''Anong ginagawa mo Gemma?'' nagtatakang tanong nito sa akin. Napatingin naman ako rito at sinalubong ng tingin ang naniningkit nitong mata. ''Obviously, I'm working,'' papilosopo ko namang sagot ko sa kaniya ''My gosh Gemma! Kaya ka nga pumunta rito para makalimot at para makapag-unwind tapos ang gagawin mo lang pala rito sa resort ko ay magtrabaho? Aba!'' 'di makapaniwalang turan naman nito sa akin. Hindi ko naman inintindi ang sinabi nito bagkos ay tinuon ko lalo ang atensyon ko sa mga papeles na kailangan ko pang permahan. ''Kailangan kong tapusin ito Nathan, you know Mom, alam mo na mapapatay ako no'n kapag nalaman nito na hindi ko ginawa ang trabaho ko, kailangan kong tapusin ito dahil kailangan kong i-present ito sa investor at---'' ''Ano ba Gemma? Edi sana sa opisina ka na

