Haliya's POV
Grabe naman si Ma'am hindi man lang ako binigyan ng panahon para huminga muna. Ito na ako ngayon hinahatid ni Ma'am sa office ng gobernador. Parang kahapon lang niyanig ako ng balita, pinamigay ako ng HR department!
"Hihiram-hiramin ka naman dito, Liya ha"
Sabi ni Ma'am habang palapit kami sa sliding door ng office ni Gov.
Naalala ko tuloy ang drama ni Ate Chen before kami umuwi, hindi pa nga raw kami masyadong close aalis na agad. May nalalaman pa s'yang fake tears kaya tawa lang kami ng tawa ni ate Ann sa drama n'ya.
Pagbukas namin ng pinto ang lamig, pang karne na ata yung aircon dito hindi pang tao. Sumalubong samin ang pa-L shape na beige sofa na may glass table. Super elegant naman ng dating ng office, halatang pinaghandaan nila ito ah. Sa right side may dalwang table, may pagitan naman sila mas malapit sa entrance itong babae, katabi n'ya yung lalaki na nakasalamin. Cute ni kuya ang taba ng pisngi, si Ate busy sa mga papers n'ya at wala ring PC or laptop sa harap n'ya. Samantalang si Kuya naman busy sa PC na kaharap n'ya, bukod pa yung laptop na bukas rin katabi ng PC nito.
"Good morning, ma'am"
Agad na tumayo yung babae at binati si Ma'am, bata pa si Ate parang ilang taon lang tanda sakin. Mukha rin s'yang shy type na mahinhin, tapos ang simple n'ya lang din.
"Good Morning Tin, ito si Haliya yung OJT namin."
Pakilala nito sakin, agad naman nalipat sakin ang tingin ni ate na nginitian ko din agad. Nagulat pa ako ng mas lumapit ito sakin ang hinawakan agad ang isa kong kamay.
"Welcome, Haliya. Mabuti nalang pumayag si Sir na may madagdag dito"
Medyo mahinang sabi nito sakin at medyo nag side eye pa dun kay Kuya na busy sa PC n'ya.
"Ayaw kase ni Gov na maraming tao sa office n'ya, Liya"
Pabulong din na sabi ni Ma'am na medyo natatawa pa, ibig sabihin si Ate Tin at si Kuyang Cute lang pala talaga rito. Siguro naiinip itong si Ate kaya mukhang masaya s'ya, mukha kasing busy lang palagi si Kuya.
"Ako na po bahala sa kanya, Ma'am"
Sabi ni ate kay Ma'am, nag usap pa sila saglit habang ako'y pangiti ngiti lang dito. Base sa mga naririnig ko need ni ate ng assistant keneme. Marami kase syempre pumapasok na papel and everything, tapos kailangan ibalik sa mga departments ganun. Bali ang pinaka magiging trabaho ko ay tagahatid ng papel at kung ano pang mga bagay na need ng tulong ni Ate.
"Pakilala kita kay sir Alex"
Bulong ni ate matapos makalabas ni Ma'am sa office, humawak ito sa braso ko at bahagya akong hinahatak papunta kay kuyang Busy.
"hmm... sir Alex excuse po, ito si Haliya galing sa HR. OJT po at s'ya magiging katulong ko sa mga paper works pansamantala"
Hindi naman parang kinakabahan si Ate Tin pero mapapakinggan mo yung respeto sa way ng pagsasalita n'ya kahit na parang same age lang naman sila. Tumingin naman sakin yung lalaki, sakin to be exact. Medyo nagtagal ito sa mukha ko ba parang binabasa ako nito, medyo nailang din ako. Maya-maya lang ay tumayo ito at nilahad ang kamay n'ya.
"Welcome sa Governor's office, Haliya. You can call me Kuya Alex nalang, isa lang naman ang rule dito. Kung ano mga malalaman, mababasa at mangyayari sa loob ng office na ito ay dapat manatili lang sa office na ito"
Nakangiti ito pero medyo kinabahan ako sa rule na sinasabi n'ya, parang medyo may pagbabanta. Pumapatay ba sila sa loob ng office? Di ko nga alam kung nung kinamayan ko s'ya maramdaman n'ya yung panlalamig ko.
