Chapter 1
Ako si Cris at nasa akin ang korona ng pagiging tanga. What should I do? Meron talagang mga bagay na hindi mo kayang pigilan o puksain na lang ng basta-basta.
I’ve been in love with this woman for almost eight years. Yes, you heard it right. And I’ve been loving her ‘till now. Nakakasama ko siya. Nasisilayan ko ang mga ngiti niya. Ang kanyang mga malulutong na tawa ay parang musika sa aking tenga. Sounds like a cliché, right?
I don’t know kung kelan o paano nagsimula ang lahat. Siguro noong una ko siyang makita. Bagong lipat kasi kami at tila ba itinadhana kami na magtagpo. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasabi ko na agad sa sarili ko na this is the woman I want to fall in love with.
“Ano ka ba naman Cris, hawakan mo nang mabuti ang karton na iyan. Puro babasagin ang mga laman niya. Naku kapag iyan naibagsak mo, hindi lang sermon ang aabutin mo sa lola mo,” pagpapaalala ng mama ko habang buhat-buhat ko ang isang malaking karton.
Nagsisimula na kasi kaming maglipat ng mga gamit sa bagong bahay naming. Noong una, ayokong umalis ng Manila. Siyempre, magco-college na ako. Gusto ko sa isang high-class na university ako mag-aaral. Pero ewan ko, kung kelan na excited na akong mag-enroll eh siya naming paglipat ng trabaho ni Papa, kaya eto kami ngayon.
“Ako pa ba? Eh ang lakas-lakas yata ng unico hijo niyo, karton lang ‘to, Ma,” pagmamayabang ko kay Mama.
Pabalik na sana ako ng truck nang may mahagip ang aking mga mata. Isang dalagang nakaupo sa isang upuang kawayan. Mukhang fini-feel niya ang pinapakinggan niya suot-suot ang earphones nito. Nakapikit habang nakangiti. Ngayon lang yata ako nakakita ng maganda pa rin kahit nakapikit.
“Cris, bilisan mo. Marami pa tayong gamit na ibababa,” pukaw sa akin ng Papa ko mula sa truck.
“Opo, eto na nga at pabalik na,” sagot ko sa kanya.
I can’t take off my eyes from that lady. Ewan ko ba, bigla ko na lang naramdaman yung urge na kilalanin siya.
“Ikaw Cris ha. Kung saan-saan na naman ‘yang mata mo napapadpad,” puna ni Papa nang makalapit na ako sa kanya.
“Hala, hindi po kaya. Ikaw talaga, Pa. Ano’ng akala niyo sa akin, ikaw?” pilosopo kong sab isa kanya.
Napatawa na lang si Papa. Hindi naman babaero si Papa, pero lapitin talaga siya ng mga chika babes kaya madalas ko siyang tinutukso.
I also found out na magkasing edad lang pala kami ng babaeng nakita ko kanina. I think, it’s meant to be.
Simula nang lumipat kami sa tapat ng bahay ng babaeng iyon, lalo lang tumitindi ang pagkagusto ko sa kanya. I don’t know what has gotten into me pero sa tuwing nakikita ko siya sa bakuran nila, nakasuot siya ng earphones and same expressions ang lagi kong nakikita sa kanya. Masaya at magaan.
“Cris, tigilan mo na ang pagtitingin mo sa malayo. Kung may crush ka sa kanya, puwes puntahan mo.” Nagulat ako ng marinig ko ang boses ng Mama ko. Alam ko nagra-rap siya kanina sa kusina kasi inubos ni Papa ‘yung paboritong ulam ni lola.
“Ma, naman. Katok-katok din pag may time,” gulat kong sab isa kanya.
“Kumatok ako hindi mo lang narinig. Paano ba naman kasi, hindi maalis-alis ang mata mo sa bintana. Ikaw Cris ha, mula noong lumipat tayo dito eh halos oras-oras kang nakabantay sa bintana.” Mukhang magra-rap na naman si Mama.
“Anng OA mo talaga, Ma. Hindi ba pwedeng maganda lang talaga ang view dito?” pagpapalusot ko.
“Tigil-tigilan mo nga ako Crisostomo. Hindi kita pinagbabawalan na magka-girlfriend. Ang sa akin lang, kung may gusto ka sa isang tao, lapitan mo, kilalanin mo. Hindi ‘yung parang daga ka diyan kung makatago att nakatanaw sa malayo,” walang prenong sabi pa niya.
“Ay naku, Ma. Andami mong sinabi. And please, ‘wag mong kumpletuhin ang pangalan ko,” pakiusap ko sa kanya.
Pagkatapos nun ay agad rin naming umalis si Mama. And I think, tama siya. It’s time para kilalanin ang babaeng iyon.
***
“Andito na ako,” anunsyo ko pagkapasok ko.
“Uy, buti nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay eh,” tila nababagot na sabi ni Claire sa akin.
Nakaupo ito sa harap ng TV, as usual, pag nagiging bungad niya sa akin I’m sure may ipapakiusap na naman ito.
“Lemme guess, magpapasuklay ka na naman?” hula kong tanong sa kanya.
Nakangisi itong tumango sabay abot ng hair brush sa akin. Nilapitan ko siya at inalalayang tumayo para ilipit siya sa mas mahabang sofa. Pagkaupo’y sinimulan ko ng suklayin ang kanyang buhok na halos lampas na sa bewang niya ang haba.
“Narinig kong parang may nilapag ka sa table pagkapasok mo. Anong dala mo? Pasalubong ba ‘yon?” tanong niya sa akin.
“Yup. Naisip ko kasi na baka miss mo ng kumain ng Super Meal kaya bumili na lang ako,” sagot ko habang patuloy pa rin sa pagsusuklay.
Humarap siya sa akin at nagsimulang maglakbay ang kanyang kamay.
“Ang bait-bait at ang sweet-sweet naman ni Crisostomo,” sabi niya sabay kurot sa mga pisngi ko nang matagpuan ito ng kanyang mga kamay.
“Alam mo, parang gusto kong bawiin na lang.” Nakita ko siyang sumimangot. Ang cute niya talaga. Hindi pa rin nagbabago ‘yung reaksyon niya sa tuwing may binabawi ako.
***
“Claire, may bisita tayo,” sabi ni Tita Belle nang makapasok kami sa bahay nila.
Ah, Claire pala ang pangalan ng babaeng bumihag sa puso ko. Humanda ka Claire dahil andito na ang bibihag rin sa tulog mong puso. Naks!
Pinaupo ako ni Tita Belle sa may sala nila. Hindi agad lumabas si Claire. Siguro, nag-ayos muna siya. Siyempre, star player yata ang bisita niya. Nakita ko si Tita Belle na nilapag niya sa mesa ang isang basket ng prutas na pinabibigay ni mama at nagpaalam na magbabanyo. May pagka-ninja rin kasi itong si mama. Masyadong supportive.
Ilang sandal pa’y nakita kong lumabas si Claire sa isang kwarto. Pansin ko ang lawak ng bahay nila. Hindi na nga sila nagpa-second floor pa.
Bigla akong kinabahan habang lumalakad siya papalapit. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin o sasabihin. Nang makalapit siya sa akin, nagtaka ako kasi hindi man lang niya ako napansin. Nilampasan niya lang ako at saka umupo sa tabi ko.
“Maupo ka na. Sorry kung hindi kita mabati agad. Hindi kasi ako sure kung saan ka banda,” sabi niya.
Parang na-freeze ako saglit. Little did I know, isa pa lang bulag si Claire. Hindi ko man lang napansin iyon.
“Nagulat ka ba? Baka hinahanap ka na ng mama mo sa inyo,” may halong pagkadismaya ang kanyang tinig.
Siguro naramdaman niya o baka nahulaan niya ang reaksyon ko nang malaman kong bulag siya.
“Ha? H-hindi ah. Alam naman ni mama na nandito ako. Inutusan niya kasi akong ibigay kay Tita Belle ang regalo niya,” agad kong bawi sa kanya.
Ayokong maramdaman niya na na-disappoint ako o naawa man lang sa kanya. At ang hindi ko talaga maipaliwanag eh kung bakit mas lalo yata akong na-attract sa kanya. Not to mention her beauty, Pinay beauty siya and her long black hair na lampas sa bewang niya make her more attractive.
***
“Cris? Uy, Cris ano ba? Naririnig mo ba ko?” pukaw ni Claire sa akin. Hindi ko kasi namalayan na huminto pala ako sa pagsusuklay ng buhok niya.
“Ha? What?”
“Lumilipad na naman ang isip mo. Ano ba kasi iyan?” tanong niya sa akin.
“Wala naman. May naalala lang ako,” tipid kong sagot sa kanya.
“Siyanga pala, kelan yung date niyo ni Marie?”
“Here we go again. Hindi nga ako makikipagdate sa ibang babae,” naiiritang sabi ko ng magsimulang magtanong si Claire.
Halos lahat yata ng mga pinsang buo at kahit malalayong pinsan niya eh gusto niyang ipa-date sa akin.
“Bakit, ano na naman ba ang problema?” naiinis na ring tanong niya.
“You know the answer to your question,” sabi ko at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok niya.
“Na hindi mo type? Cris naman, lahat naman yata ng mga pinsan ko sinigurado kong magugustuhan mo.”
“Oh really? How did you make sure na magugustuhan ko sila? Na sila nga yung type ko? As if nakabisado mo ang mukha nila,” sarkastikong sabi ko.
Hindi siya sumagot. Huli na ng mapagtanto ko ang nasabi ko.
“Claire, I’m sorry. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin,” paghihingi ko ng tawad sa kanya.
“Okay lang. As if naman na masasaktan pa ‘ko. Pahinga na lang muna ako sa kwarto,” malungkot na sabi niya saka tumayo at nagsimulang tunguhin ang kwarto.
Napasandal ako sa sofa. Double kill talaga ako. Kung alam niya lang kung bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, ang isang tulad niya ang tipo ko at kailanman hindi magbabago iyon.