''Maam Thalia----'' Mabilis niyang sinenyesan ang walang utak niyang tauhan na ramdam kong papalapit na. Mabuti na lamang at sumunod ito sa kanya at agad ding umalis. Ngunit wala ang atensyon ko dito, ang buong atensyon ko ay nasa kanya. Nasa kanya na hindi na maipinta ang itsura sa labis na tensyon na nararamdaman. ''Lumayo ka sa akin Dylan. Ano bang ginagawa mo-----'' Napahinto ito nang bigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ipulupot ang kamay ko sa beywang nito at higitin pa siya lalo papalapit sa akin. ''Ahh! Dylan!'' Napatili ito sa pagkagulat sa ginawa ko pero tanging mapang asar na ngiti ang pinakita ko sa kanya. ''Bitawan mo nga ako! Ano ba!'' Sigaw pa nito at pinagsusuntok pa ako nito sa dibdib ko. Hindi ko yun inintindi at mas lalo ko lamang siyang kinulong sa bisig

