Whole "What. Do. You. Mean." It wasn't a question but it was suppose to be. Habang pariin ng pariin ang mga salita ni Ichor ay parang paliit naman kami ng paliit ni Luke. Para kaming mga basang sisiw na nagpagulong-gulong sa putik dahil akala namin ay tsokolate at ngayong dumating na ang magulang namin ay saka pa lang namin napagtanto ang katangahan na ginawa. "Siya ang may kasalanan." Nagulat ako sa biglaang pagturo sa akin ni Luke. Nanlaki ang mga mata ko at saka inambahan ang kaibigan. "Oi-!" aapila pa sana ako pero nakita ko ang talim ng mga mata ni Ichor kaya napatahimik ako. Tiniim ko ang mga labi na para bang may magagawa iyon laban sa kagustuhan kong magprotesta. "Sinabi ko na sa kaniya na huwag gumawa ng kahit na anong katangahan pero ginawa niya pa rin," dagdag, o mas bagay