"Noted po, kuya"
Kinakabahag sagot ko rito, nakangiting tumango lang ito at naupo para bumalik sa ginagawa n'ya.
Bahagya naman ako ulit hinila ni Ate palapit sa table n'ya, may extra chair naman ito. Ang shala nga kase yung extra chair hindi yung plastic na bangko, yung kahoy, tapos silang ni kuya syempre naka office chair. May dalwang ganito ring upuan sa harap ng table ni Kuya.
"Pag papasok ka dito ang pwesto mo sa gilid ko ha, Liya"
Sabi ni ate ng makaupo na kami pareho, magkatabi kami at share sa table n'ya.
"Basta wag kang basta papasok d'yan sa office ni Gov. kung hindi ka pinapatawag or inuutusan ni sir Alex"
Sabi ulit nito at tinuro yung pinto malapit sa gilid ni Kuya Alex. Ganito kase yung pinakang itsura ng office, pag pasok mo ng sliding door una mo makikita yung pa-L shape na sofa medyo malaki s'ya, parang pwede nga matulog dun. Yung sofa nakadikit s'ya sa wall, kumbaga is parang pa-square ang shape nitong room at yung sofa ay nandito sa left side na corner. Itong table naman ni ate malapit sa entrance pero andito s'ya sa right side at nakaharap sa left side. Pag pasok mo talaga ng pinto makikita ka agad ni ate, tapos mga 5 steps lang table na ni Kuya Alex na katapat nung L shape na sofa. May mga Cabinets sa likod ng table ni Kuya at Ate meron din kaunting space para sa water dispenser at maliit na table sa tabi nun para sa mga kape at mugs.
Diba magkatapat yung sofa at si Kuya Alex, sa pagitan ng sofa at table ni Kuya Alex may pinto. Yan siguro yung pinaka office ni Gov. na sinasabi ni ate na wag basta basta pumasok. Baka nga kahit pwede ako pumasok dyan hindi ko parin tatangkaing pumasok, paano kung natatandaan parin ni Gov. itong pagmumukha ko.
Naging maayos naman ang umaga namin ni Ate, maraming papel ang pumapasok na si Ate ang tumatanggap. May kung ano s'yang tinitingnan kung tama ba, after nun is ihahatid ko naman kay Kuya Alex. Ang organize nila pareho sa papel lalo na si Kuya Alex, kung sino talaga yung unang papel na dumating sakanya yun ang una n'yang ginagalaw. After ng papel kay Kuya Alex dadalhin ni Kuya Alex sa loob ng office, ibig sabihin andyan ni Gov hindi lang namin masyado ramdam. Minsan minsang pumapasok din si kuya Alex dun tapos pag labas may dalang papel. Tapos ibibigay kay ate at si Ate naman ipapabatid sakin sa kung saang department nararapat yung papel.
Ganun ang naging takbo ng araw namin, bali ako yung taga lakad ng papel sila ate at Kuya ang taga check kung pasado ba sa taste ni Gov ang nakasulat. May mga ilang sandali rin naman kaming nag uusap ni Ate, tinatanong n'ya ako about sa sarili ko syempre.
"Tin, order lunch na"
Napangiti ako ng biglang magsalita si Kuya Alex, hindi ito nagtatapon ng tingin samin pero ang cute lang kase ng may pagka-conyo yung s'ya.
"For four person po ba, sir?"
Agad naman na response ni Ate Tin dito na hawak agad cellphone n'ya para mag order.
"Sure sure. Apat na tayo rito e"
Sagot ni Kuya Alex at nakangiting tumingin sakin.
"ahm ano po... uwi nalang po ako, malapit lang naman po dorm namin dito. Hihintayin po kase ako ng friends ko, may luto na po kaming pagkain kaninang umaga"
Magalang na pagtanggi ko rito, bukod sa kinakabahan kase ako na baka magtagpo ang landas namin ni Gov ay totoo namang may pagkain na talaga kaming niluluto sa umaga for lunch.