There she is, again.
Kakalabas lang ng huling pasyente ni Drake at pauwi na sana siya ng mamataan niya ang pamilyar na pigura sa labas ng kanyang clinic. Malapad na ngiti ni Addison ang sumalubong sa kanya.
"Hi, I think I didn't miss a thing. I just get here in time", salubong ang kilay na tiningnan niya ito.
"What is it this time, Addison? You can't do that everytime. I already warned you not to be here during your school."
Agad naman itong napasimangot, na ikinailing lang niya. Addison is the worst childish person he had encountered. Hindi ito tumatanggap ng hindi. Akala yata nito uubra sa kanya ang pagkabratinella nito.
"Don't sound like you're my older brother!" Maktol nito.
"Because I really am. Your sister is my friend and I should treat you the way it should. So I must say, go home and stop barging here in my clinic for goodness sake!"
Umiling ito. Napabuga na lang siya ng hangin. Isa lang ang paraang alam niya para mapauwi ito.
"You'll go home or I will call your sister to pick you up? I assumed that they don't have an idea what you're doing. I mean, what you've been doing."
"Oh c'mon! You can't bluff me. I really want to stay and watch you. Who knows, I'll be a successful one day, like you?"
"No, you should go home",giit niya. Mamimihasa ito kapag palagi niyang pagbibigyan. "Quit being a brat, please!"
"I am a brat?" Lumambot ang ekspresyon niya ng makita ang naging reaksyon nito. Lumamlam ang ang mata nito na tila ba nasaktan sa sinabi niya.
"Quite, yeah..." Damn! This kid is really getting into his nerves. Nasaan ba kasi ang mga magulang nito?
"Is it wrong that I just want to be with you, Drake?" Bahagyang pumiyok ang boses nito. At hindi na niya nagugustuhan ang tono ng pananalita nito. As a psychologist alam niya ang style nito. She's trying to guilt him.
"I told you to put Kuya before my name. Is that hard?"
"I don't want you to be my brother!"
"Okay, okay. You don't want to be called brat, right?" Tumango ito. "Then stop acting like one."
"What do you want me to do then?" May lungkot sa mga matang tanong nito. Damn those eyes! Bakit ba nagiging makasalanan siya kapag nangungusap ang mga mata nito? There's something in her eyes that he can't read.
"Just stop barging here in my clinic and focus on your study. You're annoying. Don't you know that?"
Ayaw man niyang bumitaw ng gano'ng mga salita but he have to do it para tumigil na ito. He is not stupid for what she's up to. And she's too young for him for goodness sake. She's not his type. He prefers to date matured women. Ayaw niyang maging mukhang baby sitter na nagpapakalma ng bata kapag nagtatuntrums. Katulad na lang ng babaeng ito sa kanyang harap, ilang beses na niya itong ipinagtabuyan pero ayaw pa rin nitong tumigil.
"Okay", nakonsensya siya nang makitang namumula ang mata nito.
'But I'm just doing the right thing!'
"But can I ask you one favor? After this, I promise not to bother you anymore."
"Okay,what is it?" He just rolled his eyes in secret.
"Can you be my eighteenth dance on my debut party? Please?" Mabilis niyang iniwas ang tingin sa mga mata nito. Addison has a magnetic stare that he can't resist. Ewan ba niya kapag tumitingin siya sa mga mata nito ay hindi nagiging batang uhugin ang tingin niya rito. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. She will always be a little sister to him.
"I'll think about it",tangi niyang nasabi. Ayaw niya namang paasahin ito.
Laglag ang balikat nito sabay buntung-hininga.
"Tell me, do you like my sister?" Bigla-bigla ay tanong nito na nagpakunot ng labis sa kanyang noo.
"Where did you get that crazy idea?"
"Everything she asked from you hindi ka nag-aatubiling tumanggi. Samantalang ako ngayon lang humiling hindi mo pa mapagbigyan?" Halos umabot na sa ilong nito ang pagkakatulis ng nguso. Gusto niyang matawa sa itsura nito.
"Can you explain to me what is the word 'ngayon lang'?" Taas ang kilay na tanong niya. Napahalukipkip na siya at sarcastic itong tinitigan.
