Haliya's POV
Earth ang theme ng Acquaintance party namin kaya ito na naman, babaeng babe sa suot kong square neck na may tie yung naka ribbon shape sa may dibdib sexy puff sleeve green dress. Light green lang naman, tapos may mataas na slit sa bandang kanan. Kitang kita naman hita ko rito pag gumagalaw, mabuti nalang may tali sa may bandang dibdib kaya hindi naman na-reveal ang mga boobies ko. Wala rin naman akong karapatan magreklamo kase hiram ko lang naman ito.
Si Rain naman as a kikay na friend s'ya naman nag desisyon sa buhok ko. Nakalugay lang naman ang pansit canton buhok, tapos nilagyan n'ya nitong panyo na kakulay ng dress ko. Parang ginawa n'yang hairband tapos naglagay ng kunting takas na hibla ng buhok dito sa harap ng mukha ko. Infairness masasabi kong ang cute ko naman pala talaga.
"Ayan, dalagang dalaga kana talaga"
sabi pa nito matapos lagyan ng liptint ang labi ko.
"salamat po, mama Rain"
pabirong sagot ko rito na tinawanan nalang naming dalwa, agad na rin naman kaming umalis sa apartment matapos ang lahat.
Simple lang naman ang ayus ng school, dito kami sa covered court na nasa center mismo ng maliit na campus namin. Nakaikot ang table ng bawat year and class sa tabi, ang gitna ang dance floor at sa pinakang harap ng lahat nandun ang stage kung nasaan ang table ng mga faculties at bisita.
"ay wala pa si Gov.?"
Rinig kong malungkot na sabi ni Love sa likod ko matapos namin makaupo, syempre ako dito sa may tapat mismo ng table kase may spaghetti kami.
"huh? ayun si Albert oh, crush mo ba yun?"
pang-aasar ko rito, si Love kase ang executive secretary ng student council at si Albert ang governor na hate na hate ng lahat kase wala naman daw naaambag kundi ang pumirma lang ng mga papel.
"eww teh! Hindi yang gov na yun, yung gov na nanalo."
inirapan pa ako nito sabay bahagyang hampas ng pamaypay n'ya sakin. Hindi ko matandaan ang itsura ng bagong elected na Governor dito sa Quezon, pero ang alam ko lang taga rito s'ya sa Isla at mas piniling dito manatili na Isla. Hindi naman problema ang pagbyahe dahil sa kabilang dulo which is a bayan ng Sangirin ay 15 minutes na bangka lamang at makakarating kana sa pinakamalapit na Bayan kung saan mayroon ding kapitolyo doon ang Gobernador.
Medyo naging complicated lang ang naging botohan nitong nakaraang dalwang buwan, ang gobernador kase ngayon ay ang anak ng dapat talagang gobernador. Namatay nga lamang ito isang buwan bago ang mismong election, kaya agarang ipinalit ang anak nito. Akala ng kalaban nilang partido pagkakataon na nila yun pero ang pamilya ng Gobernador ay malakas at kahit hindi pa man ito tumatakbo noon ay nakakatulong na talaga sila. Maraming mga trabaho ang palaging open sa oras na lumapit ka sa tanggapan nila, kalat ng negosyo ng pamilya nila sa buong bansa, sa pagkakaalam ko ay mayroon din sa ibang bansa.
Akala ko pa nga nung una ay pinapairal lang din ng pamilya nila ang pera, mali ako dahil simula't sapol ay mapagbigay ang pamilyang yun. Saludo ako sa mga tulad nilang bokal sa puso ang pagtulong, may ilang mga kwento na napilitan lamang daw pumalit ang anak nito. May sariling negosyo na raw kase at nakapagtapos sa kursong engineering sa ibang bansa. Pero dahil na rin siguro ang kapatid nitong babaeng bunso ay nag-aaral pa sa collage no choice na s'ya.
Nagsimula na ang program at kung sino-sinong nagsalita, natawa pa nga ako kase ng magbigay ng speech ang Governor ng student council ay puro irap nalang si Love sa mga sinasabi nito. Kasunod ay ang pagbibigay ng sertipiko sa mga estudyanteng kasama sa Dean's Lister, I'm proud to say sa kaming 15 sa klase ay kasama lahat. Yun naman kase talaga ang goal naming magkaklase, dapat walang maiiwan. Kaya masasabi kong sa college talaga malaking impact din yung mga taong makakasama mo. Paswertehan na lang din talaga, isa kami sa mga swerte dahil lahat kami ay pamilya na ng isa't isa.
Matapos ang picture picture ay simulan na rin ang dinner, mukha raw kasing male-late ang Governor which is ok lang naman. Governor yun girl, swerte na nga lang kung pupunta yun sa ganito kaliit na celebration. Sabi lang din kanina ng dean na pupunta naman daw, isa na rin sa mga dahilan is dahil nga bigla nitong pinalitan ang posisyon ng ama ay sa kahit maliit na pagtitipon sinisikap nitong pumunta upang magpakilala sa tao.
"beb! beb!"
tiningnan ko ng masama si Ella ng paulit ulit ako nitong sinisiko ng mahina habang kumakain ng spaghetti.
"ano ba yun?"
paangil na tanong ko rito bago kumagat sa shanghai na ninakaw ko sa kabilang table.
"kung ako sayo iihi muna ako"
may hidden meaning na sabi nito na kinatigil ko, ano namang problema nito at pinapalayas ata ako.
"hindi ako naiihi, kita mong kumakain yung tao e"
Inirapan ko ito at sakasusubo na sana ulit ng spaghetti ng pigilan nito ang braso ko .
"umihi kana girl, wag matigas ang ulo"
Napangiwi pa ako ng dumiin ang hawak nito sa braso ko, pinanlakihan n'ya rin ako ng mata at tumingin sa kung saan. Nung oras na tingnan ko ang tinitingnan n'ya ay pati ako nanlaki na rin ang mata.
"parang naiihi nga ata ako"
natatarantang sabi ko rito na bahagyang kinatawa nito, lalo akong nataranta ng mag play na ang sweet na tugtog. Napamura nalang talaga ako ng tangina sa isip ko, at nagsimulang tumakbo papuntang cr.
Simula last year kase may weird na guys na pinanganak atang epal sa buhay ko. Ang nakakahiya lang sinasayaw n'ya ako sa tuwing busy ang iba, like nag re-request talaga s'ya ng kanta tapos aayain ako. Ending is kaming dalwa lang dun sa gitna ng dancefloor tapos walang ibang sumasama, last time pa nga nagpalakpakan sila after namin magsayaw.
Mas lalo akong nataranta ng makitang nagtanong kay Ella tapos napatingin s'ya sa gawi ko, hinawakan ko na ang dress ko para mas mabilis makatakbo. Putek yan!
Pag pasok ko sa building kung saan nandoon ang mga CR imbes na sa kaliwa ay pinili kong sa kanan lumiko kung saan ang mga classrooms.
"f**k!"
saktong pagliko ko may nabangga akong someone na hindi ko na muna tiningnan kong sino at nasama na s'ya sa pagtulak ko sa pinto ng unang room. Naririnig ko kasing tinatawag ni Romel, name yan nung lalaking sinasayaw ako palagi.
"oh my God! ang pagod bwisit."
hawak hawak ko pa ang dibdib ko matapos kong maisarado ang pinto. parang nabato naman ako ng maalalang may dinamay nga pala akong tao. Agad naman itong natagpuan ng mata ko sa harapan ko mismo at seryosong nakatingin sakin, kunti man ang linawag sa loob na galing lang sa bintana. Masasabi kong matangos ang ilong nito at maputi ang balat, ang tangkad at sakto lang yung katawan. What I mean na sakto lang is matured na yung katawan, parang yung mga oppa na may abs. ay talaga ba Haliya? Ngayon pa talagang gaga ka.
"hala! pasensya na po. Sorry talaga, may weirdo kasing humahabol sakin"
paulit-ulit akong yoko sa harap nito, Korean na ako? ang tangkad n'ya like parang medyo malapit lang yung height ko sa balikat n'ya, yung katawan n'ya parang mga 27-28 na s'ya ganun. Baka isa ito sa mga Alumni na guest tapos ganito salubong ko, patay ako nito.
"It's fine. I need to go"
seryosong sagot lang nito at saka nilampasan ako para lumabas na ng pinto syempre.
"Haliya!"