Chapter 4

1210 Words
Haliya's POV Life update, dalwang linggo kaming stress para mag submit ng mga papers for OJT. Requirements palang yan sa OJT, paano pa kaya pag trabaho na talaga? Parang gusto ko nalang mag asawa agad, dami ko na naman sinabi tapos naman na. Ito na nga kami para i-deploy, kasama namin ang Dean at Adviser namin para hatid kami isa-isa. Meron namang magkakasama sa isang department at lucky me, napabilang ako sa mga taong mag isa lang. Si Daniella ni Rain magkasa ang mga traydor na yun, pero happy rin naman ako kase deserve nila ang isat-isa. Pero hindi ko naman deserve itong pag iisa ko, strong independent woman ako pero sana naman kahit isang kasama lang oh. Andito kami ngayon sa HR office kase yung HR ng LGU ang mag assign kung saang department kami. Apat nalang naman kami natitira dito, wala namang problema sakin kung saan ako. No choice na nga ako at mag isa, mag arte pa ba ako sa department na bibigay sakin. "Volunteer nalang kayo kung sino gusto sa Treasurers office" Nakangiti at mahinhing sabi ng HR, babae s'ya na hindi pa naman katandaan. Ang ganda nga ni Ma'am, kaya nakakapagtaka na single mom s'ya. Bakit ko alam? narinig ko kanina usapan ni Dean at ni Sir na adviser namin. "Marami raw ginagawa dun" Rinig kong bulong ni Ralf sakin, hindi naman sa tamad ako pero ayoko dun. Kahit parang kanina lang sabi ko kahit saan ako ilagay na department, binabawi ko na yun. "Hahaha. Parang walang may gusto kaya sige mag bunutan nalang tayo" Natatawang sabi ng HR habang nakatingin sa mga papel na hawak n'ya which is yung mga personal information naming pinasa. Nagkatinginan naman kaming apat, dalwang babae and lalaki pa naman kami. "Ms. Niño?" Napahinga ako ng maluwag ng tawagin nito si Jang, nakangiwi naman itong nag-bye sakin na s'yang medyo kinatawa naming tatlo rito. Halatang ayaw n'ya rin talaga dun. "Dito sa dalwang department mas better kung lalaki ang ilalagay natin kase sa field po talaga ito sila, Ma'am" Pag kausap ni HR sa Dean naman na agad naman silang nagkasundo, ibig sabihin ay hindi ako dun syempre. "Who's Ralf? sa Engineering Office ka" Agad naman tumayo si Ralf, sa expression ng mukha n'ya mukha naman chill lang. Bagay din naman talaga sa kanya yun kase makutingting yan. "next is sa MDRRMO" Napa-Yes naman itong lalaking katabi ko, adventurous talaga yang si Joey. Nung una palang dun na talaga n'ya gusto kase pwede mag OT. Tatapusin n'ya raw agad ang 300 hours na OJT namin sa loob ng isang buwan. Edi sana all! After nun medyo lumayo si Dean, sir, at yung HR nag-uusap siguro kung saan ako ipapatapon. Maya maya pa ay nagkamayan ang mga ito, baka rito na ako sa HR office. Yung iba kase hinahatid nila, edi baka nga dito ako. "Kayo na po ang bahala kay Haliya, Ma'am" Huling sabi ni Dean, habang si sir naman ay medyo tinapik lang ang balikat ko, for good luck siguro. Yung adviser talaga naming yun tamad mag salita pero pala ngiti naman s'ya. Nang makaalis sila ay nakangiting hinarap ako ng HR. "Ikaw si?" Nakangiting tanong nito, ganda n'ya talaga mukha pang approachable. "Haliya po, Ma'am" Nakangiting balik na sagot ko dito, medyo nailang na din ako. Ngayon ko lang narealize na marami palang nakapaligid na tao, dalwang office kase itong nag-share sa 3rd floor. HR at ang Office ng Budget tapos andito rin ang conference room. AYOKO SA MARAMING TAO! "Ok lang ba kung dito satin si Haliya?" Tanong ni HR sa mga tao sa department, 6 lang sila dito. May dalwang ate sa front na parang mabait kase nakangiti rin sila pareho siguro mga JO. May isang matandang babae na mukhang strict at isang matandang lalaki na mukhang dedma lang sa iba. Merong isa na sa school namin nag aaral last year, ahead lang sya ng one year samin. I remember nakakasabay pa namin sila last year sa laboratory, di ko alam kung ipagpapasalamat ko na may pamilyar na mukha or hindi. Parang nakakailang naman kase hindi kami close, pero nginitian at tinaasan ako ng kilay nito ng mag tama ang tingin namin. Gwapo pala s'ya, pero wala akong pakialam dun, puro kaba lang naramdaman ko ngayon. "Ma'am, wala pa yung mga bagong laptop. Wala po tayong mapapahiram sakanya" Biglang sabi nung matanda na mukhang strict, alam n'yo yung matandang teacher na may salamin, ganun itsura n'ya. "Ay, oo nga pala" Nawala naman ang irita sa loob loob ko ng hinarap ako ni HR na tila ba nag-iisip, ang cute n'ya lang. Pinangkakamot n'ya sa sintido n'ya yung ballpen na hawak n'ya. "Wait, Paano ba? hmm... Upo ka muna dun, Liya" Yiieee kinilig naman ako kay Ma'am, kung pwede ko lang irapan yung matanda e. "Steve, kuha mo muna ng extra bangko" Nakangiting sabi ni Ate habang hinihila akong bahagya sa gitna nila nitong isa pang Ate. Hindi ko pa kase alam mga pangalan nila e, pero magkadikit yung table nila kaya pwede ako rito sa gitna. Kumbaga pag pasok ng pinto dito sa office kami yung nasa front desk, tapos sa harap namin yung malawak na conference room na may Sliding door naman. "Liya..." Agaw pansin sakin ni Steve para bigay yung bangko na kinuha n'ya, bumulong pa s'ya ng goodluck bago umalis. Di ko alam kung magpapasalamat o mas kakabahan ako sa goodluck n'ya e. "Ako si Ate Chen, ito naman si Ate Ann" pakilala nito sa kanilang dalwa, kumaway naman si Ate Ann habang may kung anong tinatype na sa laptop n'ya. "Pag need n'yo assistance kay Haliya n'yo nalang muna ipagawa ha" Yun lang huling sabi ni HR bago nagsimula ang totoong trabaho nila, masasabi kong hindi naman ganun kabigat ang trabaho nila. Buong araw lang kase akong nakaupo dun at walang ginawa, wala man lang silang utos. Masaya ba dapat ako na hindi ako mapagod o mabahala kase wala akong ginawa. Anong maisusulat ko sa accomplishment report ko, need pa naman namin mag picture everyday. Isa pa yan sa problema ko, paano ako mag picture dun kung hindi man lang nawawalan ng tao sa floor namin. Yung conference room pa whole day ata may gumagamit, glass pa naman yung pinto kitang kita ako dito sa labas na nakatanga lang. "Musta ang first day?" Biglang tanong ni Daniella habang kumakain kami ng dinner. "ayoko na te, sakit sakit ng leeg ko" reklamo ko dito with matching tulala sa plato ko. "bakit akong ginawa mo?" May pag mamakaawang mata akong tumingin dito. "Nakaupo lang ako buong maghapon, tapos pati pag lingon sa paligid hindi ko magawa. Ang daming tao!" Naiiyak na pagsusumbong ko dito. "Walang inutos sayo?" tanong nito habang patuloy sa pagsubo ng kanin. "Wala te, ito pa yung malala! Andun si Steve, girl. Super awkward ng buhay ko." Dun naman s'ya parang natigilan sa sinabi ko "si Steve? as in yung Mr. Foundation last year?" Napakunot noo ko dahil tila excited pa ito. "Oo, s'ya pala panalo?" tingnan mo itong babaeng ito, dami kong reklamo sa buhay walang pakialam. "hala ang swerte mo!" Hinampas pa ako nito sa isang braso. "Siraulo ka ba?" Tumawa lang ito sa naging turan ko sakanya, mas iniisip pa talaga yun kesa sa sitwasyon ng bestfriend n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD