Haliya's POV
"Haliya!"
Gumana na naman ang katangahan ko at agad pinigilan ang kamay nitong humawak na sa doorknob ng pinto. Andyan pa kase ang kutong lupang lalaki, talagang pati sa CR balak ata ako sunduin.
"look miss-"
tinakpan ko na ang bibig nitong balak pa magdaldal, alam na nga may posibilidad na marinig kami. Natikda pa nga ang paa ko para hindi mahirapang takpan bibig n'ya sa tangkad n'yang yun. Pinapakinggang ko pa ang yabag sa labas kung andyan pa ba ang kumag. Nangangalay na paa ko kaya balak ko na sanang hayaan na s'ya kase siguro naman gets na n'ya yun na wag muna maingay. Pero nagulat ako ng humawak ang isang kamay nito sa bewang ko na parang sinusuportahan ako.
"ang tagal naman mag-CR nun"
nawala ulit dito ang atensyon ko ng marinig ang boses sa labas, mukha aalis na rin s'ya sa wakas. Nakahingi naman ako ng maluwag ng wala na akong marinig
"Haliya huh."
may kilabot na dala ang pagbanggit nito sa pangalan ko kaya naman bahagya ko na s'yang tinulak dahilan para mabitawan n'ya ang bewang ko.
"So-sorry po talaga"
nakayukong muli kong paghingi ng pasensya, ilang sandali itong walang imik or kilos pero hindi parin ako nag-angat ng tingin. Hanggang sa nagpasya nalang sigurong lumabas s'ya ng tahimik na ikinahinga ko ng maluwag.
Nag-antay pa ako ng mga isang minuto bago ako nag desisyon na bumalik na, rinig ko na rin naman na masigla na yung music.
"congrats! nalampasan mo ang sumpa ng kahihiyan mo."
Tumatawang salubong sakin ni Ella at may pagyakap pa s'yang nalalaman talaga.
"Kung alam mo lang, teh."
walang energy na sagot ko rito, si Rain at Anna naman ay nakikita kong nakikigulo na gitna.
"Asan pala si Ysa at Love?"
tanong ko dito dahil kami lang naiwan at ang ilang boys na busy naman mag tingin ng mga babae sa paligid.
"ay oo nga pala, girl!"
excited ako nitong hinikit sa braso para mas lumapit sa kanya habang nakaupo kami, ang hirap kase mag-usap pag malakas ang music.
"dumating na si Gov.! hindi yun Gov ng student council ha, and girl I'm telling you super super pogi!"
With hampas pa yan sa balikat ko, tingnan mo itong babaeng anak ng oa na ito. Na-curious din tuloy ako kung anong itsura, alam ko na gwapo yun sa isang poster before. Pero di ko alam kung may sakit na ako, pag isang beses ko palang kase nakikita ang mukha ng isang tao kinabukasan limot ko na yan agad.
"Ang bango n'ya"
pigil ang kilig na sabi ni Love ng makabalik samin, sige isa ang mga student councils sa sumalubong. Hindi na ako nakinig pa sakanila ni Ella na dinagdagan ni Ysa, paano ba naman kase mukha silang mga timang na nahahawakan ng kamay. Alam mo yung kada-kunting kwento may pisilan ng kamay sabay pigil na mga ngiti. Medyo abnormal sila sa part na yan, akala ko matatalino yan eh.
After ng isa pang kanta ay kinuha ulit ng Dean ng school namin yung mic at nagsalita, ngiting ngiti naman s'ya akala mo nanalo ng milyon ang school.
"Good evening...."
Dami n'yang sinabing hindi naman ako interesadong pakinggan, hindi ko naman s'ya hate pero tinatago kase nitong mga boys ang shanghai. After kung maging successful na maagaw ang isang shanghai bigla naman silang nagpalakpakan, syempre nakipalakpak din ako.
