Narinig ko ang mga yabag ng paa kaya agad akong nagtago sa may poste. Tinakpan ko ang bibig ko sapagkat di ko mapigilan ang emosyon ko. Nasa utak ko pa rin kasi ang nangyare kanina. At hindi ako makapaniwala na bigla na lamang may tumamang pana sa ulo nito. Tinignan ko naman ang buong paligid kanina, ngunit wala namang ibang tao dito bukod sa aming dalawa. Kahit hindi ko na kayang silipin pa, tinignan ko ulit ito. At kitang kita ang paglampas ng dulo ng pana sa ulo niya. At umagos ang dugo niya sa daan. Halos madurog ang puso ko. Akala ko may magagawa ako para sa kanya, pero wala din pala. Natulad din siya sa kapatid ko, sa kaibigan ko, at sa nanay ko. Hindi ko rin nailigtas, nasa tabi ko na siya ngunit bakit hindi ko pa rin siya natulungan. Wala na ba talaga akong magagawa... “Bull’s

