Bigla namang sumilay ang ngiti nito sa kaniyang labi, pawang may kahulugan ang ngiti niyang iyon. “Hindi mo alam kung anong ginagawa mo, pinipili mo talaga ang mundong hindi mo dapat galawan,” makahulugang saad niya at mabilis na umalis ito sa harapan ko. Lumipas ang higit dalawang oras ay ‘di nawala sa isip ko ang salitang iyon ni Dallas na hanggang ngayon ay ‘di ko mawari kung ano nga ba ang nais niyang iparating. “Tulala ka na naman Luna, ano bang iniisip mo palagi at pawang nababalisa ka?” Bigla na lamang ako natauhan nang nagsalita si Lourdes kaya’t dumako ang tingin ko sa kaniya at sumalubong sa akin ang tingin niya na punong-puno nang pagtataka at pag-aalala. “Ayos ka lang ba Luna? May gumagambala ba sa’yo? May nananakit?” dagdag na tanong pa nito. At ang mata niya ay pawang na

