Taas noo siyang tumingin dito. "Yeah, that fast."
Saka binirahan ng talikod. Ngunit maagap ang lalaki at mabilis na inabot nito ang kanyang braso. Hihilain sana niya iyon pabalik ngunit hinila pa siya nito palapit. Gusto niyang mapapikit sa bango ng hininga nito.
How she wished he could kiss her. But it's not possible.
"You can't just play around like that Addison", ang sarap abutin ang panga nitong nakatiim.
Dahil sa bugso nang damdamin na kanina pa niya pilit kinakalma ay hindi na niya pinigilan pa ang sariling abutin ang panga nito at masuyong haplusin. Natigilan ito at nanlalaki ang matang nakatitig sa kanya.
Nang wala siyang makuhang reaksyon dito ay pangahas na hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng tuxedo nito at hinila palapit sa kanya saka walang prenong inilapat ang labi sa labi nito.
'Oh wonderful. I just had my first kiss.'
Naramdaman niyang gumalaw ang labi nito. Naipikit niya nang mariin ang mga mata. Walang kasing tamis kapag mahal mo ang unang halik mo. 'Yung sayang umaapaw sa puso niya ay hindi niya maipaliwanag.
She can't help herself but to cry. She loves this man so much.
Natigilan ito nang malasahan ang kanyang mga luha. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahas na inilayo.
"You should've not done that!" Galit nitong wika. Halos bumaon ang daliri nito sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanyang balikat.
"Well, I just did. And I'm sure you like it too", matapang niyang sagot. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang pagtugon ng binata.
Hindi niya napaghandaan ang biglang pagbitaw nito nang padaskol sa kanyang balikat.
Parang dinurog pati pagkatao niya nang tingnan siya nito na tila nandidiri.
"You just disgust me Addy. God, this is so sickening!"
Napipilan siya sa sinabi nito. Nang walang paalam itong umalis ay nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.
'Yes, Drake. I'm sick. I'm sickly inlove with you.'
Lumipas ang araw at linggo, pinilit niyang kayanin na hindi makita si Drake. She stopped stalking him kahit gaano pa siya ka curious sa kung nasaan ito. Kahit ang pakiramdam niya ay magkakasakit siya. Sa awa ng Diyos she survived without taking her pill. For her, Drake is her pill. An addicting pill.
At ang presensya nito ang lagi nagpapabuo ng araw niya kahit hindi natutuwa sa kanya.
____
Isang gabi ginulantang sila ng ilang mga pulis na tumungo sa kanilang bahay at hinahanap ang kanyang Ate Serene. Bakit may mga pulis? Puno ng pagtatakang lumapit siya sa mga magulang na noo'y nakikipag usap sa mga ito. Napasinghap siya ng makita ang warrant of arrest na hawak ng mga ito.
Kilala niya si Byron Ortega. Ito ang lalaking nasangkot sa pagkakaaksidente ng kanyang kapatid dalawang taon na ang nakaraan. Pero bakit sinampahan nito nang kaso ang kapatid niya? Diba,naging maayos na ang dalawa at nagkamabutihan?
Sinundan niya ang ina na bahagyang lumayo sa mga pulis. Hinayaan nilang ang daddy niya ang makipag usap sa mga ito.
Tahimik siyang nakikinig sa ina na may kausap sa cellphone. Hinuha niya ang Tita Roqeya niya dahil may sinasambit itong ate.
Nababahalang tumingin ito sa gawi niya nang matapos ang tawag.
"Mi?" Nag aalalang tanong niya.
"Ang ate mo, Addy. Makukulong", tuluyan na itong humikbi. Mabilis niya itong hinapit at niyakap. Wala siyang alam sabihin. Nakokonsensya siya. Siya pag-ibig lang ang nagpapamiserable sa kanya tapos may malala pa palang problema ang kanyang pamilya.
"Nasaan daw po ba siya?"
"Nasa bahay ng tita mo. Pero pauwi na daw dito", garalgal ang boses na wika nito. Hinaplos niya ang likod nito.
"Wag niyo pong masyadong i-stress ang sarili niyo mommy",nag aalalang wika niya. Napatingin siya sa gawi ng kambal na nooy nakatingin din sa kanila. Wala doon ang kanyang Kuya Aegus. Hindi na nila hinayaan pang bumaba ang kanyang lolo dahil baka mag alala pa. Matanda na at hindi pwedeng ma-stress.
Walang silang nagawa kundi sundan nang nakakaawang tingin ang kapatid na noo'y mukha ring miserable. Minsan naringgan niyang nagtalo ito at ang kanilang ina pero pinili niyang balewalain iyon dahil nasa ibang bagay siya nakafocus. Kaya nakokonsensya siya ng labis.
Gaano ba siya kaabala kay Drake at hindi niya napapansin ang problema ng mga kapatid? Ang kanyang Ate Serene, paanong ipapakulong ito nang sariling nobyo?
Pagkasunod na araw ay sumama siya sa ina para dalawin ang kapatid sa kulungan. Naabutan na nila doon si Mr Ortega na masama ang tingin sa dalawang pares na magkayakap. Sumikdo ang puso niya sa tagpong iyon. Mabilis niyang sinaway ang sarili sa pakiramdam. Hindi dapat siya makaramdam ng panibugho dahil magkayakap ang kanyang kapatid at si Drake. Iniwas nalang niya ang tingin at itinuon ang pansin sa lalaking masama ang tingin sa dalawa. Nilapitan ito ng kanyang ina. Siya naman ay nanatiling nakatayo lang roon at hindi alam kung paano lalapit sa mga ito. Mas pinili na lang tumayo sa isang tabi at panoorin ang eksena ng ina na nooy galit na galit kay Byron.
Ngunit tila naging tuod siya sa kinatatayuan nang tarantang sumigaw ang kanyang ina kasunod niyon nakita niya ang pulang likido na umagos sa binti ng kapatid. Tulalang nakatingin lang siya at nanigas sa kinatatayuan.
'Blood!'
She just saw a blood!
Natauhan lang siya ng pasigaw siyang tinawag ng ina.
"Sabihan mo si Manong sumunod kayo sa ospital!"
Sunod-sunod siyang tumango kahit hindi masidlan ang kanyang kaba. Nakita na lang niyang buha- buhat ni Byron ang kanyang kapatid. Nginig ang katawan na sumunod siya sa mga ito. Kinagat niya ng mariin ang hinlalaki para kahit papano ay kumalma ang kanyang pakiramdam.
Napatingin sa gawi niya si Drake pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Tuliro ang isip niya sa nangyayari. Nang makita ang kanilang driver ay patakbo niya itong nilapitan at sinabihang sundan ang sasakyan kung saan nakasakay ang ina at kapatid.
Pagod niyang isinandig ang ulo sa head rest ng upuan. Sana okay lang ang kapatid niya at ang dinadala nito. She assumed that she's pregnant. Marahil ang ama ay ang walanghiyang lalaking dahilan kung bakit nasa kulungan ang ate niya. Kaibigan ito ni Drake. As the saying says, 'same feathers flock together'.
Napailing siya. Magkaibigan nga ang dalawa, parehong mapanakit.
Nang makarating sa hospital ay pinili niyang hindi magpakita sa tatlo. Nanatili siyang nakakubli sa kabilang hallway kahit nakita niyang lumabas ang kanyang ina mula sa emergency room at kinausap ang dalawa.
Saka lang siya naglakas loob na lumapit nang tuluyan nang umalis ang dalawang lalaki.
"Mi... "Tawag niya sa ina. "Kumusta po si Ate?"
Humikbi lang ang ina. Mabilis niya itong kinabig ng yakap. Hindi niya alam ang nangyayari at ayaw niya rin magtanong dahil nakikita niya ring nahihirapan ito.
"She almost lost her child, Addy", hikbi nito. Siya naman ay lalong hinigpitan ang yakap dito. "Can you do me a favor anak?"
"Anything mom, anything",sabay halik sa noo nito.
"Huwag mong sabihin sa ate mo na nandito si Byron kanina. You will tell her nothing, Addy."
"But mom--"
"Trust me with this, Addy. Please."
Bagamat hindi siya sang-ayon sa gusto ng ina ay pinili na lamang niyang tumango. Kung ano man ang binabalak nito ay para iyon sa kabutihan ng kanyang kapatid.
"No problem, Mom."
"Good. Now go home and tell your Dad to come here."
"Sigurado po kayo?" Labag sa loob na tanong niya. Ayaw niya itong iwan doon.
"You have school tomorrow Addy. Makakalabas rin naman agad ang ate mo bukas. Mas makakapagpahinga siya sa bahay. She need a bed rest. And oh, before I forgot. We will talk when we get home."
"About what mommy?" Takang tanong niya.
"About your study. You'll be studying abroad."
"Ho?" Gulat na tanong niya.
"I'll explain to you when I get home Addy. For now, go home and tell your father to come over. Go."
