chapter 2

1418 Words
JONAINA'S POV “Hello everyone, what's up? Ketchup!” Gulat akong napatingin kay Simon nang pumasok siya sa room at sumigaw. Mabuti na lang wala ang teacher namin. Late na siya, 13 minutes late. Umiling iling na lang ako at umupo siya katabi ni Timothy. “Late ka na naman, letse na 'to!” Dinig kong bulong ni Thy sa kanya. Tinawanan lang siya nito at inilabas ang notebook niya. “Anong gagawin? Patingin nga,” agaw nito sa notebook ni Thy. Aangal pa sana ito ngunit sinitsitan sila ni Ghaile, ang secretary ng school namin. Nag peace sign naman si Simon sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-uusisa sa ginawa ni Thy. Physics ang subject namin ngayon kaya medyo nahirapan ako pero keri naman. Pinili ko itong strand na 'to, kaya ko 'to! Marami akong choice pero mas pinili ko talaga ito. Hehe. Kinalabit ako ni Cyan, tinatanong kung anong sagot ko sa number 45. Girl?! Nasa 40 pa lang ako at hirap na hirap i-solve habang siya ay nasa 45 na at malapit ng matapos! Lord, sabi ko naman sa iyo na bigyan mo ako ng talino, bakit naman binigyan mo ako ng matatalinong kaibigan! Inilingan ko na lang siya, senyales na wala pa ako roon kaya't hindi na niya ako ginulo ulit. Nang matapos kami ay lumabas kami sa room, nasa may pintuan lang kami at hinihintay si Simon at Jaro. Hindi pa sila tapos kasi nga late na pumasok itong si Simon habang si Jaro ay sinisigurado ang mga sagot niya kahit alam naman naming lahat na tama lahat 'yon. Madalas siya lang ang nakakakuha ng perfect score sa amin pagdating sa physics. Naunang natapos si Simon at ipinasa ang papel niya, sinenyasan naman niya si Jaro na mauuna na raw siya ngunit hindi siya tiningnan ni Jaro kaya nagkibit balikat na lang ito at iniwan siya roon. “Ang basic naman! Hoy, Thy, mali sagot mo sa number 6! Balak ko pa naman sanang kumopya kaso rank 1 pala ako.” Pagmamataas na naman niya. Minsan, hindi ko malaman kung humble ba talaga 'to o mayabang eh. Kapag sinasabihan siya ng iba na siya ang rank 1 sa amin ay todo tanggi siya pero kapag kami lang na magkakaibigan ang magkakasama, todo yabang siya sa amin na siya ang may pinakamataas na rank sa amin. Hindi naman sa sinasabi kong niyayabangan niya kami in a wrong way, niyayabangan niya kami for clout. Papansin 'yon, eh. “Tama 'yon! Tiningnan ko pa nga notebook ko pagkatapos kong magsagot!” Pagdepensa naman ni Thy. Pinapanood lang namin sila. “Bobo, mali nga! Promise!” “Paano naging mali 'yon?” “Ang iingay ninyo, pinagtitinginan na kayo ng mga estudyante't guro rito!” Biglang sulpot ni Jaro, inakbayan niya ako. Hindi ako kinikilig, guys, kinindatan niya lang naman kasi ako! Tinaasan lang siya ng dalawa ng kilay at naglakad na papalayo. Rinig pa namin dito ang usapan nila kung bakit mali ang sagot ni Thy sa number 6. “Sa totoo lang, pareho lang naman silang mali.” Sambit ni Cyan at tinawanan lang namin siya. “B sagot ko roon eh,” sabat ko. “Ako rin naman.” Sabay-sabay nilang sagot. Nagkatinginan kaming lahat at tumawa nang malakas. Mabuti na lang ay wala na kami sa mga rooms, nasa field na kami. Napalingon ang dalawa sa amin kaya mas lalo lang kaming natawa. “Jona, can we talk?” Pag-aaya ni Jaro sa akin. Tinanguan ko lang siya at in-excuse ang mga sarili namin sa kanila. “Anong gagawin niyo, ha?” Nang-aasar na sambit ni Kean. “May pag-uusapan lang,” I chuckled to him and walked away. “Hoy sa cafeteria, ha!” Pahabol na sigaw ni Simon. I just raised my hand signing okay. We are now here sa tambayan ng mga students kapag free time, sa may puno kung saan may tatlong lamesa at upuan na bato. Naupo kami roon sa may gitna. “Anong pag-uusapan natin?” I asked. Tumikhim muna siya bago tingnan ang mga mata ko. Ang talim niya tumitig at seryoso siya, kinabahan ako… medyo. I found it attractive kasi whenever he is serious. “I know Nevin and you talked,” he started. Oh, he knew? “A-Ah, yeah… What's the matter?” I asked nervously. “And I also heard that he visited you that night sa house niyo. Anong pinag-usapan ninyo?” I scratched my nose and looked away. “He confess…” “I love you, Aina…” He said. I was so shocked and confused. I knew I heard it right, and I am not dreaming. “Pardon, Mr.—” “You don't need to say something or reject me, Ms. Yseult, I knew my limitations but I just wanted to informed you na kaya kitang agawin mula kay Jaroslav… kahit hindi pa kayo.” He seriously told to me those words and smirked. “I'm sorry, Nevin, but I don't love nor like you.” “I know, that's why I planned something.” He smiled and leave me. Planned… something? “That's it, nothing's more…” I nervously informed him. He smirked and hold my hand. It's been 2 weeks and 3 days nang manligaw siya sa akin. I promised to myself na kapag umabot siya sa birthday ko ay siya na talaga ang para sa akin. Which is sa November pa so 4 months na lang. “I love you so much, you know that?” He said softly. I nodded and gave him a warm smile. I stood up and give him a hug. “I hope you are not mad at him, Jaro, because if you ask me, I am not mad at him.” I said sincerely. “But I don't have any feelings towards him, okay? Just you, only you…” “Yes, I know…” And he gave me a soft kiss sa forehead ko. “Let's go?” I said and he nodded. We walked sa field habang magkahawak ang mga kamay. Some other girls looking at us and whispers. Oh well, I forgot to tell you guys that Jaroslav Martinez is the heartthrob here in our campus. “Tagal niyo,” Cyan said ng makita kaming papalapit sa table nila. I gave him an apologetic smile. Umupo ako sa tabi niya habang si Jaro ay nakaupo naman sa gitna nina Simon at Nevin. Kinabahan ako bigla ng magtama ang paningin ng dalawa. “Kain na, boy, ano pang hinihintay mo riyan? Pasko?” Si Thy. I just rolled my eyes on him, joking, and ate my food that they brought. As expected, they were so loud that many of the students looking at our table. Cyan and I are just quietly eating while the others are so daldal! “Anong sagot mo sa number 45?” Cyan suddenly asked. Nabulunan ako ng kaunti kaya binigyan niya ako ng tubig at tinap ang likod ko. “69, bakit?” Umuubo pang sagot ko. Natawa siya nang mahina at umiling. Tama naman sagot ko, ah? 69 'yong lumabas sa scientific calculator ko, eh! “Hindi mo ba gets?” Tanong na naman niya. Umiling ako and suddenly, I realized what was he meant kaya hinampas ko ang braso niya at tinitigan siya ng masama. “Tinatawa tawa mo riyan?” Tanong ni Jaro kaya tiningnan ko rin siya ng masama habang si Cyan at tawa pa rin nang tawa. Umiling iling si Cyan. “Tinanong niya kasi ako kung ano raw sagot ko sa number 45, sagot ko 69 tapos—” at tumawa na naman siya but this time sobrang lakas na. Nang ma-realize naman ng iba ang sinasabi ko ay tumawa rin sila habang si Simon ay nag-iisip at… tulala. “Akala ko 64?” Tanong niya sa hangin. Mas lalong natawa ang mga kaibigan namin, mas malakas na nga ngayon ang tawa ni Thy kumpara kay Cyan. Mga baliw. “Ewan ko sa inyo!” Padabog kong kinain ang pagkain ko at hindi na sila pinansin. Ilang minuto pa bago sila matapos sa katatawa at nagkwentuhan na naman sila. Pagkatapos kong kumain ay napatingin ako sa gawi ni Nevin at parang gusto kong bawiin dahil nakatingin na pala siya sa akin na may halong ngisi sa mga labi. Hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik na kami sa room after kumain. Hindi na rin sila nakapagdaldalan dahil pumasok na ang Mathematics teacher namin. STEM Students kaming lahat, fyi lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD