bc

HIRAM NA MUKHA

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
opposites attract
curse
badboy
kickass heroine
stepfather
mafia
heir/heiress
tragedy
bxg
kicking
office/work place
small town
cheating
disappearance
enimies to lovers
multiple personality
tricky
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING ⚠️ ‼️🔞

"ANONG GINAGAWA MO? BAKIT AKO NANDITO?!" pakiramdam ko ay sumabog lahat ng ugat sa lalamunan ko sa sigaw kong iyon.

Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari. Kanina lang ay nasa palengke ako at sa isang iglap ay nandito na ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. At sa harapan ko ay nakatayo ang isang matangkad at hindi ko kilalang lalaki.

Pero ramdam ko ang galit niya habang nakatingin siya sa akin. Na para bang kahit anong oras ay pwedeng-pwede niya akong ilibing nang buhay.

"I've been searching for you for f*cking three years, Lumen! And now you're acting like you don't know me? Are you kidding me?"

Hindi ko alam pero ang dating sa akin niyon ay isang banta kaysa biro... dahil kahit bakas ang paghalakhak niya ay wala akong makitang tuwa sa kanyang mukha.

Huminga ako nang malalim at sinubukan kong tumayo.

Ngunit ilang sentimetro pa lang ang inilayo ng katawan ko sa malambot na kama...ay mar*has niyang hinablot ang aking buhok. At walang kahirap-hirap akong itinapon pabalik sa kama.

"GET AWAY FROM ME! HINDI KITA KILALA KAYA PAKAWALAN MO'KO..." mariin kong sigaw sabay sunod-sunod na pinaghahampas ang kanyang dibdib.

Ngunit kahit maubos na ang lakas ko ay hindi siya natinag. Nanatili siya sa ibabaw ko at agad na nanlaki ang aking mga mata nang mahuli niya ang papulsuhan ko...at itinali niya iyon gamit ang isang makapal na tali.

"You will stay here. Hindi kana makakaalis ulit, Lumen. Itatali kita sa kamang ito at kahit na umiyak ka pa ng d*go ay hinding-hindi pakakawalan..." his voice was cold, and there was nothing in his eyes—even just a single softness in it... nothing. "Who left me and ran away with you lover. You take money from me...i gave you everything you want but still you choose your lover over your own husband."

Husband?

Nanlamig ako nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko hanggang sa gumalaw siya sa ibabaw ko.

"Ano'ng gagawin mo?" ramdam ko ang paglakbay ng matinding takot sa buong sistema ko ng isa-isa niyang inalis ang suot niya.

Ngumisi siya at unti unting inilapit ang mukha sa akin...at napapikit ako nang mariin nang bigla niyang kinagat ang aking tainga.

"I will punish you for leaving me. I will ruin you and i will make sure that you can't leave me again," he whispered against my ear.

"HINDI AKO ANG ASAWA MO!" muling sigaw ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa loob ng blouse ko.

He chuckled."Then who? My wife's twin? Walang kambal ang asawa ko. At huwag mong iisipin na paniniwalaan ko pa ang bawat salitang sasabihin mo..." bulong niya at tuluyang bumagsak ang luha ko ng maramdaman kong kalasin niya ang br@ ko.

"You're a liar, Lumen. A sl*t, wh*re and gold digger....liar. I already learned my lesson and there's no way in h*ll that i would let you ran away from me again."

