Chapter 1
Haliya's POV
4th year, sabi nila malapit na pero parang mas lumayo pa yung pakiramdam. 4th year na may kasamang stress at pressure ng buhay, bigat buhatin. Pero totoo pala yung mas maganda pag no choice, andun ako sa sitwasyon na yun ngayon. No choice kundi ipagpatuloy, no choice para iwas disappointment. Positive person naman ako pero syempre kasama sa laban yung parang gusto mo na talagang sumuko.
Bakit ba parang ang drama naman ng buhay ko, ako si Haliya Patlang. Ang weird ng last name ko diba? Apelyido palang halatang palaging may kulang at hinahanap. Dalwa nalang kami ng Ate ko dati, pero may anak na s'ya and ka-live-in na super bait na si Kuya. Nung nabuntis si Ate akala ko matitigil na ako sa pag-aaral ko, 2nd year palang ako nun. Super thankful ako kay Kuya kase s'ya pa mismo nag push sakin na ipagpatuloy ko raw.
"Hoy teh! magbuhat ka rin ng mga gamit mo, feeling Disney Princess ka talaga"
biglang sabi ng kaibigan ko sa kalagitnaan ng pag-moment ko rito. Pupunta na kaming apartment kase sa kabilang bayan pa yung school.
"ay sorry naman, akala ko ikaw na e. hehe"
Sinamaan ako ng ng tingin nito, s'ya si Daniella ang bff for life ko. Sa totoo lang para s'yang nanay ko, s'ya kase taga luto at kung ano-ano pa.
Ganito kase yan, nakatira kami sa isang maliit na Isla. Ang Isla namin ay nahahati sa tatlong bayan, at yung college dito ay isa lang na may dalwang kursong pwede mo kunin. Sa maniwala kayo or hindi ang pangalan ng Isla namin ay Isla Mapagmahal. Heart shape kase s'ya pag tinitignan mo sa mapa, sa tatlong bayan yung pinakagitna ang tinatawag na Bayan ng Mapagmahal. Ang bayan ko ay Bayan ng Pagkakaisa at yung isa pa is Bayan ng Sangirin, Located ang aming isla somewhere in Quezon Province na pwede mo lang talagang mapuntahan gamit ang bangka.
"Tito, tingnan n'yo po si Daniella oh. pinagbubuhat ako ng mabibigat"
Sumbong ko sa tatay nito na s'yang may-ari ng tricycle na magdadala sa mga gamit namin.
"Dindin, ang liit liit na nga nyang kaibigan mo pinagbubuhat mo pa"
Medyo natawa naman ako sa naging reaction ni Ella, hindi dahil sa sermon ng tatay n'ya kunti dahil sa pagtawag nito ng Dindin na ayaw na ayaw n'ya.
"Pa! atsaka mga gamit naman n'ya yan, no"
ungot nito at pinanlakihan pa ako ng mata, nag-peace sign nalang ako dito at tumulong na rin.
"mag-ingat sa pagmamaneho ha, susundan ko lang kayo dahil di ko naman alam kung saan yung apartment na nakuha n'yo"
Paalala ni Tito ng matapos na namin maisakay lahat ng gamit sa tric n'ya. Puno kase yung tric n'ya ng gamit naming dalwa, at kaming dalwa ni Ella ay sasakay sa motor n'ya na syempre angkas lang ako.
May hangganan lang kase ang mga tric ditong may pasahero, sa boundary ng bawat bayan at may paradahan ng tricycle. Ang mga nakatira sa Pagkakaisa na tricycle drivers ay hanggang sa Pagkakaisa lamang pwede maghatid ng pasahero. Kung gustong lumapag ng pasahero kailangan n'yang bumaba sa boundary at lumipat sa tric na taga doon sa kasunod na bayan.
Kaya naman sabi ni tito sa tric n'ya mga gamit tapos kami ay mag motor, wala naman syang taong sakay kaya hindi need mag transfer ng sasakyan at palampasin s'ya sa boundary. Naka-motor naman kami kaya hindi rin kami haharangin at pabababain dun.
Nakarating kami sa apartment at nagpaalam kay tito, andito na rin yung iba naming kasama na kaklase rin namin. Dalwang malaking kwarto ang ang meron dito, bukod ang CR sa paliguan na kung tutuusin ay pwede rin maligo dun sa CR. Amin kaming uupa kaya tig-tatlo sa bawat kwarto, sabi nung may-ari wala naman problema kung kahit ilan kaming umupa basta 3,500 ang month at samin ang kuryente at tubig.
Kung tutuusin super mura na nun kasi almost tig-600 pesos lang kami per month, sabi rin ni Ateng anak ng may-ari baka raw mag range lang ng 100 to 200 bill namin sa tubig. Sa kuryente naman ay mga 800 pero depende sa mga appliances na dala namin. Okay na rin yun kase anim naman kaming mag hahati-hati.
"Hello people!"
agad na bati ko sa apat na babaeng nakahiga sa sala ng apartment namin, nasa paligid pa ang mga gamit nito pero mukhang hinang hina na sila.
"animal ka! bago palang ako makakatulog e. nakakapagod maglinis"
reklamo ni Ysa na isa sa apat na kaibigan/kaklase namin.
"hala! super thank you guys, sipag n'yo talaga"
masiglang pasalamat ko sa mga ito at nakisiksik sa gitna nila.
"bwisit ka, Haliya!"
reklamo ni Love na medyo naipit na pagsiksik ko sakanila, matapos yun ay medyo nagkwento muna kami bago nag-ayos ng mga gamit. Bukas na ang start ng klase namin, dalwang subject nalang ang meron kami pero super bigat kase OJT at Research magkasabay.
---
"Good morning, Ysa!"
masiglang bati ko kay isa Ysa na busy pag hugas ng mangkok.
"AAAHHH! walangya ka"
gulat na sigaw nito at muntik pa akong matamaan ng sponge.
"ay wow! Ikaw nga ginawang martilyo yung mangkok, sobrang ingay mo kumilos sa kusina teh."
reklamo ko dito habang papunta sa CR, hindi kase ako nagising sa alarm ko kundi sa ingay nya sa kusina.
"oo nga teh. magdahan-dahan ka naman, ang lapit ng kwarto namin oh"
Rinig ko namang segunda ni Ella na kakagising lang din.
"hehe. sorry naman, atsaka tama lang yan para magising kayo. First day na first day baka malate pa kayo e"
Wala na rin naman kaming nagawa, nagtimpla nalang ako ng kape at pinauna silang maligo kase matagal akong magkape, hindi rin naman ako nag-aalmusal talaga.
"oy dalaga na si Haliya, may heels na ang sapatos n'ya"
pang aasar sakin ni Ella paglabas ko ng kwarto namin, ako nalang kase inaantay nila.
"sira! kailangan kase sa OJT, alam mo na office girl ang atake natin"
saming magkaklase kase ako yung pinakang hindi maayos talaga, pati nga pulbos at pabango lang hindi ko pa magawa. Ligo, toothbrush at deodorant lang talaga ginagawa ko, kaya nga ako rin huling naliligo kase alam kong marami pa silang keneme na gagawin after maligo.
"putanginang heels yan!"
pag pasok ko palang sa computer laboratory namin hinubad ko agad yung sapatos ko, nagtawanan naman silang lahat sakin. Paano ba naman kase medyo malayo yung apartment sa school, tapos tagal pa naming nakatayo sa flag ceremony dahil may kung ano-ano pang sinabi yung Dean namin.
"masasanay din yang paa mo, girl"
natatawang sabi ni Rain, isa pa sa mga girl friends na kaklase rin. 15 lang kami sa klase, 5 boys and 10 kaming girls. Lahat kami super closes sa isat-isa, siguro dahil na rin nga kakaunti kami.
Isa lang klase namin which is all about sa OJT s'ya, itong first week is pag asikaso namin ng mga papers for deployment sa OJT. Second week ang deployment na namin pero 3rd week kami mag start nung mismong OJT. Plano kase nilang patapusin muna ang Acceptance and Acquaintance party. Lalo na at halos lahat kami Officers, yung iba sa student council at yung iba mga officers ng organization.
Bago ko pa makalimutan gusto ko lang describe self ko para ma-imagine n'yo naman kagandahan ko. I'm a 23 years old kase nag stopped ako ng 2 years nung pandemic, 4'9 ang height pero sa totoo lang 4'8 yan pero pinaglaban ko na kailangan naka-round off yun. Curly hair as is, yung kulot na tulad nung buhok ni Mother Mary sa simbahan, at ok fine tanggap ko na hindi ako maputi pero hindi rin naman yung super brown ha. Yung color ng skin ko is masasabing average Filipino color. Hoy! imbento, di ko alam term basta yung sakto lang. di maputi pero di rin naman masasabing maitim