Walang siyang nagawa kundi sinunod ang nais ng ina. Paano pa siya tatanggi kung pilit na siya nitong pinagtatabuyan. Ang tumatakbo sa isip niya ang huling sinabi nito. She will study abroad. She will make sure na hindi siya nito mapapasunod.
______
"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa ina. Sa haba-haba ng sinabi nito ay hindi niya agad ma proseso sa kanyang isip ang mga sinabi nito.
"Yes Addy, you'll be staying with Serene there until she gave birth. 'Wag kang mag-alala, Hija, bibisitahin rin naman namin kayo roon."
Saan na nga ba ang sinabi niyang hindi siya nito mapapasunod? Kailangan siya ng kapatid. Hindi naman pwedeng ang ina niya ang nandoon dahil katulong din nito ng ama sa kanilang kompanya. At walang makakasama ang lolo at si Caspian kung pati ito sasama. Kaya wala siyang choice kundi pumayag. Humugot siya nang malalim na hininga at bigong tumingin sa ina.
"Seems that you didn't give me any choice",mapaklang wika niya. Natawa lang ito. Ang galing kasi nitong tumiming at wala ang kanilang ama. Wala siyang tagapagtanggol.
"You got it right baby. I had your dad's approval. So, you'll be leaving next week. Your dad prepared everything pati ang titirhan ninyo. It's up to you kung mag-aaral ka doon o hindi tutal parang wala ka naman talagang ganang mag-aral", patutsada pa nito.
"Mommy! Para rin po ninyong sinabi na iresponsable ako."
"Hmm... Ikaw ang may sabi niyan hindi ako."
Pinaikot na lang niya ang eyeballs. Kung noong una ay may nagawa ang daddy niya sigurado siyang sa pagkakataong ito ay wala siyang choice kundi sundin ang gusto ng ina. Para naman sa kapakanan ng kapatid niya.
Ewan ba niya sa mommy niya, malakas ang paniniwala nitong magbabago 'kuno' siya kapag naging independent siya sa buhay. Sigurado dahil wala na silang katulong doon.
Wag' na lang kaya akong mag aral?
And what will you gonna do then? Kontra ng isang bahagi nang kanyang utak
Malakas siyang bumuga ng hangin ng wala na ang ina. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may nag-buzzer. Busy ang mga katulong nila sa paghahanda ng kanilang hapunan kaya siya na ang nagkusang lumabas para alamin kung sino ang nasa gate. Natigilan siya ng makita sa monitor ang mukha ng lalaking pinipilit niyang iwaglit sa kanyang isipan. May dala itong bouquet ng bulaklak marahil para sa kanyang kapatid.
And then reality hit her, hindi na niya ito makikita kapag nasa abroad na siya. Naiinip na yata ito at inulit nito ang pagpindot ng buzzer na may iritasyon.
Binuksan niya ang gate at inihanda ang simpleng ngiti.
"Hey",unang bati nito nang mapagbuksan niya.
"Hey to you", kiming sagot niya. Nilakihan niya ang pagbukas ng gate para bigyan ito ng daan para makapasok. "Get in."
Pasimple niyang hinaplos ang dibdib ng mauna na itong maglakad papasok sa kabahayan. How could this man look so perfect in her eyes?
Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Nang tumigil ito sa tapat ng pinto para siya hintayin ay pinilit niyang hindi ito tingnan sa mukha. Binuksan niya ang pinto para dito at hinayaan itong pumasok mag-isa. She closed the door and take a step back. She can't just look at him in that way even in front of her family.
Natagpuan siya ang sarili sa kanilang bakura. Naupo sa bench doon at tahimik na tumingala sa langit.
Ang unfair naman...
Kung siguro nagkataon na magkaedad sila ng lalaki ay magustuhan siya nito? Even she would try to make herself look matured, it will not change the fact that she's too young for him. Ang tanong, kung sakaling magkaedad ba sila ng lalaki ay magugustuhan siya nito?
Isinanday na lamang niya ang ulo sa sandayan nang upuan at ipinikit ang mga mata.
Siguro magbabago din ang kanyang nararamdaman kay Drake kung hindi na niya ito makikita. Marahil nga tama ito. Masyado pa siyang bata at hindi pa niya alam ang totoong gusto niya.
She started singing 'jimmy and joni' in a low voice. Hindi na niya pinagkaabalahang buksan pa ang mga mata.
"So, you're leaving?"
Awtomatikong naimulat niya ang mga mata. Nakatunghay sa kanya ang binata habang nakapamulsa.
"I mean, for real."