Where We Were Heading? "Ano bang meron dito?" tanong ni Luke sa akin at hinawakan ang braso kong may sugat. Kinabahan agad ako at mabilis na hinigit pabalik ang braso ko pero nanatiling ang pagsisipat sa akin ni Luke. "Bakit may nakalagay na benda sa pulso mo? Nasugat ka?" "Oo, habang n-naghihiwa ako ng ingredients," medyo nauutal kong dahilan sa kaniya, pero hindi ako tinraydor ng mukha dahil blangko lang ito na parang normal lang talagang magkasugat sa gitna ng braso ko dahil sa paghihiwa. Nangingilabot ako sa paraan ng pagsipat niya sa akin gamit ang mga abong mata niya. Nakakapanindig balahibo na para bang binabasa niya ang bawat isipang pumapasok sa utak ko. Pinadaanan niya ng kaniyang dila ang labi niya at pumangalumbaba sa mesa niya, dahil nakahilig ako sa mesa niya ay mas naging

