Betrayed The sun hasn't even risen when I arrived at Rushmore High. Dahil dadayo pa kami sa isang school sa kabilang bayan ay maaga ang naging call time namin. Mahalumigmig ang hanging sumasampal sa katawan ko habang naglalakad papasok ng gate ng Rushmore kaya napayakap ako sa sarili ko. I looked above and see the moon was still peeking with its brilliant silvery complexion. There were only few stars that were still out together with the moon and the sky, although not quite dark, was still not as bright. Nilabas ko ang telepono ko at itinapat sa itaas para kuhanan sana ng litrato ang nangangasul na may kaunting pagkapulang langit pero hindi makuha ng mumurahin kong telepono ang kinang na nakikita ng mga mata ko. Sinubukan ko pa sa iba't ibang anggulo pero hindi ko pa rin makuha ng came

