Saan ka galing?"
"School."
"School?" Naningkit ang mata nitong nakatingin sa kanya.
"Huling tanong. Saan ka galing?"
Lihim siyang napakagat sa labi. Anong alam nito?
"Caspian said you're not in your class today. And one of your classmates said you're not attending everyday", istriktong kompronta nito.
Napalunok na lang siya.
"Saan ka galing? Sasabihin mo o sa abroad ka na mag-aaral?"
"Mom...."
"Tell me Addison, are you dating a guy during school?"
Sunod sunod siyang umiling.
"Then what?!"
"I-- I am stalking a... Mom should I really tell you? It's embarrassing!"
Napakamot na siya ng ulo. Hindi niya alam kung anong rason ang sasabihin sa ina.
"You're stalking Drake Madrigal, don't you?"
Nanlalaki ang matang tiningnan niya ito. Paano nitong alam?
"Mom, of course not!"
"Ako pa talaga Addison? Hindi ako bulag para hindi ko makita kung paano mo siya titigan",sikmat nito na lalong ikinapula ng kanyang pisngi.
"Grabe ka mommy, titig talaga?"
"Stop that Addison. It'll lead to obsession. There's a lot of guy out there, bakit sa isang lalaking halos isang dekada ang tanda sa'yo, ka magkakagusto?"
Sasagot pa sana siya ngunit agad umangat ang kamay nito sa ere. "From now on, I will be monitoring your moves. Just make sure to attend your classes everyday or else you'll be punish. Pasalamat ka nga at hindi ito alam ng Daddy mo. At isa pa, hindi ka isang high school pa lang. Act according to your age. Be responsible please."
"Nag-aaral naman po akong mabuti mommy",giit niya.
"Really? It's not what I heard from your professor."
Napalunok siya.
Mukhang wala na siyang maitatago pa sa ina.
"Bakit hindi ka magpalit ng kurso? Feeling ko kasi hindi mo naman kinuha ang psychology dahil gusto mo,kundi para sundan ang yapak ng lalaking iyon?"
"Mommy, hindi niyo po alam kung ano ang gusto ko", inis niyang sabat. Ito na naman ito sa pangunguna sa mga desisyon niya.
"Tell me that, when you'll graduate in high grades. Go to your room, and rest."
"Mom, I'm sorry",pagpapakumbaba na lamang niya. Kapag kasi magmamatigas pa siya baka tuluyan na siya nitong papalitin ng kurso. She want to be a psychologist , period.
"Okay, forgiven. Just stop skipping your class or else!"
Nahalikan niya ito ulit sa pisngi.
"Love you Mom!"
__
"Hey sis, lighten up!" Caspian, her twin tried to lighten her mood. "It's our birthday, bakit parang pasan mo ang mundo?"
"C'mon, I'm good", pilit ang ngiting sambit niya. Napansin siguro nitong pilit ang ngiti niya sa bawat bumabati sa kanya.
"Hindi mo ba gusto ang dress mo? O masama pakiramdam mo?"
Umiling lang siya.
"Look, isang beses ka lang mag debut, so enjoy your night!"
Sasagot pa sana siya ngunit narinig na nila ang anunsyo ng kanyang ina para sa eighteen dance niya. Of course, mauuna ang kanyang daddy, kasunod ang kanyang mga kapatid at pinsang lalaki.
"My princess is now a grown up woman", malambing na tudyo ng kanyang ama.
"Dad..." Hindi niya mapigilang matawa. Well, she's kind of daddy's girl. Na kinaiinisan din minsan nang kanyang ina.
"Your mom told me something", nanunukso ang tono nito. Napatigil siya sa paggalaw. Ang mommy niya talaga oo. "Don't stop. We can talk while dancing."
Napaikot na lang niya ang mata dahil sa inasal nito.
"Ang anak ko, nagdadalaga na. So who's this lucky guy, hmm?"
"Mom didn't tell you?" Taas ang kilay na tanong niya.
Umiling ito na ikinaluwag ng kanyang paghinga. Akala niya tuluyan na siyang ibinuko ng ina. "She said it's a girl thing. So tell me, is this guy dating you?"
'I wish.'
"No dad, he don't even know that I like him",saka palihim na inikot ang tingin sa paligid. She already knew he would never come but she still hoping.
"Oh, is he blind?" Natatawang tanong nito.