"I mean minsan", agad na bawi nito. Kung bibilangin niya kung ilang beses na siya nitong kulitin ay maaaaring mas marami pa itong hiniling na pabor kesa sa kapatid nitong si Serene. Mayroong yayain siya nitong kumain ng lunch, magpahatid kung saan gusto nitong pumunta na kung tutuusin ay ang may sariling driver ang mga ito kasama ang kambal nitong si Caspian. Addison and Caspian were Fraternal twin. Hindi magkamukha ang dalawa kaya hindi napapagkamalang kambal. Nahati ang genes ng mga magulang sa dalawa.
"Kung 'minsan' para sayo ang araw-araw na nandito at humiling ng kung ano-ano sa akin, then called it minsan", he quoted sabay iling . "And I wonder why you don't stop bothering me? Wala ka namang napapala sa pagtatambay dito sa clinic ko."
"So , I am really a bother to you?"
Napatawa siya ng pagak. "Ngayon mo lang nalaman?"
Napayuko ito. Nakita niyang mariin nitong kinagat ang pang ibabang labi which make him swallow hard.
"Okay then. I don't expect that you would show up and dance with me on my debut", garalgal na wika nito. "Bye."
"Hey, wait up!" Ngunit tuloy-tuloy itong tumakbo palabas. Wala siyang choice kundi sundan ito. Sigurado siyang nagtaxi lang ito papunta sa clinic niya dahil madalas nitong ginagawa.
"Hey Addy, hop in!" Ngunit umirap lang ito sa kanya na lalong ikinalaki ng butas ng kanyang ilong. He's not immune for this because he don't have any siblings. Kaya nahihirapan siya minsan pakitunguhan ang toyo nito.
"Please", nauubos ang pasensyang pakiusap niya.
"No, thanks", labas sa ilong na wika nito. "I can take a cab."
"Oh c'mon young lady, I'm sure your sister will going to kill me if I'll leave you here."
"It doesn't make sense", salubong ang kilay na sagot ng malditang babae. Hindi niya maatim itong makitang nakatayo sa gitna ng sikat ng araw. Lihim na lang siyang napatiim ng bagang. Pinipigilan niya ang pagtaasan ito ng boses at baka mas lalo itong hindi sasakay.
"Okay if you'll insist not to hop in, I'm not gonna dance with you on your debut."
Biglang lumiwanag ang mukha nito ngunit agad ding napasimangot. "Just promise that you'll show up on that day!"
"Owwkayyy... I promise. C'mon hop in, baka mangitim ka kasalanan ko pa."
_______
Hindi niya inalis ang tingin kay Drake habang nagmamaneho. Gusto niyang lagi itong tinititigan. Unang kita niyang kasama ito ng ate niya ay tinubuan na agad siya ng paghanga dito. He's so handsome. Sa kabila ng agwat ng edad nila ay hindi iyon hadlang para magustuhan niya ang lalaki. At hindi niya iyon itinatago. Tuwing matapos ang kanyang klase ay pumupuslit siya sa clinic nito. Nagbibigay lang siya minsan kay Caspian ng dahilan na alam niyang papaniwalaan nito. She's trying to pursue psychology just like him kahit ayaw ng kanyang mga magulang. But she intend to get what she wants.
"Stop staring at me like that Addy," saway nito habang nanatiling nakatingin sa daan ang mata.
"It means you're looking at me too", kinilig siya. Ibig sabihin nakatingin din ito sa kanya kaya napansin din nito ang kanyang ginawang pagtitig dito.
"How couldn't notice you,kung nakaharap ka na mismo sa akin?"
Napalitan ng inis ang kilig sanang nararamdaman niya. Why this man never fail to make her feel unwanted? Hindi man lang ito marunong magpanggap na gusto ang presensya niya kundi lantaran pa siyang tinataboy.
"Am I really just a little sister to you?" Hindi niya mapigilang itanong. Masokista yata siya kaya kahit alam na niya ang sagot ay sumige pa rin siya.
"Why, should I treat you in different way?"
'Ouch!' Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang gurang na ito pa tinatangi ng kanyang batang puso. Mag-iisang taon na silang ganito, kaya niya ito kinukulit dahil gusto niyang makuha ang atensyon nito.
