahat kami ay nasa honors. Kahit mga loko loko sila ay hindi naman nila pinabababayaan ang pag-aaral nila kaya natutuwa ako lalo.
Nang matapos ang klase ay dumiretso kami sa restaurant nila Jaro.
Hindi niyo kaya, magpa-restaurant si uncle niyo!
“Order lang ako,” paalam ni Jaro.
“Alam mo na ba oorderin namin?” taas kilay pang tanong ni Timothy kaya tinaasan din siya ng kilay ni Jaro.
“Malamang! Palagi ba naman kayong nandito, sinong hindi makakabisado mga orders ninyo.” at iniwan na nga kami.
“Alam niyo ba,” ayan na siya. Si Timothy. “Iyong anak ni Kagawad, nilalandi ako!” Nandidiri pa niyang saad.
“Si Bianca?” tanong ni Nevin at Cyan.
Tumango-tango naman si Timothy at itinuloy ang kuwento niya.
“Sabi niya sa akin, “Thy, ako naman mahalin mo” sinabi ko na bading ako.”
“Which is true, slay.” Panggagatong pa ni Kean.
“Bobo! Pero slight, oo.”
At nagkwentuhan pa sila nang nagkwentuhan, hindi na ako nakinig sa kanila dahil hinihintay ko ang pagkain. Gutom na ako.
“Gutom ka na?” tanong bigla ni Simon. I gave him a nod.
May inabot siyang tinapay sa akin, kinuha ko naman iyon at binuksan at kinain. Nagugutom na ako, eh, ang tagal ni Jaro! Wala naman akong choice, masarap naman ang tinapay na binigay ni Simon.
“Hoy, ano 'yan!?” biglang dating ni Jaro.
Itinaas ko sa kanya ang tinapay at akmang kukuhanin niya sa akin ng ilayo ko sa kanya 'yon kaya mas lalo lang siyang nainis. Inismiran lang siya ni Simon at kinuha na ang pagkain't inumin niya.
“Hala ka, Jaro, wala pa namang kayo pinagpapalit ka na niya!” pananakot sa kanya ni Kean.
Sinimangutan niya lang ito at kunwari'y nagtatampo. Hindi ko na lang siya pinansin, wala na rin naman siyang magagawa kasi kinakain ko na, duh! Kasalanan niya, ang bagal niya.
Kumain na kaming lahat at nagkwentuhan sila about sa sport na gusto nilang subukan.
Kinakausap din naman nila ako at sinasagot ko sila. Naghaharutan pa nga kami ni Jaro sa gitna nila kaya minsan ay nag-aasta silang nasusuka.
Mga bitter!
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na nila ako sa kotse kung saan naroon si kuya Ben, ang driver namin.
“Shala talaga ng sasakyan ng mga mayayaman, BMW.” pagpaparinig ni Kean.
“Kapal ng mukha mo, para namang wala kang BMW sa bahay ninyo! Dyan na nga kayo, bye. Thank you!” sambit ko bago pumasok sa kotse.
Pagkarating ko sa bahay ay nilinis ko ang katawan ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Nag ring ang phone ko, expected na si Jaro ang tatawag o magti-text pero hindi. Si Nevin pala.
“Bakit?” tanong ko.
“Can we talk?” tanong niya rin mula sa kabilang linya.
Pumayag naman ako. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil diyan lang naman kami sa tapat ng bahay namin, ayaw ko ng lumayo lalo na't gabi na.
“Nevin,” tawag ko sa kanya ng huminto ang sasakyan sa tapat ko.
Lumabas siya mula sa sasakyan niya.
“Hindi rin ako magtatagal, may gusto lang akong sabihin sa iyo,” I nodded and give him a sign to continue.
Nagtama ang paningin naming dalawa at hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya. May clue naman na ako pero ayokong isipin.
Si Jaro ang gusto ko.
“I love you, Aina.”