"ano raw yun, teh?"
tanong ko sa katabing si Jan na s'yang kaagawan ko kanina, pero parang mali ako ng napagtanungan e. Felling ko nakipalakpak lang din s'ya.
"bakit sakin mo tinatanong?"
nakangising sagot nito, sabi na wala rin ambag sa life e. Pero hindi kailangang sagutin pa ang tanong ng may magsalita ulit sa mic na s'yang kinahulog ng shanghai ko.
"ay bobo! sayang tuloy."
reklamo pa ni Jan na tinangka pang saluhin ang shanghai pero sahig na ang nakinabang. Wala akong pakialam sa kadramahan nila ng shanghai, oh my God! bisita nga ata ng school yung lalaki kanina.
"Good evening...."
s'ya talaga! boses palang e, mas gwapo pala s'ya pag maliwanag. Wait! dapat hindi n'ya ako makita, sumandal ako sa bangko at medyo nag-slide pababa para hindi ako masyadong pansin you know. Hindi naman kami yung mismong katapat ng stage kaya ok lang, di naman siguro masyadong pansin.
"kilig na kilig ka rin e"
nang-aasar na sabi ni Jan at medyo siniko pa ako, anong kinikilig na pinagsasabi nitong lalaking ito. Pag tingin ko sa mga kaibigan ko ngiting ngiti ang mga maharot na babae. Di ko naman sila masisi kase gwapo naman talaga.
"gwapo rin naman talaga yang si Gov"
rinig ko pang sabi ni Jan na s'yang kinawindang ng pagkatao ko.
"yan pala si Gov?"
patay malisyang sabi ko dito.
"Sus! kunyari pa hindi kilala. pulang pula nga rin yang mukha mo"
dagdag na pang-aasar nito, bakit ba ang daldal nito. Sana dun nalang s'ya sa table ng jowa n'ya e, hindi to dahil sa kilig! Dahil ito sa kahihiyan, matinding kahihiyan. Paanong hindi ko natandaan na s'ya yung batang Gobernador ng Quezon Province!?
Parang magaganda yung sinabi n'ya kase maya't maya sila nagpapalakpakan, may pag kakataon pa na pati ang mga prof namin nakisigaw. Baka may donation na gagawin para sa school, pero ako hindi ko na alam kung ano-anong mga bagay na ikakapahiya ko ang tumatakbo sa isip ko. Hindi naman siguro kami ulit magkikita, busy person naman yan, yan nalang ang panghahawakan ko. Pero kahit na! nakakahiya paring isipin, gobernador tinulak tulak ko lang. another katangahan unlocked!
Nakipalakpak nalang din ako ng tapos na ata s'yang magsalita at umayos ng upo. Pero para lang din akong pako na lumubog sa upuan ko ng pasadahan muna nito ng tingin ang mga estudyante bago umalis sa gitna. Parang gusto kong maglaho at magtago nalang sa kumot ko ng bago ko pa matakpan mukha ko ay nagtama na ang mata namin. Saglit lang yun pero kita ko ang pataas ng sulok ng labi nito saglit. Lord naman eh!
At yun ang naging pinaka nakakahiyang gabi sa buhay ko, buong oras na andun s'ya stage nakaupo lang ako at di makagalaw. Busy naman s'ya pakikipag-usap sa mga tao dun pero di ko alam kinakabahan ako. Paano kung kwento n'ya kay Dean na kausap n'ya ngayon ang kalapastanganan ng isa sa mga estudyante ng school na ito.
Mabuti nalang talaga at Governor s'ya, 30 minutes lang ata syang andun sa harap namin at lumayas na. Ang problema lang sa katawan kong ito, kahit wala na si Gov hindi ko parin magawang mag-enjoy kase paulit ulit pumapasok sa utak ko yung kahihiyang ginawa ko. Kasalanan kase ito nung lalaking epal sa buhay ko, puro kahihiyan lang ang natatandaan ko pag nababanggit s'ya.