For her, age is just a number. Wala siyang pakialam kung mas matanda pa ito sa kanya ng ilang taon. Ang alam niya langshe , gusto niya ito. Nothing more, nothing less.
"Magpreno ka naman minsan sa pagsasalita", saway niya. Minsan kasi wala ng pakundangan kung inisin siya ng lalaki. Hindi ba nito alam na nasasaktan siya tuwing pinapamukha nitong kapatid lang talaga ang turing nito sa kanya?
"Tell me Addison, ano ba talagang gusto mo? Why are you doing this?"
Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi. Ibinaling ang tingin sa labas para itago ang pamamasa ng mga mata.
'He is so insensitive!'
Hindi niya kayang sabihin dito ng deretsahan na gusto niya ito. She promised herself to confess, but on her eighteenth birthday.
"A deal is a deal Addy. I'll dance with you, but you have to promised that you'll stop bothering me anymore."
Hindi siya agad nakakibo. Bakit parang gustuhin na lang niyang hindi ito sumipot sa debut party niya. She don't want to stop. She's already addicted to his presence. Ni hindi nga siya nakakakain ng maayos kapag hindi niya ito nakikita.
But maybe he will change his mind after she will confess her feelings. Hindi lang iyon, she also want him to her first kiss.
'Hayyst! I'm hopeless.'
"Promise me Addy", buo ang boses na wika nito. At nakikita niyang seryoso ito sa sinasabi.
"Okay, I promise",lihim niyang naipikit ang mga mata. Hindi niya alam kung mapapanindigan ba niya iyon. She's so inlove with him. He was her first crush, her first love. Sana lang magbabago ang lahat sa birthday niya.
"And I want you to know, I like matured women. I don't see myself being with someone who's younger than me."
Tuluyan na siyang napipilan. It's just like a knife cutting her heart into pieces.
"You know what, I change my mind. You don't have to dance with me on my birthday",mabilis niyang sabi. He just hit the right spot to hurt her.
"Oh, that fast?" Napapantastikuhang tanong nito. Tumango-tango siya.
"You don't have to be there either",masama ang loob na wika niya.
"Addy..."
"Sorry, you're not invited. But as promised, I will stop bothering you anymore. Maybe it's time for me to meet different people. I shouldn't have waste my time bothering you."
"Look, you mis--
"It's okay. It's really okay."
Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon nila ay mabilis siyang umibis at patakbong tinungo ang gate. Tamang-tama namang bumukas iyon kaya dere-deretso siyang nakapasok sa loob.
Pinili niyang magkulong sa kwarto buong maghapon. Gusto niya pa sanang magpasama kanina sa lalaki na kumain ng tanghalian ngunit hindi na nangyari dahil naunahan na nito ng pananakit sa kanyang damdamin kahit hindi man nito sinasadya.
Sometimes she prayed, she could keep him out of her mind. But her heart is stubborn, it never stop beating for him.
Sinunod nga niya ang sinabi niya sa binata. Hindi na siya pumunta sa clinic nito. But she's secretly stalking him. Makita lang niya ito ay masaya na siya.
She's sound like an obsessed teen but what she can do? She can't let the day end without seeing him.
Kahit dalawang araw na lang debut party na niya, she never felt excited at all. Minsan na rin siyang hindi pumasok sa kanyang klase just to see him from afar. Hindi na kasi umuuwi ang ate niya sa mansyon kaya hindi na ito napapadpad sa bahay nila.
It's kind of relief that he don't like her sister. Kundi baka ikakasakit na talaga niya iyon. She will not stop admiring him as long as single pa ito. Kung makikita mismo ng dalawang mata niya na may girlfriend na ito, saka siya titigil. But she doubt that.
"Addison!" Mabilis niyang naibaling ang tingin sa inang si Gwyneth nang sumulpot ito mula sa kusina.
"Mom!" Mabilis siyang lumapit dito humalik sa pisngi nito.
"Saan ka galing?"
"School."
"School?" Naningkit ang mata nitong nakatingin sa kanya.
"Huling tanong. Saan ka galing?"