Ignorance Dahan-dahan ang lakad ko, ang mga sasakyang mabilis na humaharurot ay nilalagpasan lang ako. The end of the road seems so far away now that I was walking at the middle of it. Rinig ko ang busina ng mga kotse at ang marahas na tunog ng mga makina, ang mga galit na bulyaw ng mga motoristang hindi naman humihinto kahit muntik na akong masagasaan. "The f**k," marahan kong mura. Bakit kasi sobrang laki at lawak ng kalsada sa La Fuente?! Malakas ngunit mainit ang hanging dumadaan sa mukha ko habang naglalakad. Mataas ang sinag ng araw dahil katanghaliang tapat noong araw na iyon. Pero sa dinami-dami ng mga sasakyang nilagpasan ako at mga taong nakakita sa akin, tanging isang sasakyan lang ang huminto. Ang lahat ay parang mabagal na gumagalaw habang papalapit ito ng papalapit sa