Napasimangot na lang siya. Wala kasing sense ang tanong nito. Sa dami ng pwedeng itanong bakit 'yon pa.
"Well, I thought that he's blind because he didn't saw your beauty."
"C'mon Dad. Ang bias mo . Sinasabi mo lang' yan dahil anak ni'yo ako", nakasimangot na wika niya.
"Seryoso ako hija", pero nasa anyo pa rin nito ang panunukso. "Baka may sira talaga sa mata 'yan."
Tuluyan nang umiba ang kanyang mood. "Saan na kasi si Kuya Aegus. Siya naman ang magsasayaw sa akin."
Natatawang pinisil nito ang kanyang ilong.
"I'm just kidding sweetheart. And happy birthday."
Ipinilig na lang niya ang ulo sa balikat nito at ipinikit ang mga mata. "I love you, Daddy."
"I love you more, sweetheart."
__
Nangangawit na ang kanyang mga paa. Nasa ika-labinpitong sayaw na siya at gustong gusto na niyang maupo. Kaklase niya noong high school ang kasayaw at kapitbahay rin nila. Si Aaron.
Nangako siya sa sariling si Drake lang ang eighteenth dance niya. Pero malabong darating ang lalaki.
Papatapos na ang tugtog at wala sa loob na tumigil siya. Nagtatakang tiningnan siya nang kasayaw.
"What's wrong? Hindi pa tapos ang tugtog." Ani Aaron.
"Ahm, ano kasi... Masakit na ang mga paa ko", nahihiyang reklamo niya. Ang taas pa kasi ng takong niya kaya nahihirapan na siyang sabayan ang kapares sa pag-sayaw.
"How bout' your eighteenth dance?"
"I-- I don't really feel to dance anymore. Ang sakit na kasi talaga ng mga binti ko. Please Aaron, p'wede na ba tayong maupo?" Pakiusap niya sa kababata.
"Let's finish the music",giit nito. "It's not everyday that I have a chance to dance with you."
"Aaron...."
"I really like you Addy. Kahit aware ako na hindi mo ako napapansin."
Hindi siya inosente sa pagpapalipad hangin nito sa kanya. But her heart seems to be only belong to someone else. And that someone never care to notice her. Mahina siyang bumuga ng hangin.
"I-- I don't know", tanging nasambit niya.
Bahaw itong natawa. "Of course you don't. Minsan naiisip ko, nagkakainteres ka rin ba sa ibang lalaki? Hindi kita nakitang may kasamang ibang lalaki."
"Oo naman no. I'm still a normal person naman! And yes, I do like someone else. Pero 50/50", nagawa niya pang magbiro. Na parang wala siyang narinig na confession mula dito.
"Oh c'mon. Parang impossible"
Bahaw lang siyang natawa.
"Maybe because he likes someone else too."
"Life is so unfair. Yung mga gusto natin ayaw sa atin", napapalatak na lang ito. Nagngungusap ang tingin nito habang nakatitig sa kanya. "Would it be too much if I'll ask you that, I want to be your eighteenth dance?"
Natigilan siya. Saka niya napagtantong nagpalit na pala ng tugtog. Bahagya siyang tumikhim para magtanggal ng bara sa lalamunan. Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan sa paraang hindi ito mapapahiya. She really don't want to do it with another man. Si Drake lang ang gusto niyang maging eighteenth dance.
Akmang ibubuka niya ang bibig para sana tanggihan ito ng biglang may tumikhim sa kanyang likuran.
"I think it'll be my turn", buo ang boses mula sa likod. Napatigil siya. She will never forget his voice.
'God I must be dreaming.'
"I guess I'm not the lucky one", nakangiting saad ni Aaron. Wala na siyang nagawa ng iangat nito ang kanyang kamay at iabot kay Drake. Hindi agad siya nakaimik. Nanlamig pa yata ang kanyang katawan nang hawakan siya ng binata sa kamay at mas lalong nanlamig nang ilapat nito ang kamay sa kanyang beywang.
"Hey, relax. It's just me",may panunudyong wika nito. Pasimple siyang tumingin sa gawi ng ina at kitang-kita niya ang nanunuksong tingin nito. Nag-thumbs up pa ito na ikinapula ng kanyang mukha.
"You came...." Mahinang sambit niya.
"Of course, I did. Ang galing mong mang-guilt trip e. Anyway happy birthday. I have my gift for you."
"Kahit wala kang regalo sa akin, sapat ng nandito ka", lakas loob niyang sabi.
"Uhuh. That's sounds...uh, never mind."
"Thank you for coming", sinalubong niya ang tingin nito. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya dahil hindi ito umiwas.
"You're welcome. You've made your promise not to barge in my clinic, so I did mine."
Umiling siya. Humigpit ang hawak niya sa balikat nito. "I didn't stop."
"What do you mean?"
"Araw-araw pa rin akong nasa harap ng clinic mo. Staring at you from distance."
Hindi nila namalayang tumigil na pala sila sa pagsayaw at nag-uusap na sa gitna. Ni hindi na niya inisip ang mga nanonood sa kanila. Naka-focus ang kanyang mundo kay Drake.
"Why are you doing this stupid things Addy? I told you to stop, because it could affect your studies", mariing pananaway nito. Nasa anyo nito ang nauubusan na ng pasensya sa kanya. Bahagya pa nitong inikot ang tingin sa paligid at pasimple siyang iginalaw para sumabay ulit sa musika.
"Because I love you Drake. I've been inlove with you---"
"You don't know what you're saying little miss", sabay tawa nito nang mahina. "Kailangan mo pang kumain ng ilang sakong bigas para maabutan mo ang edad ko. And it'll never happen, by that time matanda na rin ako."
"Nasasaktan ako, alam mo ba 'yun?" Namumula ang mukhang sambit niya. Hindi nito alam kung ilang lakas ng loob ang nilaklak niya para lang masabi ang totoong nararamdaman niya dito.
"I'm just stating the fact, kiddo. You're too young and you don't know what you want. I'm not good for you. And I want you to know that I like someone else", walang prenong lintaya nito.
Tuluyan nang uminit ang gilid nang kanyang mga mata. "I've been loving you simula nagkaisip ako. Tapos sasabihin mo lang na hindi ko alam ang gusto ko? You just never care to notice."
Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan na niya ito.
"I want you to know, that everytime you're shooing me away, lagi akong nasasaktan ", naiiyak na wika niya.
"Addison..."
Itinaas niya ang kamay.
"Kung kaya ko lang sanang alisin 'yung pagmamahal ko sa' yo Drake, matagal ko nang ginawa. You're right, those things I did was very stupid. But what can I do? I'm loving you for every bit of my heart. And if loving you would kill me, then I'm too young to die."
"Addison, you can't just tell those words to any guy. And it's kind of awkward that you are confessing your feeling to a man. Why don't you wait for a man who will do the first move? Sometimes it make a woman worthless , when they were the one who made the first move."
"So you're saying that I am a cheap?" Puno ng hinanakit na sumbat niya. Ngunit nanatili itong tahimik. And silence means yes. Tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakahawak sa balikat nito at pasimpleng pinahid ang luha. Hawak ang gilid ng kanyang gown ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang lalaki na noo'y napatapik na lang sa noo at hindi alam kung paano siya iaapproach.
He just broke her heart into pieces. How she wished she never did that foolish thing. E 'di sana hindi siya nasasaktan na naman ngayon. Alam niya, ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay siya rin ang may gawa. She should have not expect things to happen.
Pasimple siyang kumubli sa halamanan na walang katao-tao. Wala marahil napansin na kakaiba ang kanyang mga magulang. Ayaw niyang may makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon. Tama nang nasaktan siya. Tama nang pinahiya niya ang sarili sa lalaking iyon at hindi sa harap ng maraming tao. Nanatili siya doon hanggang kumalma na siya.
Babalik na sana siya sa karamihan ngunit napaatras siya nang mabungaran ang mukha ni Drake na matiim na nakatingin sa kanya.
"Are you okay now?" Tama ba ang narinig niya? May concern sa boses nito. Marahil awa hindi pag-aalala. At hindi niya kailangan iyon
"Oo naman, dapat ba hindi?" Taas kilay na sagot niya. "Anyway, forget what I've said. It's just nonsense. You know teens could be shameless sometimes."
"Wow, that fast? Nakamove-on ka na agad?" Sakrastikong tanong nito.
Lihim siyang napakuyom ng kamao. Ano pa ba ang gusto nito? Hindi ba dapat magpasalamat na lang ito dahil sinabi niya iyon?
Taas noo siyang tumingin dito. "Yeah, that fast."