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Taken
Vivienne Manantala "Ayaw kong sumama. Hindi ko kayang iwanan ang asawa ko..." "Anong hindi?!" galit na sigaw ng isang lalaki at humigpit ang hawak nito sa babaeng patuloy niyang hinihila palayo. "Sasaktan ka niya! Baliw ang asawa mo, at kapag bumalik ka doon ay pap*tayin kana niya!" Galit na galit ito at agad na binuksan ang pintuan ng isang itim na sasakyan. Umiiyak pa rin ang babae nang pabato niya itong ipinapasok sa loob. "Sasama ka sa 'kin at hinding hindi kana babalik sa kanya!" Agad kong naramdaman ang malamig na likong dumaloy sa gilid ng aking mata. Dahan-dahan kong imunulat ang aking mga mata at pinunasan iyon. Bumalik na naman ang panaginip kong iyon. Hindi ko makita ang mga mukha ng taong nasa panaginip ko. Tanging boses lamang at mga galaw nila, ngunit kahit ang gilid ng mukha nila ay hindi ko maaninag. "Sino kaya ang mga iyon at bakit paulit-ulit ko silang nakikita sa panaginip ko?" bulong ko sabay sinuyod ng tingin ang kabuuan ng aking kwarto. Baka dahil lang 'to sa kakapanood ko ng mga palabas. Imahinasyon ko lang siguro iyon kaya bahala na! Huminga ako nang malalim at umahon sa aking kama. Inayos ko na muna ang hinigaan ko bago nagpunta sa banyo upang maligo. Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naalala kong kailangan ko palang mamalengke ngayon dahil paubos na ang stocks sa bahay. Kasalukuyan akong naghahanda para makaalis na nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran ko. Bumaling ako roon at mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Tatang. "Ang aga mo naman yatang nagising?" komento niya nang makita niya ako. Ngumiti ako at lumapit sa kanya para kunin ang dala niyang basket. "Mamamalengke pa po kasi ako. Kaya gumising ako nang ganitong oras para maaga akong makaalis...at ng sa ganoon ay makauwi rin po ako kaagad," paliwanag ko at napapailing na lamang ito. "O siya...mag-iingat ka," bilin niya at tumango lang ako. Hinintay ko na munang makapasok na ito sa kwarto niya bago ko kinuha ang maliit kong bag...at agad nang umalis. "Sana naman ay hindi umulan ngayon. Wala pa naman akong dalang payong," pabulong kong sabi habang naghihintay ng tricycle sa labas ng bahay. Naisip ko pa na baka aabutin pa ako ng isang oras kakahintay...pero mabuti nalang ay may tricycle agad na huminto sa harapan ko at agad akong bumyahe patungo sa palengke. ~~~~~~ Gaya ng inaasahan ko ay sobrang ingay ng buong paligid. Maraming tao ngayon dahilan weekends at may fiesta sa probinsya...at inaasahan kong maraming dayo. Dumiretso ako sa isang tindahan kung saan ako bumibili ng mga gulay at karne. At malayo pa lang ako ay nakangiti na sa akin si Manang Lusing...at inagaw pa nito ang atensyon ng kanyang anak para masabihan na papalapit na ako. Umiling ako nang tuluyan na akong nasa kanilang harapan. "Manang... hindi ko po talaga kayang payagan itong si Leo na ligawan ako. Mas bata po siya sa akin ng tatlong taon," reklamo ko sabay bigay sa kanya ng listahan ng mga bibilhin ko. "Bakit naman hindi? At ano naman ang probalema sa edad natin, Vivienne? Mas matangkad naman ako sa'yo at hindi na ako mukhang bata," tugon ni Leo at sobrang diin ng pagkakasabi niya na hindi na siya bata. Kinunutan ko siya ng noo, pero lalong lumawak ang ngiti niya. Ganitong-ganito talaga siya kapag tinitingnan ko siya. Na para bang kahit samaan ko pa siya ng tingin ay mas lalo pa siyang matuwa. "Sige na naman, Vivienne. Isang beses lang, hayaan mo akong ligawan kita. At kapag hindi talags nahulog ang loob mo sa 'kin ay titigil na ako," pakikiusap niya. Nakatingin siya sa akin. Parehong magkadikit ang palad at bahagyang nakanguso ang mga labi. Para bang gagana sa akin itong paawa effect niya. Pero naisip ko rin na sobrang bait niya sa akin. Nire-respeto niya ang desisyon ko at kailanman ay hindi siya lumagpas sa linya na itinatag ko sa pagitan naming dalawa. "Hindi naman siguro masama kung susubukan ko?" sa isip ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Makalipas ang ilang minutong pah-iisip ay unti unti akong tumango. At ganoon na lamang ang gulat ng lahat ng bigla itong sumigaw at tumalon. "LILIGAWAN KO NA SI VIVIENNE! PUMAPAYAG NA SIYANG MANLIGAW AKO SA KANYA!!!" Napakamot ako sa aking noo at bahagyang sinilip ang nanay niyang nakangiti rin. "Pasensya mo na, Vivienne. Gustong-gusto ka lang talaga nitong anak ko," nahihiyang sabi nito at umiling naman ako. "Ayos lang po, Manang. Sige po, aalis na po ako at maghahanda pa po ako ng agahan namin ni Tatang." Ngumiti siya at ibinigay sa akin ang resibo at basket kung saan nakalagay ang mga binili ko. Pero bago ko pa man iyon mahawakan ay hinawi ni Leo ang kamay ko. "Mabigat ito kaya ako na ang magdadala. Ihahatid na kita sa sakayan," agap niya at hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong umalma. "Leo---" "Hayaan mo na, Vivienne. Nagpapa-impress 'yan," banat ng isa sa mga tindero. Tuloy ay bigla akong nakaramdam ng hiya at tumakbo para sundan siya. "Kayang-kaya ko naman na kasi talags 'yan e..." angal ko habang nakasunod sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang unti unting paghinto niya. "Alam ko pero hayaan mo akong tulungan ka." Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Ngunit sa mga sandaling magsasalita na ako ay bigla kong narinig ang mariing pag-preno ng isang sasakyan sa likuran ko. Unti-unti akong umikot para makita kung sino ito...ngunit agad din napalitan ng dilim ang paningin ko sa telang biglang ibinalot sa ulo ko. "VIVIENNE---" Hindi ko na narinig ang kasunod niyon nang umalingawngaw ang malakas na putok ng bar*l. Nanlamig ako at hindi ako makagalaw nang sumunod ang malakas na tunog ng pagbagsak...nang kung sino sa harapan ko. "L-Leo..." Kahit wala akong makita ay sinubukan ko pa rin na humakbang sa kinatatayuan niya kanina. Pero mabilis akong nahawakan nang kung sino at hinila papasok sa loob ng sasakyan. "Stay still, Madam. We've been looking for you so stop giving us a hard time."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Messenger

read
114.2K
bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
850.6K
bc

The Silver Wolf

read
325.7K
bc

The Billionaire’s Intern

read
950.8K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.0M
bc

The MC President's Forsaken Wife

read
75.8K
bc

Unscentable

read
2.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook